Chapter 7

9.2K 148 2
                                    

Chapter 7

After we got out of the restaurant, Van drove silently. Kotse na ang gamit namin at siya na ang nagddrive. He did not tell me kung saan kami pupunta kaya naman tumalak lang ako nang tumalak. I don't know why. Have you ever felt something like your energy became so high. Na parang naging pursigido kang gawin ang isang bagay? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. I know, it was so sudden.


"Saan ba tayo pupunta? Ikaw ha, baka seryosohin mo na itatanan mo ako. You know, Van okay lang naman sakin! Sabihin mo lang para ready ako!" Napahagikhik ako sa sarili kong kalokohan na tinawanan lang naman niya ng mahina. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kotse. There's a family figurine, maliit lang siya at hindi babasagin. Pamilya niya siguro ito.


Then I suddenly remember my family. "Alam mo ba, I grew up hating my family. Kahit hanggang ngayon." Humarap ako sa kanya at isinandal ang likod ko sa pintuan ng front seat. "Si mommy at daddy palaging nakafocus kay ate. Lahat ng atensyon nasa kanya. Lahat ng bagay, napupunta sa kanya. It's funny how people say that we - the younger ones usually gets more attention, but no, not in my case." Tumingin siya sa akin ng mabilis pero ibinalik din iyon sa kalsada.


"Ang tingin kasi nila mommy kay ate ay parang miracle. Akala kasi nila hindi na siya magkakaanak pa dahil may problema siya. But then ate came, kaya ayun, mahal na mahal nila. Nung bata pa kami palaging honor student si ate, first pa. Samantalang ako second palagi. Tapos ang masaklap pa, busy sila pag dating sa'kin, pero kay ate daig pa nila ang BDO sa paghahanap ng ways makapunta lang. I can't help but to feel so insecure. Siya kasi mabait, maganda, tapos sexy, matalino - the complete package. Samantalang ako, eto, complete package din. Hindi nga lang first sakanila." I laughed.


"I spent my childhood days trying to get my parents attention. Sinubukan kong magpakabait katulad ni ate Pamela but I just really can't. Gusto kong maging katulad niya kahit na alam kong hindi pwede. May mga bagay akong gustong gawin na hindi ko magawa kasi baka lalong lumayo yung loob nila sa akin. I'm trying to be someone I'm not and that just simply sucks." I smiled faintly.


"You know what?" Napakunot ang noo ko. "You're a bad woman, a bad woman who has a good heart." Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog ako. Hindi ko nga alam kung naririnig ba niya ang lakas ng pag dugdug nito eh.


"And if you ever feel so insecure again, just think that I'll choose you over anything or everyone else." Nangilid ang luha ko. Hindi pa ako nakaramdam na ako ang priority simula noon. Na ako ang first choice at hindi second choice o third. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala iyon sa pisngi niya.


Napakagat ako sa labi ko at pinaghahampas siya. "I hate you! Tama na, kinikilig ako!" Tumawa siya ng malakas. Malakas na malakas na parang ibinuhos niya lahat ng tawa niya. Wow! Ang bait niya ngayon. Good mood ba siya?


Inabot pa kami ng kalhating oras bago itinigil ni Van ang kotse. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. We're infront of a house. A normal house na up and down. Tumingin pa ako sa paligid at ganoon na lang nag panlalaki ng mga mata ko dahil nasa isang beach pala kami! At mukhang private pa dahil walang ibang tao kungdi kami lang! He held my hand as we walked near the beach.


Umupo kami sa buhangin. I even placed my head on his shoulder while he continued playing with my hand. "Private beach ito nila Mom. Before I got so busy in our company, Alli and I used to visit here. Laro lang, tapos ligo at bakasyon. Just a simple trip." Itinaas ko bahagya ang ulo ko at nakita ang pag-kislap ng mga mata niya.


He sighed. "Miss ko na ang tanga kong kapatid." Mabilis kong natampal ang bibig niya which made him groaned. Masyado kasing matalas ang dila! Ang sarap dukutin at putulin! "Alam mo ikaw babae ka, napakalabo mo!" He hissed while I laugh.


Pure SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon