Chapter Three

238K 7.2K 841
                                    


3: Worst Section
-

“Rain, mauuna na akong maligo ha? Nandiyan na rin sa lamesa yung class schedule mo.” Sigaw ni Ayesha mula sa loob ng banyo. Agad naman akong bumangon para tignan ang schedule ko. 7:00 a.m to 1:00 p.m ang oras ng pasok, pang second week na ito ng second sem ngayong araw, siguradong mahihirapan akong makisama sa mga magiging kaklase ko since magkakakilala na sila.

Freshman pa lang ako kaya wala pa akong masiyadong alam sa buhay college, sana lang ay maging masaya ang pag-aaral ko rito at sana makatapos ako ng maayos, hindi ko naman kasi alam kung ano ang rason ng biglaan kong paglipat ng school, isang araw nabigla na lang ako ng sabihing kasama ako sa exchange program na mangyayari sa school.

Ilang minuto ang nakalipas, tapos na rin akong mag-asikaso. Napansin ko na magkaiba ang uniform namin ni Ayesha, pareho namang kulay black pero kulay blue yung tatak ng logo sa uniform ko samantalang yung sa kanya ay kulay brown.

“Ayesha, bakit magkaiba ng kulay yung logo ng uniform natin?” Ignoranteng tanong ko habang nag-aayos siya ng buhok sa harapan ng salamin.

“Ah, hindi ko pala naexplain sa’yo kahapon. Brown symbolizes amiable, yung blue ay keen, red for robust, purple for probity at black naman yung mga insolent.” sabi niya habang nakaharap pa rin sa salamin. Tumango tango naman ako at inayos ang mga gamit ko. Mukhang organize na organize ang school na ito, nakakacurious tuloy ako kung sino ang nakaisip ng lahat ng ito.

“Ano nga palang section mo? Baka pareho tayo.”

“Hmm 1-A. Ikaw?” Bigla na lang niyang nabitawan ang hawak niyang lipstick at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya dahil sa naging reaksyon niyang iyon.

“You can’t be serious! Bakit nasa worst section ka?” Medyo may pagka-oa na tanong niya kaya mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko.

“Worst section?” Tumango siya at hinatak ako para maupo. Ay grabe, makikipagkwentuhan pa yata siya sa akin. Quarter to 7:00 na kaya.

“Nandoon kasi ang dark kaya iyon naging worst section. Nako Rain, be careful okay? Wag na wag mong tatangkaing lapitan or kausapin sila. Isang suicide ‘yon.” sabi niya at napangiwi lang ako. May isa namang mabait sa kanila eh, that guy from last night. I’m sure hindi niya ako sasaktan. I know he’s different.

“Dito na lang Rain ah? Basta nasa 4th floor, kaliwang side yung classroom mo.” Paalala ni Ayesha nang ihatid niya ako sa tapat ng elevator.

“Noted po, salamat.” naghiwalay na kami at nagpunta na sa magiging classroom ko. Kinakabahan ako. Pagtungtong ko ng 4th floor ay nakakarinig na agad ako ng ingay and if I'm not mistaken ay galing iyon sa classroom na tinutukoy ni Ayesha which is yung magiging section ko.

Dahan-dahan akong lumapit doon at tama nga ako, dito nanggagaling yung ingay. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok pero hindi pa man rin tumatama ang kamay ko sa pintuan ay bumukas na iyon. Halos malaglag pa ang panga ko dahil sa bumungad sa akin.

The guy from yesterday. Ugh. Why so pogi?

“Dito ka?” Walang ekspresyong tanong nito habang nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa at ang isa naman ay nakahawak sa sliding door.

“Ah oo.” tumango ako at tumabi siya sa pinto para bigyan ako ng daan. Ang gentleman naman, nginitian ko siya at pagpasok ko ay biglang natahimik ang buong classroom.

May prof naman pala pero bakit sobrang ingay nila? Ang dami pang papel sa sahig at gulo-gulo ang ibang upuan na parang akala mo’y dinaanan ng isang malakas na ipo-ipo.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon