Chapter Forty-one

1.8K 92 4
                                    



DING DONG!!

" Nico pakisilip mo nga yung nag door bell." Ang sabi ni Tatay Teddy nang tumunog ang doorbell.

Pinuntahan naman ni Nico ang gate nila para silipin kung sino ang dumating. Nakita nya ang isang lalaki na kaidad siguro ng tatay nya na nakatayo sa labas ng gate.

" Good morning iho, ito ba ang bahay ng mga Mendoza?" Ang tanong ng lalaki na nasa labas ng gate.

" Good morning din po, opo ito nga po. Kayo po ba si Mr. Faulkerson?" Ang tanong naman ni Nico.

" Oo iho." Ang sagot nito.

" Pasok po kayo. Ipasok nyo po yung sasakyan nyo." Ang sabi ng binata at binukasan ng malaki ang gate para makapasok ang sasakyan ng bisita nila.

Hinintay nyang makababa ng kotse ito, may kasama itong lalaki rin na halos kaidad nya. Baka anak nito, kamukha eh.

" Tara po dito po tayo. Nasa sala po sila tatay naghihintay sa inyo. Ako po pala si Nico, Nico Mendoza." Ang pagpapakilala ni Nico.

" Richard Faulkerson, you can call me Ricky or anything you like. At ito naman ang panganay kong anak na si RD." ang pakilala ni daddy Richard sa panganay.

" Nice to meet you po tito Ricky, pare." Nakipagshake hands si Nico kay Daddy Richard at kay Kuya RD.

" Dito po tayo. Tay, nandito na po ang mga Faulkerson." Ang bungad ni Nico sa pintuan.

Nagsitayuan sila Tatay Teddy at hinintay na makalapit ang mga bagong dating. Nang makalapit ang mga bisita ay ipinakilala ni Nico ang mga ito.

" Tay si Mr. Richard Faulkerson po at ang anak nyang si RD. Tito Ricky ang tatay ko po, si Tatay Teddy, ang nanay ko po si Nanay Mary Ann, ang ate ko po, si Ate Nikki, kapatid ko po sina Coleen at Dean. At kaibigan po ng kapatid ko si Jake." Ang mahabang pakilala ni Nico sa mga bagong dating at sa kanyang pamilya.

" Nice to meet you Mr. Faulkerson." Ang sabi ni Tatay Teddy.

" Ricky na lang Mr. Mendoza." Ang sagot ni Daddy Richard.

" Ay kung ganun Teddy na rin lang. At eto naman si Mary Ann ang aking maybahay." Ang sagot uli ni Tatay. Nagshake hands sila.

" Magandang umaga sa inyo." Ang sagot naman ni Daddy.

" Upo kayo Ricky. Sandali lang ha kukuha lang ako ng maiinom. At ihahanda ko na ang mesa para makakain na tayo." Ang sabi ni Nanay, at iniwan nya muna sandali ang mga bisita.

Umupo na ang mga bisita ganun na rin ang pamilya Mendoza at si Jake. Maya maya ay pumasok ang katulong nila para maglagay ng mga juice.

" So Ricky ilang taon na yung anak mo?" Tanong ni Tatay.

" 24 na si Chard. Wala pa rin bang balita galing sa airline na may-ari ng chartered plane?"

" Wala pa rin po Tito. Pero they said na kung may development eh they will contact us agad. Ako nga po pala yung nakausap nyo sa phone." Ang sagot naman ni Coleen.

" Ah oo, Coleen right? Thank you very much iha ha." Ang pasalamat ni Daddy.

" You're welcome po. Sa inyo po ba Tito hindi pa sila tumatawag?" Ang tanong naman ni Coleen.

" Wala pa rin pero ang sabi naman nung kumpare ko na nagtatrabaho dun may mga nakuha na daw silang survivors pero malayo sa pinangyarihan ng accident. We are hoping and praying that Chard and your sister is in another island at hindi pa nila nakikita yung island na yun." Ang sagot uli ni Daddy.

Paradise Love (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα