Chapter 11

8.2K 150 3
                                    

From Sexual Desires to Pure Seduction. Meron na ding book cover, finally!

* *

Chapter 11

One week had passed. Kahapon nabalitaan namin ni Van na lumipad ang parents niya papuntang New York. They said that it's already time to see Alli. Pinapasunod pa nga nila si Van kaso ayaw naman ni Van. He said he has some shits to fix here.


"Zara, bakla! Yung presentation naisend mo na daw ba kay Sir? Pinapatanong ni Miss Minchi the matandang hukluban." I laughed with what he said. I'm part of the Arts and Designs Department ng kompanya nila Van. Dito na ako pumapasok pansamantala dahil na din sa kagustuhan ni Van. Hinugot ko ang USB na nakasaksak sa laptop ko at inabot kay Uriel.


"Here you go." I smiled at him. Napapalakpak naman siya dahilan ng pag-lingon ni Ashley.


"Hoy Uriel! Ang aga-aga naglalasik ka ng lagim mo dito! Aba teh, tigil na!" Muli akong napahagalpak sa tawa sa sinabi ni Ashley. Well, tatlo lang kami sa department na ito at masasabi kong nakakasundo ko na sila.


Ashley and Uriel's friendship is as strong as a metal. Iyon ang kwento nila. Mula GS pa lang daw magkaibigan na sila. Sa loob ng isang linggo, naipakita na nila sa akin ang comfort na hinahanap ko sa mga friends ko dati. I was never able to experience having a squad before. Kung hindi kasi pera ko ang habol nila, fame naman. But with Ashley and Uriel, I can be myself. Naikwento ko na din sa kanila ang tungkol sa pamilya ko and of course, Van Austin. Afterall, kalat na din naman dito sa kompanya ang meron sa amin.


"Ay, ano yan? Tulaley ka sa beauty ko, ateh?" Nabalik ako sa ulirat ko ng makita silang nakatingin sa tapat ko na magkadikit pa ang mukha. Binatukan ni Ashley si Uriel.


"Gaga, huwag kang feeling! Baka naman kasi kulang lang sa haplos ni Boss yan!" I laughed with what Ash said. Mga gaga talaga ito! Marahan kaming napalingon ng may marinig na ubo sa likod.


Tumuwid ng tayo ang dalawa habang ako naman ay tumayo din. Van's here. Sir Van is here. "Ladies and gentleman."


"Teka po, Sir. Okay po siguro kung lady na rin ako. Hihi." Napabulanghit kami sa tawa ni Ashley. Van on the other hand raised his brows only at hindi pinansin ang sinabi ni Uriel. Naglakad siya papunta sa amin bitbit ang isang dosenang folders.


"I like what you passed last day. However, I need an overall presentation made by the three of you. You'll present it next week infront of the board members. Here are the things you can use for the presentation." Tuloy-tuloy niyang sabi at binigay ito kay Uriel. We weren't able to speak anymore dahil umalis din siya kaagad. It seems like he's really busy and I do understand naman.


This is a company of a five-star hotel. Well, iyon ang main pero kung pagsasamahin mo lahat, Van's family has restaurants too and etcetera. We are making some designs na pwedeng ilagay o isabit sa hotel. Kami din sa mga positions ng bawat gamit sa loob. I finished Business Management but I have skills on this. I love arts and designs!


We worked for the presentation para sa susunod na linggo. Hindi pwedeng may masabi silang hindi maganda. They have branches all over the world at binabalik-balikan ito dahil sa magandang ambiance na dulot ng building namin. That's how important design is. It makes the ambiance.

Pure SeductionWhere stories live. Discover now