Chapter Nine

201K 6.9K 2.1K
                                    


9: Keen’s lab
-

“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pag balik namin ng dorm. Tumango lang ako bilang sagot, mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala yung gulo.

Hindi na tuloy pinatagal yung party and now, some of the girls are cursing me. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira yung party. Tch.

“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog.

“Ha? We’re not dating, wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko. Sana nga totoo yung sinabi niya eh, kinikilig pa rin ako at namumula ang mga pisngi ko pag naaalala ko, pero mas naaalala ko yung ginawa ni Thunder kanina. Humiga ako sa kama at isinubsob yung mukha ko sa unan.

“Uy, anong nangyari sa’yo? Okay ka lang?” Lumapit sa akin si Ayesha kaya naman naupo ako. Pakiramdam ko ay nag b-blush ako ngayon.

“Nahalikan ka na ba?” Tanong ko at bigla na lang siyang ngumiti ng wagas.

“Oh my god! Don’t tell me may humalik sa’yo sa lights off kanina?” Tanong niya habang nakahawak siya sa mga kamay ko. Paano naman niya nalaman iyon? Sasabihin ko ba na oo?

“Ah....anoㅡ”

“Alam mo ba na kung sino daw yung hahalik sayo sa light’s off, siya yung makakatuluyan mo?” Bigla na lang akong napatayo dahil sa sinabi niya.

“Ha? Sino naman ang nag sabi noon? Hindi ‘yon totoo.” alam kong napakadefensive nung sinabi ko. Proven na ba iyon? Imposible namang totoo yung mga ganung kasabihan. Dali-dali akong pumasok sa banyo at nagpalit ng damit. Napatingin naman ako sa salamin at hindi ko maiwasan hindi hawakan ang labi ko.

Yung first kiss ko. Maganda sana kung mas romantic iyon, eh. Shit ano bang iniisip ko?

Kinabukasan. Tinignan ko ang schedule ko pagkagising na pag kagising.

“Ayesha saan ‘tong Keen’s laboratory?” Tanong ko. Wala kasing nakalagay na subject. Oras at kung saang building lang ang nakalagay dito.

“Oo nga pala. Tuwing friday kasi, nag gagather lahat ng estudyante dipende sa kind nila. Bali puro keen lang yung mga makakasalamuha mo tuwing friday.” sabi niya at tumango lang ako. Maigi na ‘yon, ayoko kasing makita yung muka ni Thunder. Naiinis ako. Nakakailang, parang pag nakasalubong ko siya sa daan ay kusa na lang ako magpapakain sa lupa.

Lumipas ang ilang minuto at tinatahak ko na ang daan papunta sa sinabing direksyon ni Ayesha papunta sa keen’s lab. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil kulay asul yung building. Obvious na obvious na ito nga yung hinahanap ko.

Di ba sya yung babae sa party kagabi?

Oo, yung new girl na pabida.

Aray, sana hindi na sila bumulong ‘di ba? Sana kinausap na lang nila ako kasi ang lakas ng boses nila, not to mention na nasa harapan nila ako.

“Hi. Apelyido?” Tanong ng babaeng lumapit na may dalang tablet.

“Celvero.” Tipid na sagot ko at may kung ano siyang pinindot doon sa tablet na hawak niya. Maya-maya lang ay nginitian niya ako.

“Follow me,” utos niya at sumunod naman ako hanggang sa huminto kami sa kulay puting pintuan. Inabutan niya rin ako ng lab gown na kulay asul.

Pumasok kami sa loob at doon ko nakita ang apat na Keen na kaklase ko at iba pang estudyante. Lalapitan ko sana sila kaso parang ayaw nila akong kasama kaya lumayo na lang ako. Nakakaiyak naman ‘to.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon