Chapter Three

2.8K 136 6
                                    

           Pag-labas ni Dei ng opisina ng ate nya ay dinampot lang nya ang kanyang bag at cellphone at dumeretso na ng parking lot papunta sa kanyang kotse.

Gustong gusto nya ang kotse nya dahil bukod sa paborito nya itong kulay ay sakto lang ang size nito sa maliit nyang frame. She's driving a Mitsubishi Mirage GLX 1.2 CVT in yellow. A graduation gift from her nanay and tatay.

            Pag-upo nya ay tumugtog agad ang sound system ng mga paborito nyang kanta.

            " I hope there's no traffic. Hhhmmm... Ano kaya ang mga dapat kong bilhin?" pabulong na sabi ni Dei sa sarili nya.

            At nagdrive na ang dalaga papuntang mall. Habang nasa daan may mga naencounter syang traffic pero hindi naman matindi.

            Pagdating ni Dei sa mall ay humanap cia ng mapagpaparkingan ng kotse nya. At pumasok na sa loob ng mall.

            " Wait I should call Janeeva for snack later. I miss that girl. I just hope she's available." si Janeeva ang bestfriend ni Dei simula nuong high school hanggang college.

            Kinuha nga dalaga ang kanyang cellphone habang naglalakad lakad sa mall. Idinial ang number ng kaibigan.

            " Hello bruha!! I thought you forgot about me na eh." ang sagot ng tinawagan.

            " Hahahaha!!! Hello to you too. Of course not! Its just that I was so busy at work that I have no time to call. Sorry na please." ang nangingiting sgot ni Dei. Namiss nya ang luka-luka nyang bestfriend.

            " Of course I forgive you. Sssoooo... what brought this call?" sagot naman ni Janeeva.

            " Well, are you available later? Wait, wait, I saw something. Oh my God!" ang nabiglang sabi ni Dei sa kausap.

            " What? What is it? Hello? Dei? Dei? Gaga ka what happened?" ang natatarantang sagot nman ni Janeeva.

            " Janeeva!!!"

            " Yes?"

            " Oh my God Janeeva!!"

            " Dei ano ba? Sasapakin na kita eh. Ano ba yun?"

            " Janeeva my God, I'm in front of Folded and Hung."

            " So what's the big deal? You're inside the mall of course you'll see the Folded and Hung botique. Anong meron at natataranta ka dyan?" nag-alala na ang kanyang kaibigan.

            " Oh Janeeva I wish you were here." kinikilig c Dei.

            " Nicomaine Dei Capili Mendoza!!! Stop the hysterics and tell me what the hell is it!!! Or else I'll go there and I promise you sasabunutan kita." naiinis na ito sa kanya.

            " Okay okay.. Grabe full name talaga?" natatawang sagot nito.

            " You're pissing me off. So tell me."

            " Well yun nga. I'm in front of Folded and Hung and I just saw the most handsome model. Hahahaha." ang kinikilig na sabi ng dalaga. Nagulat talaga sya sa nakita. Di nya alam kung anong meron dun sa model pero di nya maalis ang tingin nya dito.

            " My God Dei! I thought something bad had happened to you or you saw someone you don't wanna see. Yun pala you just saw a print add model." nakahinga ng maluwag ang kanyang kaibigan.

            " Neeva he's not just a print add model. He's different. There's something about him that makes you want to stand here and just stare at him." ang kinikilig pa ring sagot ng dalaga sa kaibigan.

            " Okay take a picture then show it to me later." sagot naman ni Janeeva na nagugulat sa kaibigan. Hindi ganito si Dei. Napakapihikan nito kaya nga sa idad na 20 ay isa pa lang ang nagiging boyfriend nito.

            " Okay sure. So see you later at the caffe. Four o'clock." pagpapalam niya sa kaibigan.

            " Okay see you later. And Dei," ang pahabol nito.

            " Yes?" sagot naman ni Dei.

            " Stop starring okay?" natatawang bilin ni Janeeva.

" Okay okay, I'll stop. I'll just take a photo then I'll leave na. I still need to do some shopping." natatawa na si Dei sa reaksyon ng kaibigan.

" Okay bye see you." ang paalam ni Janeeva.

" Bye see you." at inend na ng dalaga ang call. She took a few pictures of the poster oblivious to the people looking at her.

" Bye cutie. Ang cute mo talaga. But I know I'll never meet you in person. But I sure hope to meet you someday. Sana." ang kinikilig pa ring paalam ni Dei sa poster.

Dei, be careful what you wish for.

***************************************************************************

her first glimpse of him. kinilig ba kayo sa reaksyon ni Dei? kasi ako kinikilig while writting this. i would love to hear your reactions. thanx and enjoy.

Paradise Love (Completed)Where stories live. Discover now