Chapter Thirty-five

2.1K 118 7
                                    


              Nang makabalik si Chard sa kubo nila ay inasikaso na nila ang paglelechon sa nahuli nila. Magkatulong nilang ginawa ang mga dapat gawin. Nang maisalang na nila ang baboy ramo ay magkatabi silang naupo sa isang dulo ng kawayan. Hawak hawak ni Chard ang kawayan at dahan-dahan nya itong iniikot. Si Dei naman ay tahimik lang sa tabi nya. Nakatanaw sa dagat na may papalubog na araw. Nagpapakiramdaman ang dalawa.

              Pasulyap-sulyap si Chard sa dalaga. Pinakikiramdaman ang kilos nito. Pero tahimik lang ang dalaga na para bang may iniisip. Kaya tumahimik na rin lang cia.

              " Chard, can I ask you a question?" Ang biglang pagsasalita ni Dei pero nakatanaw pa rin sa malayo.

              " Sure." Ang maiksing sagot ni Chard. Hindi nya man lang sinulyapan si Dei. Concentrated sya kunwari sa ginagawa.

              " Uuhhhmmm.. Are you mad at me?" Ang tanong ni Dei kay Chard.

              " Bakit naman ako magagalit sa iyo?" Nagulat si Chard sa tanong ni Dei. Kaya bigla nyang nilingon ito. Nakatanaw pa rin sa malayo si Dei. Pero kita ang lungkot sa mga mata nya.

              " I was just wondering. We were okay this morning. Then suddenly you wouldn't talk to me. You're suddenly quiet." Ang sagot ni Dei at tumingin ito sa kanya. Nuon nya lang napansin na tumulo ang luha ni Dei. Binitiwan nya ang iniikot na lechon at lumapit pa lalo kay Dei. Pinunasan nya ang luha nito at niyakap nya.

              " Sssshhhh... Stop crying. Diba I told you, I would never get mad at you?" Ang bulong nya kay Dei at hinimas himas ang ulo nito para tumahan ang dalaga.

              " Eh why the sudden cold treatment and your being silent?" Ang humihikbi-hikbing tanong ng dalaga kay Chard. Yakap pa rin sya ng binata.

              " May iniisip lang ako." Ang sagot ni Chard at hinawakan sa balikat si Dei at tiningnan sa mga mata. Pinahiran nya uli ang mga luha ni Dei at ngumiti dito.

              " Pwede kong malaman kung ano?" Ang tanong nya uli kay Chard.

              " Naisip ko lang kung may naiwan ka ba sa Manila." Ang sagot ni Chard habang hinarap nya uli ang iniihaw.

              " Of course I did." Ang mabilis na sagot ni Dei.

              " Ahhh... Okay." Ang maikling sagot ni Chard. Tumalikod ito kay Dei pagkasabi nun. At biglang napangiti si Dei na para bang may biglang naisip.

              " Of course I left my family in Manila." Lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Dei. Inobserbahan nya ng reaction ni Chard. Biglang tumaas ang ulo ni Chard pero nakatalikod pa rin ito sa kanya.

              " Family mo lang?" Ang tanong nito na kunwari ay busy sa pag-iikot ng kawayan.

              " Who else? I haven't had a boyfriend for five years. Wait are you jealous?" Ang sni ni Dei na lalong napangiti dahil sa natuklasan nya.

              " Hindi ah. Bakit naman ako magseselos? Tayo na ba?" Ang pagkakaila ni Chard.

              " I just realized you started being like that nung makita ko yung blurred picture. Hey will you please face me." Ang sabi ni Dei na nangingiti pa rin. Humarap naman si Chard.

              " Hindi ah!" Ang pag-dedeny pa rin ng binata.

              " Uy... Si Richard nagseselos.." Ang panunukso ni Dei kay Chard sabay pisil sa ilong nito.

              " Hindi ako nagseselos Dei." Deny nya uli pero nangingiti na sya ng konti sa ginagawa ni Dei.

              " Uy nagseselos.. Hahahaha... Nagseselos... Ang cute mo pala magselos." Ang pang-aasar nya pa tin kay Chard.

Paradise Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon