Chapter Forty-five

1.9K 97 1
                                    



                 " Love, halika ituturo ko sa iyo yung natapos ko ng gawin habang tulog ka kanina." Ang yaya ni Chard kay Dei.

                 " May natapos ka na? Ang daya mo! You didn't wake me up." Ang nakapout na tanong ng dalaga.

                 Kinurot ng bahagya ni Chard ang ilong ni Dei at ngumiti ng matamis sa dalaga.

                 " Ang sarap kasi ng tulog mo. I didn't want to disturb you. You were sleeping like a baby." Ang sabi ni Chard sabay akbay sa dalaga. Nag umpisa na silang maglakad.

                 " Talaga ba?" Ang nakanguso pa ring tanong ni Dei.

                 " Stop pouting, it makes want to kiss you. Lalo tayong walang matatapos." Ang sabi ng binata.

                 Pagkarinig ng sinabi ng binata ay biglang itinikom ni Dei ang mga labi na bigla namang ikinatawa ng malakas ng binata. Maya maya ay napasali na rin sa tawa si Dei. Magkaakbay nilang pinuntahan ang lugar na may kataasan sa kinalalagyan ng kubo nila. Nang marating nila ito napansin agad ni Dei ang malaking tumpok ng mga kahoy.

                  " Ito, we will light this as soon as may dumaang plane or boat para makita nila agad. Then we have to make ang S.O.S. sign there for the planes to see. Ready ka na ba?" Ang paliwanag ni Chard sa dalaga.

                  " Yes sir!" Ang sabi ni Dei sabay saludo.

                  " Then let's go!" Ang nakangiting sagot ni Chard.

                  Bumaba sila uli sa dalampasigan. Nag-umpisa na silang maghakot ng mga sari-saring bagay na magagamit nila para sa sign na gagawin nila. Palapa ng niyog, mga mahahabang kahoy, malalaking bato at kung ano pang makita nilang makakatulong. Mabilis nilang natapos ang pag hahakot dahil maraming mga nakakalat na mga pwede nilang magamit. Nang matapos silang maghakot ay inayos na nila ang mga ito. 

                  Napagod ang dalawa kaya bumalik na sila sa kubo nila. naunang pumasok si Dei para magpalit ng damit. Si Chard naman ay naghintay sa labas. habang hinihintay nya si Dei lumabas ay pinaapoy nya ang natirang baga ng apoy nila para makapaghanda ng makakain nila sa hapunan. Ilang sandali pa ay lumabas na si Dei at si Chard naman ang pumasok sa loob para magbihis. paglabas ni Chard ay nakapagsalang na si Dei ng kanilang hapunan. 

                  " Love, dito ka lang muna ha. I'll just pick some fruits and get water." ang paalam ni Chard sa dalaga.

                  " Okay, don't be too long though. Malapit ng lumubog ang araw." ang bilin naman ni Dei.

                  " Yes mam" ang nakangiting sabi ni Chard sabay saludo. 

                  Napangiti naman si Dei sa ginawa ni Chard. Sinundan nya ng tingin ang binata hanggang makapasok ito sa gubat. Nang di na matanaw ang binata ay nagmuni muni na ang dalaga. Naisip nya ang pamilya nyang naiwan. Alam nyang nag-aalala na sa kanya ang mga magulang nya at kapatid. Pero sana hindi nila iniisip na namatay sya kasama ng ibang pasahero sa plane. Malalim ang iniisip ni Dei habang natanaw sa dagat. Hindi nya napansin na medyo dumidilim na at wala pa si Chard.

                 Sa sobrang lalim ng iniisip ng dalaga di nya namalayan na nakabalik na si Chard at nakalapit na sa kanya. Nagulat na lang sya nang bigla syang halikan ng binata sa pisngi.

                 " Penny for your thoughts." ang sabi ni Chard sa nagulat na dalaga.

                 " Oh you're here na. I didn't hear you approach. " ang sabi ni Dei kay Chard.

                 " Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh. ano ba iniisip mo?" and sagot naman ni Chard.

                 " Ah wala lang. Let's talk about that na lang later. Nagugutom na ako. Let's eat muna." ang sabi naman ng dalaga at tumayo na ito.

                 " Okay, you're the boss." ang sagot naman ni Chard na ikinangiti ni Dei.

                 At kumain na nga silang dalawa. Pero halata ang pananahimik ni Dei habang kumakain sila. halatang may iniisip ito. Hinayaan na lang ni Chard ang dalaga. Magkukwento din ito pag ready na sya. Nang matapos silang kumain ay tahimik p rin ang dalaga habang nagliligpit. Dumidilim na rin ang langit kaya dinagdagan na ni Chard ng kahoy ang apoy nila para magsilbing bonfire nila at ilaw na rin.

               nang matapos ang binata ay nilapitan nya si Dei na nakaupo na ngayon sa isa sa mga malalaking bato at nakatitig sa apoy.

              " Love, tara let's watch the stars. dun tayo oh." ang yaya ni Chard kay Dei.

              " Okay, nabusog ka ba?" ang tanong ng dalaga habang naglalakad sila na magkahawak ang mga kamay.

              " Oo naman ikaw yata nagprepare." ang sagot ng binata sabay halik sa kamay ng dalaga.

              " When we get back home, ipagluluto kita ng lahat ng favorites mo." napangiting sabi ni Dei.

              " Talaga? Promise yan ha." ang sabi din ni Chard.

              " OO promise."

              Nang marating nila ang spot na paborito nila sa tabing dagat ay nahiga ang dalawa. Nakaunan si Dei sa braso ni Chard. Pinanood nila ang paglabas ng mga stars. Maya maya ay di na nakatiis si Chard dahil tahimik nanaman si Dei.

              " Dei, may problema ka ba? You know you can tell me anything." ang bulong ni Chard kay Dei.

              " Wala naman, I'm just sad." ang sagot ng dalaga at yumakap kay Chard. Hinawakan ni Chard ang baba ni Dei at tinitigan ito sa mata. May luha ang mga mata ng dalaga.

              " Bakit ka naman nalulungkot" ang tanong ni Chard.

              " Kasi its been over a month pero di pa rin tayo nasasave dito. And I miss my family." ang sagot ng dalaga.

              " Mahahanap din nila tayo. Wag ka ng malungkot please? Kaya nga tayo gumawa ng mga S.O.S. eh para mas madali nila tayong mahahanap." at niyakap nya ang dalaga. 

              Sya man din ay nalulungkot at namimiss na rin ang pamilya pero hindi nya ipinapakita kay Dei kasi alam nyang lalo lang malulungkot ang dalaga. Gusto nyang maging matatag para sa dalaga. Pero sa isang banda ay parang ayaw nya pa ring umalis sa isla. dahil alam nya na iba ang buhay nila sa City. Mahahati na ang oras nila pag nakabalik na sila. Kaya minsan naiisip nya na sana hindi na lang sila maligtas.


*****************************************************************************************************


hi guys, sorry kung natagalan nanaman ang pag update ko. nasira ksi ung ginagamit kong tab. pero ngayon may laptop na ako hehehehe. upgrade. i was planning to do a sequel of this story. parang continuation ng love story ni Dei at Chard. sa real world naman kasi malapit na silang umalis sa paradise.

well anyway, i would like to hear your views and comments, react to my story. i would love to read anything from you and most importantly, don't forgrt to vote. thank you and enjoy.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now