Chapter Fifty six

99.7K 3K 285
                                    


56: Before it’s too late
-

Rain’s POV

“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.

“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.

“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”

“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.

“Listen Thunder, hindi naman ginusto ni Cloud na siya ang unahin ng Papa mo. Hindi rin niya kasalanan na naging kapatid mo siya.” Pagpapaliwanag ko pero hindi niya ko pinapakinggan, nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

“Kung hindi mo kayang tanggapin si Cloud bilang kapatid mo, I’m sorry pero wag na tayong mag-usap pa.” Tumayo na ako at lumabas sa kweba kahit na malakas pa ang ulan. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Pinilit kong tumakbo kahit na masakit pa ang paa ko at nang makalabas sa gubat ay agad akong dumiretso sa duplex pero wala ang ibang girls dito, mukhang nasa function hall silang lahat.

“Saan ka ba nanggaling kanina? Alalang alala kami sa’yo.” Bungad sa akin ni Ayesha nang lumabas ako ng banyo. Mukhang tapos na ang activity kaya nagsibalikan na sila rito sa duplex.

“Ah nagpahangin lang. Anong sabi ng mga facilitator?” Tanong ko habang pinupunasan ng twalya ang buhok ko.

“Wala naman. Hinayaan na lang kayo ni Mr. Santos.” Sagot ni Ayesha at tumango na lang ako. Hanggang ngayon nararamdamam ko pa rin ang halik ni Thunder pero mali ito, mali itong ginagawa ko.

“Mamaya, mag-di-dinner na tayo. Are you sure na okay ka lang?” Tumango lang ulit ako at saka nagmadaling tawagan si Cloud pero hindi niya sinasagot. Nalaman na kaya niya ag nangyari kanina?

Hindi kalaunan ay sabay-sabay na kami ng girls pumunta sa buffet area para mag-dinner. Maraming estudyante ang nakatingin sa akin pero hindi ko na iyon ginawang bigdeal. Nilibot ko na lang ang paningin ko pero hindi ko pa rin mahagilap sila Cloud.

“Puro senior A tayo rito, nasa kabila ‘yung senior B.” Puna ni Emerald nang mapansin nitong may hinahanap ako. Tumango ako ng tipid at pumila, pero sadyang magaling sumakto ang oras dahil nasa kabilang pila si Thunder, meaning magkakasabay kaming kumuha ng pagkain.

Sinubukan ko siyang iwasan pero siya na mismo ang lumapit sa akin.

“Rain, about what happenㅡ”

“Forget it.” Pagputol ko sa balak niyang sabihin at saka nagmadaling kumuha ng pagkain. Pag-upo na pag-upo ko naman sa lamesa kung nasaan sila Tymee ay naupo rin ang Dark at si Thunder.

Ginawa ko lahat para maiwasan siya hanggang sa matapos itong team building at bumalik kami ng Academy, hindi ko na nagawang pansinin pa si Thunder. Hangga’t maaari, dapat ko siyang iwasan.

“Beb, may nangyari ba? Bakit parang simula no’ng nag-team building tayo, naging tahimik ka?” Tanong ni Ayesha habang nagpapahinga kami sa kwarto. Hindi ako sumagot at tinitigan lang ang cellphone ko. Balak ko pa sanang tawagan si Cloud ngunit may narinig akong kalabog sa balkonahe, dahilan para mapalingon ako roon.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now