Chapter Twenty-two

2K 107 2
                                    


Naglakad ang dalawa sa loob ng gubat. Habang naglalakad ay naghahanap sila ng pwedeng gamitin para sa gagawin nilang shelter. May nadaanan sila na tumpok ng mga buho na kawayan na pwede nilang gamiting dingding. Pimutol si Chard ng sa palagay nya ay sakto na para sa kailangan nila. Si Dei naman ay may nakitang tumpok ng mga puno ng kamoteng kahoy kaya hinukay nya ito para mailaga mamaya pagnkakita sila ng tubig o kaya naman ay ihawin pag wala pa rin silang makita.
Maya maya habang naghuhukay si Dei bigla syang natigilan. Parang may naririnig sya. Mahina lang pero dinig nya.
" Chard, quiet.!" ang sabi nya sa binata. Nang tumigil si Chard sa pagputol ng buho ay muling pinakinggan ng dalaga ang tunog.
" Do you hear that?" ang sbi nya kay Chard at bigla syang tumayo para sundan ang naririnig.
" Dei, ano yun sandali." ang tawag ni Chard sa nagmamadaling dalaga.
" Don't you hear it? Hurry!" at tumakbo na ang dalaga. Tumakbo na rin si Chard. At maya maya nga ay narinig na rin nito ang narinig ni Dei. Naririnig nila ang agos ng tubig. At palakas ng palakas ito, ibig sabihin ay malapit na sila sa tubig. After a while nakita na nila ang tubig. It's a spring!
" Yes! Water!!!" ang hiyaw ni Dei. At lumusong na siya sa tubig. Pero sa may hanggang hita lang nya. Isa itong bukal na meron maliit na pool. Ang tubig ay nanggagaling sa isang butas sa may bandang taas ng pool. Malinaw ang tubig na umaaagos pababa at mga bato ang ilalim ng pool. Naghilamos si Dei ng tubig na malamig at malinaw.
" Oh bakit hanggang jan ka lang?" ang tanong ni chard na hinuhubad na ang polo nya na nakapatong sa sando nyang puti. Hinuhubad na rin nya ang sapatos nya. Nakatalikod si Dei sa kanya.
" I didn't bring any change of clothes. And my soap and shampoo. Ay!!" biglang napasigaw si Dei dahil biglang tumalon si Chard sa tubig. Natatawang pinanood ni Dei si Chard. Maya maya lumutang na ito.
" Ang sarap ng tubig! Halika na." ang anyaya ni Chard sa kanya. Lumakad na si Dei paahon. Nilingon nya si Chard at lumapit sya sa isang malakingbato paramaupo dun.
" Later na lang. I'll come back na lang here later. I'll bring my stuffs." ang sagot nya at pinanood na lang si Chard sa pag lalaro.
" Ikaw ang bahala. Ang sarap ng tubig. Malamig, refreshing." pang-iinggit ni Chard kay Dei.
" Wag mo na akong inggitin. Ayokong tumutulo ako later pabalik ng campsite. Maligo ka na dyan, I'll cook the camote na lang para may food tayo after you play." ang sagot ni Dei. At tumayo na sya at kinuha ang nga kaserolang da la at humanap ng tuyong pwesto para magpaapoy. Nanguha sya ng mga tuyong kahoy at dahon at nag-umpisa ng gumawa ng apoy. Nang may apoy na ay kumuha sya ng tubig sa may umaagos. Kukuha na sana sya nang may naisip sya. Binitawan nya ang hawak at bumalik sa gubat.
" Dei, san ka pupunta?" ang tawag sa kanya ni Chard.
" May kukunin lang ako." ang ganting sigaw ni Dei. Pumasok na sa loob ng gubat si Dei at bumalik sya kung saan sila nagputol ng mga buho na kawayan. Humanap sya ng gusto nyang size at pinutol ito gamit ang itak. Bumalik na sya sa bukal at nakita nyang lumalangoy langoy pa rin si Chard. Lumapit sa butas na binubukalan ng tubig at nilinis nya ang paligid nito at itinusok ang buho sa butas para malayo sa lupa ang agos ng tubig.
" Wow! Ang galing ah." biglang nagsalita si Chard sa likod nya.
" Ay!" nagulat ang dalaga sa biglang pagsasalita ni Chard sa likod nya kaya nadulas sya. Nadulas sya sa inaapakan nya na may mga basang damo. Unti-unting nararamdaman ni Dei na bimabagsak sya. Pinilit syang saluhin ni Chard pero nagkamali ng tinapakan si Chard. Napatapak sya sa malambot na lupa. Nahawakan nya ang bewang ni Dei pero pareho silang natumba papunta sa tubig. Naramdaman na lng ni Dei na nalubog na sya sa tubig. By instinct lumangoy ang dalaga at sisinghap-singhap na umahon.
" CHARD!!!" ang sigaw ni Dei hanap si Chard.
" Sabi kasi maligo ka na eh." ang biglang sagot ni Chard sa likuran ni Dei.
" Nkakainis ka talaga. You did it intentionally!" ang sabi ni Dei sabay hampas nya si Chard sa balikat.
" Hahahaha!!! Boring kasi mag-swimming ng mag-isa eh. Magswimming muna tayo mamaya na yung pagkain. Tutulungan kita." ang natatawang sagot ni Chard.
" But I need to boil water pa bago ko maluluto yung camote." ang sagot ni Dei.
" Sabi ko sa iyo mamaya na yun..." ang sabi ni Chard at inilubog nya sa tubig si Dei para tumahimik. Nang makaahon si Dei ay hinabol sya nito. At maya maya maririnig na ang halakhakan ng dalawa sa bukal na yun. Nag-enjoy na si Dei sa pakikipaglaro kay Chard.
" Enough, nagugutom na ako. Pagod na ako. Hahaha." ang natatawang sabi ni Dei at nag-umpisa na syang umahon.
" Tara na nga. Baka umiyak ka na sa gutom." ang natatawang sabi ni Chard. At inalalayan na nya si Dei paahon. Nang makaahon na sila ay pinuntahan agad ni Dei ang apoy na ginawa nya. Wala ng apoy. Baga na lang ang natira. Kaya inasikaso na nya ito.
" Could you fill this with water?" iniabot nya ang kaserola kay Chard. Kinuha ni Chard ang kaserola at nilagyan ito ng tubig. Pagbalik nya ay may apoy na uli si Dei. Isinalang ni Dei ang kaserola para pakuluan ang tubig.
            " We need to boil the water so we wont get sick." ang sabi ng dalaga. Sumunod nyang hinarap ay ang camote. Lumapit naman si Chard para tumulong. Nang mabalatan na nila ang camote ay hinugasan nila ito at nilagyan ng tubig. Nang kumulo na ang tubig nila ay sinalang ni Dei ang camote. Ang ginawa naman ni Chard ay dinala ang napakuluang tubig at nilagay ang kaserola sa mababaw na part na naagusang ng malamig na tubig para mabilis na lumamig ito.
             " Ang sarap dito ano?" ang nasabi ni Chard kay Dei na nakaupo uli sa malaking bato at nagpapatuyo ng sarili.
             " Yes, I love nature. It makes me feel so free." ang sagot ng dalaga habang sunusuklay nya ng daliri ang buhok nya.
             " Me too. Gustong gusto ko rin ang nature. Kaya twice a year nag hahiking kami ng mga kaibigan ko. Maya maya ay naluto na ang camote nila. 
             " Ayan luto na, lets eat." kinuha na ni chard ang inumin nilang tubig. Nag-umpisa na silang kumain.
             " I'll comeback here later. Maliligo ako. Yung real ligo, with sabon and shampoo." ang sabi ni Dei.
             " Meron ka?" ang tanong ni Chard.
             " Yes. Its like natural for me to bring my stuffs everywhere I go. I always bring alot of my stuffs kaya I have a big luggage." ang explaination ni Dei.
             " Ah kaya pala ang laki ng maleta mo. Ano ano pa ang laman nun?" ang nangingiting tanong ng binata. Naamaze talaga sya sa sosyal na dalagang ito.
             " Basta. magugulat ka." ang natatawang sagot ni Dei. At kumain na sila. Nang matapos silang kumain ay niligpit na nila ito.
             " Pahinga muna tayo. Para may energy tayo na maghakot." ang sabi ni Chard. Humanap ng pwesto ang binata para mahiga.
             " Yeah sure. Napagod ako sa harutan natin." ang sagot ni Dei.
             " Harutan na ba yun para sa iyo? Wala pa yun. Di ko pa nga nilalabas ang kulit ko eh." ang sagot ni Chard.
             " Tsee!!! Magpahinga ka na nga dyan." at humanap na rin ng pwesto si Dei.
             Nagpahinga na ang dalawa. Ang hindi nila pareho namalayan ay nakatulog sila dahil parehong pagod at puyat.

***************************************************************************

finally nakakita na rin sila ng tubig. hindi pa raw nilalabas ang kulit. naku.
let me hear your views. thank you ang enjoy reading.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now