Chapter Fifty six

Start from the beginning
                                    

“Liam. Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Ayesha. Pinili ko na lang na iiwas ang tingin sa kanila at magtalukbong ng kumot.

“May sakit ba si Rain?” Tanong ni Liam kay Ayesha.

“Nag-away ba sila? Nakita ko si Thunder, eh. Nagmamadaling lumabas ng Academy.” Sabi pa ni Liam ngunit sapilitan na siyang pinaalis ni Ayesha. Saan naman kaya siya pupunta ngayon? Sa kaibigan niyang babae?

Wala sa sarili akong napabuntong hininga at pumikit na lamang.

Ilang oras pa ang lumipas, kahit anong pilit ko sa sarili ko na wag isipin si Thunder, hindi ko magawa kaya naman hindi ako nakatulog at piniling lumabas na lang ng dorm para makipagkita kay Cloud.

Lumabas kami ng Academy at kasalukuyang naglalakad papunta sa café na malapit lang campus at nasa gilid lang ng main road. Walang umiimik sa amin hanggang sa basagin ni Cloud ang katahimikan.

“May nakapagsabi sa’kin na nawala raw kayo ni Thunder sa unang araw ng team building.” Sabi niya nang huminto kami sa tapat café, hindi na rin ako nabigla na alam na niya kaya hinawakan ko ang kamay niya at saka humarap sa kanya.

“Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa’yo ‘di ba?” Tanong ko at tumango siya pero bago ko pa maibuka ulit ang bibig ko para magsalita ay bigla na lang sumulpot si Thunder at sinuntok si Cloud.

“Thunder! Ano ba?!” Sigaw ko nang pumagitna ako sa dalawa.

“Sino ka para gamitin si Rain?!” Sigaw ni Thunder nang akma siyang susugod ulit. Mabuti na lang ay naitulak ko siya palayo dahil kung hindi, baka masuntok ko na naman siya ng wala sa oras.

“Ano? Anong pinagsasabi mo?” Tanong ko ngunit bigla na lang siyang lumingon sa likuran niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon kaya napalunok na lang ako nang makita si Sunny. Lumapit siya sa amin at tumabi kay Thunder.

No way! There’s no fucking way na siya ang tinutukoy niyang kaibigan. Bakit ang galing maglaro ng tadhana? Bakit sa dinami-rami ng babae, siya pa?

“Sunny.” Tawag ni Cloud pero agad akong hinatak ni Thunder saka sapilitang tinanggal iyong engagement ring ng suot ko.

“Bakit ka nagpapagamit sa lalaking ‘yan?!” Sigaw niya ngunit itinulak ko lang siya bago lumapit ulit kay Cloud. Alam kong ayaw niya ang nangyayari pero wala na kaming magagawa. Buking na kami.

“Rain. Alam ko nang hindi talaga kayo engaged. Ito, si Sunny. Siya ‘yung totoong fiancé ni Cloud ‘di ba?” Hindi ko nagawang kumibo agad sa sinabi ni Thunder at hinawakan lang ng mahigpit ang kamay ni Cloud. Huminga ako ng malalim ng sa wakas ay nakahugot na ako ng lakas ng loob para umamin.

“Listenㅡ” Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil sumugod na naman si Thunder.

“Cloud is dying! God damnit! Pwede ba hayaan mo kong magpaliwanag? Kasi tangina hindi ka nakakatulong!” Sigaw ko, dahilan para mapahinto si Thunder, samantalang si Sunny ay umiyak na lamang sa isang tabi.

“Oo, pinakiusapan ako ni Cloud na magpanggap kaming engaged para masaktan si Sunny, may cancer si Cloud at may taning na ang buhay niya! Tiniis niyang iwan si Sunny dahil ayaw niyang magpakasal ang babaeng mahal niya sa taong mamamatay na!”

Inayos ko ang buhok ko kahit na hindi iyon magulo, gusto ko na ring umiyak sa mga oras na ito pero kailangan kong magpakatatag para maliwanag sila sa kung ano ba ang totoo at hindi.

“Sunny, alam kong inaya kang magpakasal ni Cloud, But that time? Hindi niya pa alam na may sakit siya kaya no’ng oras na malaman niya, mas pinili ka na lang niyang iwasan keysa harapin. Natatakot siya sa sitwasyon at hindi makapag-isip ng maayos.” Paliwanag ko at bigla na lang niyang niyakap si Cloud kaya napalayo ako. Habang si Thunder naman ay parang nanigas na sa kinatatayuan niya.

“I told you na makipagbati ka na. Do it now, before it’s too late.” Sabi ko kay Thunder pero bigla itong tumakbo palayo. Wala na rin akong magawa pa dahil nanghihina na ako, ang hirap niyang pakiusapan. Hanggang sarado pa rin ang utak niyang tuwing nagagalit.

“Cloud, sorry. Hindi ko na naitago ‘yung sikreto mo.” Paghingi ko ng tawad nang lingunin ko siya. Nginitian niya ako at saka ko naman ibinaling ang atensyon kay Sunny.

“Take care of Cloud, sorry kung inagaw ko ang mga pagkakataon na dapat kayo ang magkasama. It’s just that, malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya, para ko na siyang nakakatandang kapatid kaya hindi ko matanggihan ang pakiusap niya.” Tipid na ngumiti si Sunny at hinawakan ang parehong kamay ko habang tumatango.

“Okay lang, but can you give me a favor? Sundan mo si Thunder, he really loves you. Be with him again before it’s too late.” Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

“What do you mean?”

“His life is in danger, nakalimutan ko ‘yung pangalan no’ng sinasabi niyang nagbabanta sa buhay niyaㅡ”

“YB.” Bulong ko sa sarili at saka dali daling tinawagan si Thunder ngunit hindi niya sinasagot. Tumakbo ako at sumakay ng bus papunta sa park at hindi nga ako nagkamali dahil nandito siya. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay niya, balak ko pa sana siyang hilahin pero ako nahila niya at niyakap ng mahigpit.

“Thunder.” Tanging pagtawag na lang sa pangalan niya ang nagawa ko. Mabilis naman siyang kumalas at saka hinawakan ang mga kamay ko.

“Natatakot ako para kay Cloud. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko siyang mamatay.” Sabi niya, dahilan para mapangiti ako.

“Gagawin natin lahat para gumaling si Cloud, kahit imposible na. Subukan pa rin natin.” Paninigurado ko bago ngumiti ng tipid at sabay na bumalik ng Academy para makapagpahinga.

Masaya akong okay na kaming lahat, okay na kami ni Thunder, okay na kami ni Sunny at magiging okay na rin ang magkapatid, but one thing for sure. Alam kong hindi ito pang matagalan. Anytime soon alam kong magkakaroon na naman ng problema and yeahㅡI’m ready to face it.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now