Chapter Twenty-three

2K 104 4
                                    


Nakaramdam ng init sa mukha si Dei kaya nagising sya. Nagmulat sya ng mukha at tumingin sa paligid nya. Hindi nya makita si Chard kaya tumayo na ang dalaga.
" Chard!" ang hiyaw na tawag ni Dei. Pero walang Chard na sumagot.
" Chard!" ang sigaw nya ulit. Pero wala pa ring sumasagot. Kinakabahan na si Dei. Lumakad lakad si Dei. Nilibot nya ang paligid ng bukal baka nagtatago lang si Chard.
" Chard!" sigaw nya uli pero wala pa rin. Lalo ng kinabahan si Dei.
' Where is he? Please don't let anything happen to him.' ang kinakabahang bulong sa sarili ni Dei. Parang gusto na nyang umiyak sa nerbyos. Naglakad lakad si Dei. Nilingon pa nya ang pool baka nandun si Chard. Pero wala rin.
' What if something happened to him while I'm sleeping?' ang negatibong tanong ni Dei sa sarili. Marami na syang naiisip na baka nangyari kay Chard. Puro mga negative thoughts. Nagpatuloy sa paglalakad si Dei hanggang nakapasok na sya sa loob ng gubat. Naglakad lakad sya sa loob ng gubat. Nang bigla syang may narinig na kaluskos. Bigla syang napalingon sa pinanggalingan ng kaluskos pero wala namang tao. Kinabahan uli ang dalaga.
" Chard, is that you?" ang pabulong na tawag ng dalaga pero wala ring sagot. Pero walang sumagot sa bulong ni Dei kaya lalo syang kinabahan. Papalapit ang kaluskos na naririnig ni Dei kaya mas lalong lumakas ang kaba ng dibdib nya. May nakita syang malaking puno na pwedeng nyang pagtaguan kaya pumunta sya dun at nagtago. Sinisilip nya ang pinanggagalingan ng kaluskos para malaman nya kung ano ang gumagawa nito. Palakas ng palakas ang ingay. Nang biglang nawala ang kaluskos kaya napasilip uli ang dalaga at napatili sya sa bumulaga sa kanya.
              " Ahhhhh!!!!" ang nabiglang tili ni Dei. Bigla syang niyakap ng bumulaga sa kanya dahil nagulat din ito sa pagtili nya.
              " Dei, Dei.!" ang tawag nito sa kanya. Pumipiglas pa rin ang dalaga. sa takot.
              " Dei ako to! Dei, Dei!" ang sabi ni Chard.
              " Chard?! Chard!!" ang sabi ni Dei ng pasigaw at napayakap na sya kay Chard habang umiiyak.
              " Huhuhuhu... Chard!" ang humahagulgol na tawag nya sa panagalan ni Chard. Inakap nya ng mahigpit si Chard at gumanti din ito ng akap.
              " Tahan na... Anadito na ako. Tahan na." ang paulit ulit na sbi ni Chard habang yakap at hinihimas ang ulo ni Dei.
              " I thought something happaned to you. I was so worried... huhuhu... I thought... I thought... huhuhu..." ang patuloy na iyak ni Dei habang nakayakap ng mahigpit kay Chard.
              " Tahan na... sige na tahan na." ang ulit ni Chard at hinimas himas naman ang likod ni Dei. Unti-unti nang tumatahan si Dei sa pag-iyak.
              " Akala ko talaga that something happened to you. I thought that you left or something. Wala ka kanina when I woke up." ang sabi ni Dei na tumigil na sa pag-iyak pero nakayakap pa rin kay Chard. Inalis ni Chard ang pagkakayakap ni Dei sa kanya at hinawakan iyo sa balikat at tinitigan.
               " I won't let anything happen to me. At hinding hindi kita iiwan ng mag-isa dito. Do you understand?" ang sbi ni Chard at tumango ang dalaga. Pinunasan ni Chard ang luha sa pisngi ni Dei at napatingin sa lupa ang dalaga sa pagka-intense ng titig ni Chard.
               " Where were you anyway?" ang tanong na lang ni Dei.
               " Hinahakot ko yung mga kawayan na pinutol ko kanina para konti na alng mamaya." ang paliwanag ni Chard at nuon lang napansin ni Dei na basa ng pawis si Chard at hinubad na nito ang suot na sando at nakasampay na ito sa balikat ng binata. Napatingin si Dei sa machong katawan ni Chard at nag-init ang pisngi nya.
               " Oh okay ka lang?" ang tanong ni Chard na nangingiti.
               " Ha?! Oo okay lang ako, why?" ang painosenteng tanong ni Dei.
               " You're blushing?" ang sbi ni Chard dahil pulang pula si Dei nang mapansin na wala na syang sando.
               " Ha? No I'm not blushing." ang pagdedeny ni Dei.
               " Eh bakit ka namumula?" lalong lumalim ang ngiti ni Chard dahil di makatingin sa kanya si Dei. Nakayuko lang ito at lalo pang namula.
               " Maybe it's because I cried and mainit kasi." palusot ng dalaga.
               " Ah ganun ba. Okay sige sabi mo." di na inasar pa ni Chard si Dei dahil baka mailang nanaman ito sa kanya.
               " Are you done?" ang tanong ni Dei kay Chard.
               " Hindi pa. Kailangan pa natin ng mga dahon ng niyog para sa bubong. Kaya pinuntahan kita para icheck kung gising ka na. Natakot ka ba?" ang tanong ni Chard kay Dei at hinawi ang buhok ni Dei papunta sa tenga kasi natatakpan na yung kalahati ng mukha ni Dei. Lalong namula si Dei. Medyo tinabig nya ang kamay ni Chard in a way na di maooffend si Chard.
                " Nagulat lang ako when I woke up na wala ka. Then i heard noises when I was looking for you ang you never answered my shouts." ang paliwanag ni Dei na hindi makatingin kay Chard.
                " Sorry if I left you while you were still sleeping. I should have waited for you to wake up. Sorry." ang sabi naman ni Chard na nagiguilty dahil natakot ang dalaga.
                " Its okay, just don't do it again. If aalis ka, wake me up para I will not worry about you." ang sagot ni Dei. Napangiti naman si Chard sa sinabi ni Dei.
                " You worry about me?" lumalim lalo ang dimple sa pisngi ni Chard.
                " Ahhhm... Ahhh... Yes I worry about you kasi ano... kasi... yes kasi you're... ahhhmmm..." ang nahihirapang sagot ni Dei.
                " Yes?" hinahabol ni Chard ang tingin ni Dei at lalong lumalim ang ngiti nito sa pagkautal ni Dei.
                " You're.. you're my only companion here.Yes that's right. Ikaw lang ang kasama ko kaya worried ako about you." ang biglang naisip na isagot ni Dei. Parang nalungkot naman si Chard sa isinagot ng dalaga pero ngumiti pa rin sya kay Dei.
                " Oo nga. Hehehe. Sige tara na tulungan mo akong humanap ng mababang puno ng niyog." ang nasabi na lang ni Chard.
                ' Siraulo! Bakit ka nalungkot sa sinabi nya? What do you expect? Na may gusto din sya sa iyo? Wait anong 'din'? May gusto ka na ba sa kanya? You just met her yesterday. Siraulo ka talaga. And she's not your type. She's not tall, she's not a model kind. But she's pretty though, and matalino at mukhang mabait. Ah ewan!' ang bulong ni Chard sa sarili.
                " Okay let's go." ang sagot ni Dei sa kanya. Medyo nagulat sya sa pagsagot ni Dei dahil nagmumuni-muni pa sya.
                " Ha? Okay tara. Hanap na rin tayo ng pagkain natin." at lumakad na ang dalawa para humanap pa ang mga kulang para sa gagawin nilang shelter nila.

***************************************************************************

i'm very very sorry for the late update. I've been very very busy these past few days coz of the christmas season.
what does Chard feel for Dei? is it reel or real?
let me know your views. thank you and enjoy reading.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now