Chapter 34

6.4K 116 4
                                    

Last one chapter then epilogue na. Hope you enjoy this!

* *

Chapter 34

I look at Van who's still sleeping silently. It's already been 20 hours since his operation at hindi pa rin siya nagigising. I never left the hospital despite of our friends' request. Hindi ko maatim ang matulog ng mahimbing habang narito si Van at hindi pa nagigising. I asked Ashley and Uriel to take care of the twins first dahil sila lang naman ang walang galos. I looked at Van again.

"Hindi nga kami nasaktan ng mga anak mo, pero ikaw naman ang sumalo ng mga bala." naiinis kong sabi. I really hope that it's already the end dahil kung hindi pa, baka atakihin ako sa puso! I looked at my clothes. I haven't changed it and it's still full of blood. Napabuntong hininga ako. My mind would only be at ease if Van wakes up.

"Surprise!" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. I saw Ashley and Uriel with the twins. I smiled faintly. "Oh my gosh, twins is that your mother or is she a monster?!" maarteng sabi ni Uriel bago ako nilapitan at ni-head to foot. Hawak niya si Ocean habang si Ashley naman ang kay River.

"Girl, umuwi ka muna. I'm sure Van won't be happy to see you like that, baka mamaya matulog ulit yun." Ashley said before sitting on the couch. "Ang eyebags mo, teh! Itim na itim na, tapos yung itsura mo pa para kang namatayan! Let's all be thankful na yan lang ang naitamo nilang sugat. Hindi pa nga yan malala compared sa mga nakikidnap talaga." Ash looked at River and made him laugh. Umupo naman si Uriel sa tabi nito.

"But I wanna be with him..." mahina kong sabi. Umirap naman si Uriel.

"I'm sure you do that's why go now and take a bath, change your clothes, bring him clothes, and come back." Tumayo si Uriel at hinila ako palabas. Aalma pa sana ako ngunit nakita ko ang ilang mga guards sa labas na naghihintay ata sa akin. "They are the twins' guards and some are yours. Sige na, go!" Uriel looked at my guards - daw. "Bring her home, and take care of her!"

Pinagsaraduhan niya ako ng pinto. I sighed. Maybe I was too pre-occupied to even see that there are guards outside our room. Siguro ay tama na ring umuwi ako at makaligo. I went home wearing a jacket to hide the blood stains in my shirt. Mabuti na lang ay nasa salon si Tita at nasa library naman si Tito. They made up an excuse that we went to Paluero and I'm guessing that they'll be shocked when they see me.

Mabilis akong naligo at nakapag-ayos. Simpleng jeans at shirt lang ang suot ko. I packed the twins' things maging ang kay Van na din. Nag-aayos ako ng may kumatok at inilabas noon ang mukha ni Tito.

"You're home already, Zara?" he asked. Tumango ako.

"We came back early, Tito and we've decided to sleepover sa place nila Ashley. I'm just getting some stuff kasi mukhang mags-stay pa kami ng isang araw or more than that, Tito." pagpapaliwanag ko.

"Okay, eat first before you leave." tumango na lang ako at saktong tapos na din naman kaya kinuha ko na ang bag at lumabas. "Nagdagdag ba si Van ng guards? There are way too many downstairs." natatawang tumango na lang ako dahil totoo nga. Kahit sa labas ng kwarto ko ay may mga guards din. I went to the kitchen to make some sandwich. May maid pa na nagprisintang gumawa.

"No, I can manage." I told her and after I finished, umalis na rin ako. Masyado ata akong nagmamadali at nagha-hallucinate na ako dahil nang marating namin ang ospital, nakita ko si Elijah na kasama ang mga pulis na mula pa ata sa America.

"What's going on?" asked by the head guard beside me sa isang pulis. "Ma'am, he wants to apologize to you." sabi sa akin ng pulis. Naningkit ang mga mata ko. Ang kapal naman talaga ng mukha niyang mag-punta pa dito at ipakita ang mukha sa akin! Didn't he know how much pain he gave me dahil nakikita ko si Van na nakahiga at may mga tama ng bala?!

Pure SeductionWhere stories live. Discover now