Chapter Eleven

2K 106 1
                                    


Maagang nagising si Chard. Pagkagising nya ay nagbihis sya para magjogging sa malapit na park. Namiss nya ang ganitong routine bago pumasok sa trabaho. Sa sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw marami syang hindi nagagawa. Kagaya ng pagjojogging sa umaga at pagpunta sa gym. Habang nagjojogging pumasok uli sa isip nya yung dalaga na nakita nya sa mall.
               ' What's with this girl? Bakit lagi ko syang naaalala? She looks so mesmerizing. Ano kaya itsura nya ng malapit na malapit? Will she be as beautiful as she is from afar?' ang tumatakbo sa ispan ni Chard. Ang akala nya nakalimutan na nya ang girl na yun pero hindi pa rin pala. Which is weird for him kasi sa malayo lang naman nya nakita ang babae at sandali lang.
               ' Siguro its time for me start thinking about my lovelife. Hindi yung ganito na may nakita lang akong girl eh hindi na sya maalis sa isip ko. Sabagay its been three years. After this project maghahanap na ako ng prospect.' ang pagmumuni-muni ni Chard habang tumatakbo. Natatawa sya sa sarili sa mga naiisip nya. Bumalik na sya pauwi dahil papasok pa sya at mageempake ng mga dadalhin nya sa byahe.

" Dei, Dei, wake up." ang panggigising ni Coleen kay Dei.
" Coleen naman eh... inaatok pa ako. Wala namang work today, mageempake lang ako ng dadalhin ko." ang reklamo ni Dei sabay talikod. Coleen ang tawag nya sa ate nya pag naiinis sya.
" Dei wake up. Huy..." ang pamimilit nito kay Dei.
" What?" nainis na si Dei kaya bumangon na ito.
" Hahaha. Look at your face. Mukha kang inagawan ng candy." tumatawang kantyaw nito sa kapatid.
" Eh pano istorbo ka. Ngayon lang ako uli makakatulog hanggang tanghali nanggising ka pa." ang nakasimangot na sbi ni Dei.
" Eh kasi nga paalis na ako for work ang I want to give you something kasi baka gabihin ako later." ang paliwanag ni Coleen.
" Pwede naman bukas before I leave eh." nakasimangot pa rin si Dei.
" Eii.. basta excited na akong ibigay ito sa iyo eh." ang excited na sabi ni Coleen.
" What is it?" tuluyan na ngang bumangon ang dalaga.
" I ordered this online kahapon dumating. I planned to use this on my next vacation pero ikaw na lang muna ang gumamit tutal ikaw naman ang unang aalis eh." explain ni Coleen.
" Ano ba yun?" huminto sa pagpunta ng banyo si Dei. Hinarap ang ate nya.
" Eto oh." at inilabas nya ang kanina pa nkatago sa likod nya.
" Is that an underwater camera?" ang nagulat nyang reaction.  
                " Yes my dear Sithy, and the best part of this is I'll let you take take this." ang masayang balita ni Coleen.
                " Talaga Sithy?" tuwang tuwa si Dei.
                " Oo nga! Hahaha! Take alot of underwater pictures ha. I heard na super ganda daw ng underwater scenes sa Palawan eh. And most of all enjoy your vacay." masaya si Coleen para sa kapatid. Tumakbo palapit si Dei kay Coleen at nagyakap sila. Sa kanilang limang magkakapatid silang dalawa ang pinaka close dahil bukod sa magkalapit ang edad nila they share the same bedroom.
                 " Sithy thank you very much. I promise I'll take alot of pictures then we'll make a slideshow then upload it in Youtube." ang masaya nilang usapang mag-ate.
                 " Of course. Okay sige I'll go na. Baka pagalitan ako ni Kuya Nico kung malate ako. Bye Sithy, don't pack too many stuffs ha." ang natatawang paalam nya kay Dei.
                 " Ah! What do you think? I'll bring my whole closet?" ang parang nainsultong tawa ni Dei.
                 " Yes! Hahaha!" at lumabas na si Coleen na tawa ng tawa. Tuwang-tuwa naman si Dei sa usapan nila ng ate nya. Lalo lang tuloy syang naexcite sa pag byahe nya. Pumasok na si Dei sa banyo para maligo at makapgumpisa na ng araw nya.
                 Sa office naman ni Chard, kinausap nya uli si Jen.
                 " Jen yung ticket ko ba nasa iyo?" ang tanong nya kay Jen.
                 " Hi Richard, oo nandito na sa akin. Ilang araw ka dun?" ang nagpapacute na tanong din nito.
                 " One week ang sinabi ni Sir sa akin." tiningnan ng binata si Jen at naisip nya kung bakit sa tatlong taon nyang naging kasama ito sa opisina ay bakit di sya nagkagusto dito. Maganda naman ang dalaga at mabait. At halatang may crush naman ito sa kanya. Siguro lang hindi nya talaga gusto ito.
                 " Ah ganun ba? Sana pwede akong sumama, para makapagbakasyon na rin. At syempre para makasama ka. Hehehe." patuloy pa rin sa pagpapacute si Jen.
                 " Eh Jen di naman for pleasure ang punta ko dun eh. For work naman yun. Kung makapagrelax man ako siguro pag  nasiguro ko ng nakuha ko na yung project. Kaya hopefully makuha ko ung project bago matapos ang isang linggo. Para may time pa rin ako na ma-enjoy yung lugar." ang sagot naman ni Chard kay Jen.
                 " Ah ganun ba? Pero mamimiss kita. One week ka nanamang mawawala." nakangusong sabi ng dalaga.
                 " Ano ka ba Jen dito pa rin naman ako papasok. At saka nanjan naman sila Eric at John di ka nila pababayaan." ang turo nya sa mga kasamahang alam nyang may crush kay Jen.
                 " Iba pa rin na nandito ka." nakapout pa rin ang dalaga.
                 " Hahaha, ikaw talaga Jen joker ka. Oh sige babalik na ko sa trabaho para wala na kong iisipin pag-alis ko." at nagpaalam na sya kay Jen.
                 Nang matapos ang lahat ng inasikaso ni Chard ay umalis na sya sa opisina para makauwi ng maaga dahil mageempake pa sya ng mga dadalhin nya.

***************************************************************************

nagreready na sila para sa kanilang pupuntahan. san kaya sila pareho dadlhin ng byahe nilang ito? let me know your views. thank you and enjoy.

Paradise Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon