Chapter Twenty-five

2K 113 2
                                    


Pumunta na sa bukal si Dei dala ang mga baon nyang toiletries at damit na bihisan. Nagdala din sya kaserola para magpakulo ng inumin nila dahil ipinanghugas ni Chard sa sugat nya. Nagmamadaling naglakad ang dalagga para makabalik sya agad. Natatakot pa rin syang mag-isa pero di naman sya pwedeng magpasama kay Chard sa paliligo. Kaya pagdating nya sa bukal ay agad syang kumuha ng tubig at lumapit sa apoy na ginawa nya kanina. Buti na lang may baga pa ang apoy kanina dahil di sya makakagawa ng apoy dahil sa sugat nya. Nang meron na uling apoy ay isinalang na nya ang kaserola at bumaling na sa tubig. Binalot nya ang kamay nya at nagtanggal sya ng shorts nya. Iniwan nya ang sando nya para kung sakaling hanapin sya ni Chard ay decent pa rin sya. Lumangoy langoy ang dalaga. Maya maya ay kinuha nya ang shampoo at sabon nya at nagsabon na siya. Nang makuntento sa pagsasabon ay nagbanalaw na sya at nagbihis. Itinaas nya ang buhok nya at bumalik na kay Chard dala ang tubig na pinakuluan at pinalamig nya. Pagdating nya sa bago nilang campsite may iniihaw nang isda at wala si Chard. Alam nyang nasa malapit lang si Chard kaya inasikaso na lang nya ang pagkain nila.
Samantala si Chard naman ay naghanap ng ibang pwede nyang paliguan at may natagpuan syang maliit na bukal not too far from the first spring water na nakita nila. Kaya naligo na rin sya at nagpalit. Buti na lang ay kasya sa kanya ang mga damit na nakuha nila. Nang matapos maligo ay bumalik na sya agad sa campsite nila dahil baka nag-aalala nanaman si Dei sa kanya. Nang makabalik sa campfire nakita nya si Dei na nakatalikod. Nagsusuklay ito ng buhok at biglang nahinto sya sa paglalakad. Parang nahypnotize sya sa pagsusuklay ni Dei ng buhok. Gustong gusto nyang tinititigan si Dei. Hindi sya nagsasawang titigan ito. Dahan dahan syang lumapit kay Dei para gulatin ito pero biglang lumingon ang dalaga.
" Oh nandyan ka na pala." ang nakangiting bungad ni Dei.
" Gugulatin sana kita eh. Ako ang nagulat sa iyo." ang sabi ni Chard na pangiti din.
" I felt someone coming and I knew it was you." lalong lumalim ang ngiti ni Dei. Napatitig naman si Chard sa ngiti ni Dei.
" You know what Dei, I love your smile." ang biglang nasabi ni Chard na ikinagulat nilang pareho. Maya maya ay biglang namula ang pisngi ni Dei at yumuko.
" I love your smile too." ang pabulong na sabi ni Dei na lalong nagpalalim sa ngiti at sa dimple ni Chard. Nang mapansing nahihiya nanaman si Dei lumapit si Chard at naupo sa harapan ng dalaga at hinawakan ang baba nito at tinitigan sa mata.
" Don't be shy. You have a very beautiful smile. Actually the most amazing smile that I've seen and believe me I've seen plenty." ang sabi ni Chard at kinindatan ang dalaga na lalong namula ang pisngi. Hinimas ni Chard ang pisngi ni Dei na pulang pula.
" You're making me concious. And you're making me blush. Stop that." ang nangingiting sabi ni Dei.
" Am I? Why would I stop telling the truth?" ang sagot ni Chard na nakangiti pa rin.
" Stop it! Hahahaha!!! Kumain na nga tayo. You're just hungry." at natatawang tumayo si Dei para makaiwas kay Chard. Inayos nya ang pagkain nila.
" Sige kumain na tayo." ang sagot ni Chard at tumayo na rin.
' Patatakasin kita ngayon pero hindi kita titigilan.' ang nangingiting bulong sa sarili ni Chard. May iba na syang nararamdaman para sa dalaga.
' What is wrong with him? Nakasama yata ang pagligo nya.' ang nangingiting bulong ni Dei sa sarili.
" What are you smiling about?" ang biglang bulong ni Chard sa tenga ni Dei na ikinagulat ni Dei kaya napalundag.
" Ay! Ikaw talaga!" ang sabi ng dalaga at hinampas nya si Chard sa braso na tinawanan lang ng binata.
             " Sit down and eat. Stop teasing me.!" ang sbi ni Dei kay Chard pero natatawa siya sa kakulitan nito.
             " Eto na eto na. Baka umiyak ka pa eh." natatawa pa rin si Chard sa dalaga.
             " Ang kulit mo." ang sabi ni Dei.
             " Pogi naman." ang sagot ni Chard na may pataas taas pa ng kilay.
             " Oo na tumigil ka lang." natatwang sagot ni Dei.
             " So you believe na gwapo ako." ang pangungulit ni Chard habang kumakain.
             " Oo naman. Atitig nga ako sa poster mo sa Folded and Hung eh." ang wala sa loob na sagot ng dalaga. At nung marealize ang sinabi ay nanlaki ang mata nya at napatakip ng bibig. Nanlaki naman ang mata ni Chard sa nalaman.
             " Aha! So you saw me before! So kilala mo ako nung sa plane pa. Hahaha!" ang sabi ni Chard sa dalagang muling namula.
             " Yes! I saw you and knew who you were when you sat beside me. Are you going to hold that against me?" ang biglang sagot ni Dei kay Chard.
             " Of course not. Natuwa lang ako na kilala mo pala ako. Akala ko di mo ako talaga kilala. Kasi sinungitan mo ako eh." ang sagot ni Chard na medyo lumapit ng upo kay Dei.
             " It's your fault kung bakit ako nagsungit. You were staring at me while my eyes  are closed. And I only saw your poster once. In the mall." ang sagot ni Dei sa sabing masungit sya.
            " Talaga? Kasi sa mall din kita unang nakita eh. Yung ginagaya mo yung manequin sa isang botique." ang sagot naman ni Chard.
            " That was the day that I saw your poster. Arrgghhh... You saw that? You saw what I did?" ang nahihiyang natatawang sabi ni Dei.
            " Ang cute nga eh. Seeing you made me curious about you." ang sagot ni Chard kay Dei habang nakatitig sa dalaga. Nacurious naman ang dalaga sa sinabi ni Chard.
            " Curious? Curious in what way? Seing a weird girl imitating a manequin?" ang tanong ni Dei.
            " It made me curious of a girl who doesn't mind being foolish even if there are many people watching her. Kasi in my work maraming fake. Maraming denumero ang kilos kasi natatakot na magkamali o magmukhang katawa tawa. But when I saw you I got mesmerized." ang paliwanag ni Chard.
            " Let me tell you. I'm vain but I'm not afraid to look ugly. Most of the times I would make face just for the fun of it. I love being carefree, to hell with other people." ang sagot naman ni Dei.
            " Yun! That's what piqued my interest. I was wondering if I'll ever see you again." ang sagot uli ni Chard na mas lalong tumitig kay Dei.
            " Would you believe that we will be both trapped here in this island alone?" napatingala sa langit si Dei habang sinasabi yun.
            " Maybe it's destiny. Kasi isipin mo. Pareho nating nakita ang isa't isa sa mall. Pareho ang plane na sinakyan natin. Same destination. Baka we're destined to meet." di namalayan ni Dei na nkatabi na sa kanya ang binata. She only realized this nang binunggo ni Chard ang balikat nya to give emphasis to what he said. Napalingon sya sa binata.
            " Do you believe in destiny?" ang tanong ni Dei sa binata.
            " Oo. Kasi nandito tayo. May aaminin ako sa iyo ha." hinarap ni Chard ang dalaga para sa sasabihin nya.
            
***************************************************************************

night of revelation pala ito.
let me know your views. thank you and enjoy reading.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now