Chapter Thirty-one

1.8K 109 1
                                    


            " Why would I get mad eh I feel the same way." Ang mahinang bulong ni Dei pero dinig na dinig ni Chard.

Pareho silang nagulat sa sinabi ng dalaga. Si Chard ay biglang nagtaas ng paningin at nanlaki ang mata. At si Dei naman ay nanlaki rin ang mata. Nun lang nya narealize na nasabi nya un ng malakas.

" I said it aloud didn't I?" Ang tanong nya sa nandidilat pa ring si Chard.

" Yes." Ang sagot at tango ni Chard na hindi pa rin makapaniwala.

Biglang namula ang mukha ni Dei at tumalikod sya kay Chard. Nagtalukbong ng kumot para makapagtago sa binata. Parang natauhan naman si Chard at lumapit lalo sa dalaga. Hinawakan nya sa balikat ang dalagang nagtago.

" Dei wag kang magtago. Kausapin mo ako. Mag-usap tayo. Please?" Hawak pa rin nya ang balikat ng dalaga pero umiling lang ito sa ilalim ng kumot.

" Dei please talk to me. Is it true? You also want to kiss me?" Napangiti ang binata sa naalalang sinabi ni Dei.

" Please leave me alone muna. Please Chard." Ang sagot ni Dei. Tiningnan ni Chard ang nakatalukbong na dalaga. Bumuntong-hininga sya at tumayo.

" Okay, iiwan kita. But only for now. Magpahinga ka muna para okay ka na mamaya. Mag-usap tayo mamaya. Okay?" Ang machong sabi ni Chard.

" Later." Ang maiksing sagot ni Dei.

Lumabas na ng kubo si Chard. Naisip nyang maghakot na lang uli ng mga gagamitin para pandagdag at pangsahig ng kubo nila.  Nilingon nya muna si Dei bago sya umalis. Pero nakatalukbong pa rin ang dalaga. Kaya umalis na alng sya. Natuwa sya ng sobra sa narinig na gusto din syang halikan ni Dei pero nalungkot sya dahil parang napahiya si Dei. Lumakad na sya papasok ng gubat.

               Si Dei naman nang maramdamang wala na si Chard ay bumangon mula sa pagkakahiga nya at naupo. Medyo masakit pa ang ulo nya pero kaya na nyang umupo. Hinawakan nya ang ulo at inakap ang mga tuhod nya. Naiinis sya sa sarili nya dahil nadulas sya sa sinabi nya kay Chard. Bakit nga ba nasabi nya ng malakas yun tapos nagalit yata si Chard dahil dinedma nya ito.

               ' Why? Why do I have to say that out loud? Nabuko tuloy. I've wanted to kiss him so badly though. Those lips... Ahhhhh I'm gonna get crazy!'' Ang bulong ni Dei sa sarili.

               ' Am I ready for this? He seems to be the kind of person that I'm looking for. He seems dedicated when in love. He seems like a sweet, loving, thoughtful, kind, and caring. Everything a girl would want in a guy.' Kinakausap ni Dei ang sarili. Nagreready para sa pag-uusap nila ni Chard mamaya.

               ' But why do I feel hesitant? Diba I felt different when I saw his picture in the mall? I felt hopeful. Hopeful to see him in person, to know him. Then I felt like jumping up and down when I met him in the plane. I was so happy when he rescued me. And he took care of me ever since. Natatakot pa rin ba ako? What if we get saved? Will he still be the same? For sure maraming girls ang naghihintay sa kanya pagbalik namin.' Patuloy pa rin sa pagkausap si Dei sa sarili nya. Sinubukan nyang tumayo at lumabas para umupo s lilim ng puno. Nakita nya ang mga kailangang gawing panali. Kinuha nya ito at ginawa. Okay na ang ulo nya.

               Si Chard naman ay busy sa pag-iipon ng mga kakailanganin nya. Nag-iisip din sya.

               ' Gusto din daw nya akong ikiss. Hahahaha... Pero bakit parang natakot sya na sinabi nya yun? May issues kaya sya with having a relationship? Sinaktan kaya sya ng ex nya kaya hesitant sya?' Ang isip ni Chard. Gustong gusto na nyang bumalik sa kubo at kausapin si Dei pero pinipigilan nya ang sarili.

                ' I hope she gives me a chance to prove to her that I'm worth it. I'll never hurt her and I'll prove it to her. I've waited for her for five years and I will not let her go that easily. By hook or by crook I'll get her. I'll do everything that I can to have her. Kahit matagalan as long as I'll have her. I have waited for five years, what is a few years more for her.' Ang sbi ni Chard sa sarili.

              ' Yes, I'll do that. Susuyuin ko sya. I'll court her properly. I'll show her that I love her so much that she will not doubt how I feel. I know that she feels something too but still hesitant.' At nagpatuloy na si Chard sa pag iipon. Nang may mapansin sya sa gilid ng paningin nya. Nilingon nya ito at nakita nya na maraming bulaklak duon na iba't iba ang kulay. Nilapitan nya ito at chineck.

              ' Wow ang gaganda nito. Mamaya pipitasan ko si Dei. For sure magugustuhan nya itong mga ito. Tapos pipitasan ko sya ng fruits para vitamin c. Sana okay na sya.' At bumalik na sya sa ginagawa para matapos na sya. Excited na syang bumalik sa kubo nila para makausap si Dei.

               Si Dei naman ay busy sa ginagawa. Pinagpapawisan na sya kaya alam nyang hindi na sya lalagnatin mamaya. Malapit na syang matapos nang maalala nya ang mga gamit nila sa dati nilang campsite. Naisip nya na mamaya ay hakutin na ang mga gamit nila para maiayos na sa kubo nila. Natapos na nya ang mga panali kaya tumayo na sya at inilagay ito sa tambak ng mga panali. Pumasok sya sa loob ng kubo nila at nag-ayos ng mga gamit nila.

              Concentrated sya sa pag-aayos ng loob ng kubo nila ng nagulat sya na may nagsalita sa likod nya. Muntik pa nyang mabitawan ang hawak hawak na mga unan at mga ginawang kumot ni Chard.

             " Bakit nakatayo ka na? Di ba dapat nagpapahinga ka pa?" Ang biglang pagsasalita ni Chard sa nakatalikod na dalaga.

            " Ay kalabaw ka! Bakit ka ba nang-gugulat." Ang pabiglang sabi ni Dei at humarap sya kay Chard. At natulala sya sa nakitang Chard sa harap nya. Bigla syang napalunok ng laway sa nakatambad sa hapapan nya.

***************************************************************************

Obsessed na ba ang binata natin? Ano yung nakita ni Dei?
Let me know your views. Thank you and enjoy reading.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now