Chapter Forty-three

1.9K 94 2
                                    



                Nang makalipat na sa opisina ni Tatay Teddy ang mga bisita at mga anak nya nagpasok naman ng kape at cake si Nanay Mary Ann. Binigyan nya ng kape si Tatay at si Daddy. Ang iba ay tumanggi sa kape pero kumain ng cake.

               " Teddy pg-usapan na antin ang plano natin sa sesrch and rescue." Ang umpisa ni Daddy Ricky.

              " Actually Ricky wala naman masyadong plano. May mga islands na kaming napuntahan. Ang pupuntahan na lang natin ay yung mga islands na hindi pa namin napupuntahan at medyo lalayo tayo dun sa wreck baka sakaling duon sila napunta." Ang sabi naman ni Tatay.

              " Base sa research ni RD, may mga uninhabited daw na islands duon. May mga islands din daw na mahirap puntahan dahil sa current na kailangan through air ang punta." Ang pagpapatuloy ng dalawa.

              " Actually tito yun nga ang hinanapan namin ng solution ni Tatay. Kaya kami nagrent ng helicopter sa friend nya." Ang singit ni Nico.

              " Mas mabuti nga ang chopper. Kung magkano naman ang gagastusin sa rent, I'm willing to pay the half. At si RD naman ay sa computer magaling." Ang sagot naman ni Daddy.

              " Tatay, kailangan ng makita ang mga bata. Si Dei, nag-aalala ako sa anak natin Tay. Kahit marunong ng survival skills ang anak natin, babae pa rin yun." Ang sabat ni Nanay.

              " Mary Ann kung magkasama sila ni Chard, hindi ka dapat mag-alala. Hindi sya pababayaan ni Chard." Ang sabi naman ni Daddy.

              " Sana nga  magkasama sila. Eh pano kung mag-isa ang dalaga ko?" Ang naiiyak na sabi ni Nanay.

              " Nay wag ka ng umiyak. Makikita na si Dei. Marami na silang maghahanap sa kanya." Nilapitan ni Nikki ang Nanay nila at inakbayan. Sumunod sila Coleen at Dean.

              " Wag kang mag-alala Nay, gagawin namin lahat ng kaya namin, di kami titigil hanggat hindi nakikita sila Dei at Chard. Malay mo nga magkasama yung dalawa." Ang sabi naman ni Tatay.

              " Oo nga Mary Ann. Basta hindi kami titigil hanggat hindi nakikita ang mga bata. Ang mga anak ko na lang ang meron ako. Kaya hahanapin ko si Chard sa kahit saang lupalop." Ang madamdaming sagot ni Daddy.

              " Nikki ihatid mo muna sa itaas ang nanay mo para makapagpahinga. Ilang oras lang ang tulog nya kagabi. Nay magpahinga ka muna, ibabalita ko na lang sa iyo mamaya kung ano man ang mapapag-usapan namin ni Ricky. Sige na please?" Ang malambing na pakiusap ni Tatay kay Nanay.

               " Sige po tay. Nay tara na po sadamahan ko kayo hanggang makatulog kayo." Ang yaya ni Nikki sa nanay nila.

               " Umakyat ka agad pag katapos nyong mag-usap ha. Matutulog ako pero gisingin mo ako ha. Pasensya na kayo Ricky ha." Ang sabi naman ni Nanay.

                " Oo aakyat ako agad. Sige na magpahinga ka na." At tumayo si Tatay para halikan si Nanay sa noo.

                " Wag mo akong alalahanin Mary Ann. Magpahinga ka na." Ang sagot naman ni Daddy.

                Lumabas na ng opisina si Nanay at Nikki. Isang malalim na buntung hininga ang binitiwan ni Tatay.

                " Pasensya na Ricky ha. Simula nung nawala si Dei hindi sya natutulog. Buti nga ngayon kahit papano ay kumakain na sya. At natutulog kahit ilang oras. Iyak lang sya ng iyak at dasal ng dasal. Sya ang pinaka-apektado sa aming lahat." Ang hingi ng paumanhin ni Tatay kay Daddy.

                " Okay lang Teddy. Naiintindihan ko. Ganyan talaga ang mga nanay. Ang nanay ko din di mapakali. Sya kasi nagpalaki sa mga bata. Byudo na kasi ako.  Panay din ang iyak ng Mama ko. Paborito kasi nya si Chard. Malambing kasi yang bata na yan eh." Ang sagot naman ni Daddy.

                " Sorry about your wife. Well anyway. Ganito na lang. Magkita na lang tayo sa Makati bukas ng 7 am para sa chopper. Tapos sino ba ang isasama mo?" Ang umpisa ni Tatay sa mga plano nila.

                Nag-usap na sila ng mga dapat nilang gawin para sa search and rescue ng mga anak nila. Pinag-usapan na rin nila kung sino sino ang mga sasama at sino sino ang maiiwa  para sa communications. Ang mga kailangan nilang dalhin at kung ano ano pang dapat na pag-usapan. Maya maya ay tumayo na sila Daddy Ricky.

                " Thank you very much Teddy for this chance." Angsabi ni Daddy habang nakikipag shake hands kay Tatay.

               " Marami ding salamat sa inyo. Sana mahanap na natin ang mga bata at nasa maayos silang kalagayan." Ang sagot naman ni tatay.

               " Ipagdasal na lang natin ang mga bata." Ang sabi ni Daddy.

               Inihatid na ng mag-aamang Mendoza ang mag-amang Faulkerson sa kotse nila. Nakasunod din sa kanila si Jake na tahimik the whole time. Nang makaalis ang mga Faulkerson ay agad na umakyat si Tatay sa kwarto nila para silipin si Nanay. Naiwan naman ang magkakapatid na Mendoza at si Jake.

               " Jake pare, wag kang malalate bukas ha." Ang sabi ni Nico sa kanina pa tahimik na binata.

               " Naku Jake, pano kung magkasama sila Dei at Chard sa isang island? Tapis sila lang dalawa dun. Pano na ang panliligaw mo?" Ang biro ni Dean kay Jake.

              " Sira ulo ka talaga Dean. Eh ano naman kung magkasama sila sa island at sila lang dalawa? As if naman papatol agad si Dei dun sa Chard na yun no? Ang hirap kaya ligawan nun. Tingnan mo si Jake ilang taon nang nangliligaw hanggang ngayon di pa sinasagot. Ilang taon na ba Jake?" Ang sabi naman ni Coleen.

                 " Two years na Coleen. Alam nyo di ako worried na sila lang dalawa sa island. Kung magugustuhan man sya ni Dei okay lang sa akin matatanggap ko yun. Ang gusto ko lang mahanap sya at okay sya." Ang sagot ni Jake sabay yuko ng ulo nito.

                  " Bilib din ako sa iyo Jake eh no? Two years pero di mo sinukuan si Dei. Tapos ngayon kung malalaman mo na magkasama sila sa island tapos sila na bibitaw ka na." Ang sabi naman ni John ang asawa ni Nikki.

                  " Kung sya ang gusto ni Dei wala naman akong magagawa diba?" Ang sagot ni Jake.

                  " Don't worry pre, di ganun si Dei. Gaya nga ng sabi ni Coleen di madaling magkagusto si Dei. Pihikan yun at may pagkamanang yun. Kita mo nga at 21 isa pa lang nagiging boyfriend nya." Ang sabi naman ni Nico sabay tapik sa balikat ni Jake.

                  " Sana nga pre. Para di sayang yung paghihintay ko sa kanya ng two years." Ang sagot ni Jake.

                  " You can always stop you know. Ang alam ko di ka naman pinaghintay ni Dei." Ang sabi naman ni Coleen.

                  " Si Dei ang mahal ko eh." Ang sagot ni Jake.

                  " Then good luck sa iyo." Ang sabi ni Coleen. Dahil alam nya ang score ni Jake kay Dei.

***************************************************************************

Ano kayang score? Perfect o bokya?? Ano sa tingin nyo?

Please vote for me. Thanks for reading and enjoy.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now