Chapter 18

6.1K 106 3
                                    

Chapter 18

It was a monday morning. I was helping Van to fix his tie for office. May maaga kasi siyang meeting and he asked me not to accompany him. Alam na din sa kompanya na kasal na kami. Tito and Tita - I mean Mom and Dad, even Van wanted to give me a higher position but I refuse to. Okay na ako sa kung ano ang mayroon sa akin at kung tataas man ang posisyon ko, gusto kong dahil sa pinaghirapan ko.

I sniffed Van when I smelled something really hot.

"Zara, what are you doing?" He asked me while laughing. Sinampal ko ang bibig niya at lumapit pa sa kanya lalo. Ang bango niya kasi! Ito iyong gusto kong amoy - yong sakto lang pero hot! Ay, kinikilig ako! I giggled.

"Ang bango mo! What did you do? What happened?" Kumunot ang noo niya sa akin. I did not bother and continued sniffing him. Ang bango kasi niya! Niyakap ko siya para maamoy ko lalo. Panalo na sa pang-amoy ko, nakaka-chansing pa ako! Wow, this is a good morning, indeed!

"What the fuck?" Ako naman ang napakunot ng noo. Him and his bad mouth! "I did not do anything as far as I know, Mrs. De Vara. Matagal ko ng pabango ito." Napahagikgik ako lalo nang tawagin niya akong Mrs. De Vara. Hanggang ngayon ay bago pa din sa pandinig ko pero tuwing tinatawag akong ganon, gumaganda ang araw ko!

"Let's go, Van! Malalate ka na sa meeting mo!"

When we arrived the company, everyone greeted us. Tuloy-tuloy naman sa paglalakad si Van at hindi sila pinapansin. Kinailangan ko pa siyang hampasin para ngumiti manlang sa kanila na hindi naman niya ginawa. Agad nahanap ng mga mata ko sila Ashley. They were smiling at me and I hurriedly ran towards them.

"Hello!" Instead of greeting me, they knotted their forehead at me. Lumipat pa ang tingin nila kay Van na kumibit balikat at hinihintay pa ata ako. "Ano meron? Aren't you saying hello or hi back?" Hindi nila ako pinansin at lalong kumunot ang noo. Napailing na lang ako at lumapit kay Van.

"Do good, honey." Napangiti siya at humalik sa akin. Ginantihan ko iyon at bago pa kami makabuo ng porn dito, tinulak ko na siya habang tumatawa. "I love you! Good luck!" Nag flying kiss pa siya. Uriel almost hurt me dahil sa mga palo niya habang napapairap na lang si Ashley.

Napahagalpak ako ng tawa sa katangahan ni Van. Dahil sa kaf-flying kiss niya, he wasn't able to see the elevator at nauntog pa ang gago. Napailing na lang ako at pinaalis na siya.

"Ang aga-aga naghahalikan kayo!" Ashley said bitterly. Napangisi ako. Palibhasa wala pang boyfriend at ako ang pinagbubuntungan!

"Shall I call Poseidon, girl?" Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig at napaharap sa laptop niya.

"Bahala ka! Basta ang sabihin mo wala ako! Tulog! Lumipad sa Jupiter! Nakikipag-jugjugan!" Napahagalpak kami ng tawa ni Uriel. She never shared anything or any details. Minsan ay pinipilit namin siya pero wala pa din siyang sinasabi hanggang sa nag-sawa na lang kami. Alam naman niyang kung ano ang mangyari, andito lang kami para sa kanya.

We started our pile of works. Patawag-tawag ako kay Anna - Van's secretary incase you forgot, para malaman kung tapos na ba ang meeting. Sinasabi niya lang na hindi at mukhang matagal pa daw. I glanced at our clock. Malapit ng mag lunch break pero hindi pa din tapos?

"Girl, light is to dark! Anong nangyayari sayo?" Napatingin ako kay Uriel at pagkatapos ay sa laptop ko. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. My vibes for this day felt bad.

Parang may ibang mangyayari.

Hindi ko na kinaya ang pagka-paranoid at tumayo. Tinanong pa ako nila Ashley kung saan ako pupunta pero hindi ko na sinagot. Mabilis akong nag-elevator. Wala namang sinabi sa akin si Van tungkol sa meeting niya. He just said that there are important people to meet today.

Pure SeductionWhere stories live. Discover now