Chapter Eighteen

2.1K 106 3
                                    


           Naluto na ang isda nila kaya kinuha na ito ni Dei sa kanyang makeshift na oven. Nagbukas naman uli si Chard ng buko para may mainon sila. Lumapit si Dei dala dala ang kanilang isda. Binalot nya ito uli ng dahon ng saging para mahawakan nya. Nag-yos naman si Chard ng pagpapatungan nya. At nag-umpisa na silang kumain.
           " Wow Dei ang sarap ha. Kahit walang asin masarap. Ngayon lang ako nkatikim ng ganitong lasa ng isda." ang papuri ni Chard sa luto ni Dei.
           " Hhhmmm, you're just hungry. Nilagyan ko lang ng herbs yan, nothing special." ang nahihiyang sagot ni Dei.
           " Hindi nga masarap nga. Hindi sya malangsa. at malinamnam." ang sagot uli ni Chard. Halatang nasasarapan sa kinakain nila.
           " Thank you, coz you liked it." at napangiti na si Dei dahil nagustuhan ni Chard ang unang niluto nya. Maya maya ay natapos na silang kumain at nagsisimula na ring dumilim.
           " Where will we sleep?" ang naitanong ni Dei.
           " Pansamantala dito muna. Bukas kailangan nating gumawa ng shelter para protection natin." ang sagot ni Chard. Tumayo na ito para iligpit ang kinainan nila. Tumayo na rin si Dei para maghanda na ng hihigaan nila. Una nyang dinagdagan ng kahoy ang bonfire nila. Pagkatapos ay inipon nya ang mga dahon ng niyog at saging na kinuha nila para gumawa ng dalawang higaan. Isa sa kanya at isa kay Chard. Nakapagitan sa kanila ang bonfire na ginawa nila. Ang isang higaan nakaharap sa dagat at ang isa ay sa mga puno. Maya maya ay bumalik na si Chard.
            " Where do you  want to sleep?" ang tanong ni Dei.
            " Dyan ka na sa may malapit sa puno, dito na ako para di ka lamigin." ang sagot ng binata.
            " Okay, ummm... I'll just take care of stuffs." ang nahihiyang sabi ni Dei habang nakayuko.
            " Okay sige. Kailangan mo ng ilaw?" ang tanong naman ni Chard.
            " No no. I've got a flashlight in my luggage." at ipinakita nya ang flashlight nya.
            " Ayos ah. Buti may flashlight ka." nagulat ang binata na may ganun si Dei.
            " Yeah I always bring one. Kahit saan ako pumunta." ang sagot nya. At kinuha na nya ang kanyang mgagamit. Lumakad na palayo ang dalaga. si chard naman ay nahiga sa pwesto nya at tumingin sa mga bituin.
            ' Thank you Lord at naligtas kami. Salamat din po at si Dei ang nakasama ko. Lord eto na po ba ang sign na ibinibigay nyo sa akin? Kung ito na po, kayo po ang masusunod.' ang pagdarasal ng binata. At muling tumanaw sa mga bituin. Maya maya ay narinig na nya ang parating na si Dei. Kaya bumangon sya. Nakita nyang nagbihis na ang dalaga ng sweater at jogging pants.
             " Buti ka pa nakabihis na." ang salubong nya sa dalaga.
             " Good thing na nandito luggage ko. Pano na lang kung wala? Ang dami pa namang essentials dyan." ang sagot ni Dei.
             " Inaantok ka na ba?" ang tanong uli ni Chard.
             " Yeah kinda. This is a very tiring and stressful day." ang sagot naman ni Dei.
             " Ah ganun ba? Sige matulog ka na. Magbabantay muna ako." ang sbi ni Chard.
             " What about you?" ang tanong uli ni Dei.
             " Mamaya na ako matulog, baka kasi mamatay yung apoy natin kung walang bantay." ang paliwanag nya.
             " Okay pero wake me up pag antok ka na ha. Papalitan kita." ang bilin ni Dei. tumayo sya para kunin ang kumot na nakita nila. Tapos gumawa sya ng makeshift na unan galing sa mga damit nanakuha din nila at binalot ito ng isa pa uling unan. Pinapanood lang sya ni Chard. Nagugulat ang binata sa mga alam gawin ni Dei.
             " Okay sige. Matulog ka na para mamaya may energy ka sa pagbabantay." at umayos na ng pag-upo si Chard. Nahiga naman si Dei paharap kay Chard. Nang una ay nakatitig lang si Dei sa apoy. Maya maya ay bumigat na ang mata nito at nakatulog na. Si Chard naman ay pinapanood ang pagbigat ng mata ng dalaga. Alam nyang ayaw ni Dei na tinitititgan ito pero di nya maiwasan.
              ' Ang haba ng pilikmata nya. Cute ang ilong, maganda ang mata, kissable lips. God anong nangyayari sa akin? Naiinlove na ba ako sa kanya?' ang bulong ni Chard sa sarili. Patuloy pa rin ang titig nya kay Dei. Maya maya naalala nya ung nkita nya sa mall.
               ' Imagine nagduda pa ako sa ganda nya nung makita ko sya sa mall? Ang layo nya kasi eh. Akala ko di sya gnun kaganda sa malapitan. Yun pala kung maganda sya sa malayo grabe ang ganda nya sa malapitan.' patuloy sa pagmumuni muni ang binata.
                ' Mukha sayang sosyal pero cowboy sya. Akala ko kanina maarte. Hehehe mukhang mas marami pang alam kesa sa akin pagdating sa survival eh.' natatawang isip nya. Maya maya ay tumayo ang binata para maglakad lakad sa tabing dagat.
                 ' Hanggang kelan kaya kami dito? Sana mas makilala ko pa si Dei habang nandito kami.' ang patuloy nyang bulong. Tiningnan nya ang relo kung anong oras na. Natulog si Dei ng 8:00 ngayon ay 12:30 na. Naglakad na sya pabalik sa bonfire nila nang mapansin nyang pabiling biling si Dei sa kinahihigaan nya at umuungol. Parang nananaginip kaya mabilis syang lumapit dito. Habang papalapit ay lalong lumakas ang ungol ni Dei at may luha na ito sa mata.
              " Dei, Dei, gising! Dei wake up." niyugyog nya ang balikat ng dalaga pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak at pag-ungol.
              " Dei panaginip lang yang. Dei gising." ang patuloy nyang pagyugyog. At biglang dumilat ang mata ni Dei at napatinging sa kanya.
              " Chard! Huhuhu. Chard!" ang humahagulgol na bangon ng dalaga at yumakap sa kanya.
              " Tahan na, tahan na. Panaginip lang yun." at gumanti sya ng yakap. Hinimas himas nya ang likod ng dalaga para mapayapa ito. Nanatili sila sa ganung pwesto hanggang tumigil na sa pag-iyak si Dei. Bibitawan na sya ni Chard at tinitigan. Pinunasan ni Chard ang luha ni Dei. Di naman makatingin si Dei kay Chard.
              " Okay ka na?" tanong nya sa dalaga. Tumango lang ito sa kanya at pinunasan ang natitirang luha sa mata.
              " Wag ka ng umiyak ha." ang sbi ni Chard. Nakatingin pa rin sya sa nkatungong dalaga. Tumango lang ito uli sa kanya.
              " Gusto mong pag-usapan?" nag-aalalang tanong nya uli.
              " Napanaginipan ko yung plane crash, tapos we didn't survive. I dreamt I was drowning." muling tumulo ang luha ni Dei. Mabilis namang pinahiran ni Chard ang luha nya.
              " Wag ka ng mag-alala ligtas na tayo." ang sabi naman nya.
              " I know but until when? Kelan nila tayo makikita?" patuloy sa pagtulo ang luha ni Dei.
              " They will. Magdasal lang tayo." ang sagot ni Chard at muli nyang niyakap si Dei.

***************************************************************************

bad dream. nkakatakot nga namang malagay sa ganung sitwasyon.
let me know your views. thank you and enjoy reading.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now