Chapter Six

205K 7.1K 1K
                                    


6: King of Death
-

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. I can’t believe na kasama kong kumain ang isang Jiro Villaruel. The cold but hot guy. Hindi pa breaktime kaya kami lang ang estudyante ngayon dito sa cafeteria. Maaga kami ng 30 minutes.

“Okay lang ba kung kukunin ko yung memory card? Baka kasi makita mo yung picture na kinuha nang lalaking ‘yon.” medyo naiilang na sabi ko. Wala siyang isinagot pero inabot niya sa akin yung memory card. Dead air, ang awkward.

“Salamat nga palaㅡ”

“Don’t need to thank me. Ayoko lang talaga sa mga naturingan na Keen pero hindi marunong mag-isip.” aray. Bakit pakiramdam ko natamaan ako sa sinabi niya? Naturingan akong keen pero hindi ko inisip ang mga pwedeng mangyari bago ko kinalaban si Thunder.

Ayan tuloy, lumalala yung mga pangyayari pero hindi na iyon mahalaga. Nangyari na eh at saka hindi ko palalagpasin yung kademonyohan ng lalaking iyon, hindi ako tutunganga at panunuorin lang siya.

“Hindi ikaw yung tinutukoy ko. That guy earlier, he’s a keen pero hindi niya inisip na para na siyang insolent kung umasta.” cold na sabi ni Jiro sabay inom sa kape na hawak niya. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko kasi ay ako ang tinutukoy niya.

“Uhm, hindi ka ba hahanapin ng mga kagrupo mo? Baka nag-aalala na sila sa’yo.” tumawa siya ng bahagya sa sinabi ko.

“Alala? Hindi ‘yon uso sa grupo namin.” tinignan ko lang siya at nag-antay pa sa susunod niyang sasabihin pero wala na palang kasunod kaya dead air na naman. Ang tipid tipid niyang magsalita.

“Need to go, baka nasa na hideout silaㅡhere!” tumayo na siya at may inabot na papel sa akin. “That’s my phone number. Call me when you need help.”

Naglakad siya palayo kaya napanganga ako. Hindi ako makapaniwala na Insolent siya, mabait naman kasi siya, eh. Hindi nga lang halata.

Nagpunta ako sa mga locker para kuhain ang mga notebook ko para sa next subject pero pagbukas ko ng locker ko ay may nahulog na baraha.

King of spade pero bungo na may korona ang nakalagay imbis na tao. Ang creepy naman ng baraha na 'to. Wala akong natatandaan na may ganito sa gamit ko.

 Wala akong natatandaan na may ganito sa gamit ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Look, may king of death siya,”

“Akala ko ba itinigil na nila ang pag bibigay ng card na yan?”

“I don’t know. Tara na.”

Napalingon na lang ako sa mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid ko. Anong king of death? Bago pa dumami ang tanong sa isip ko ay may lumipad ng bato sa direksyon ko but due to my reflexes, naiwasan ko iyon agad. What the hell?!

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon