Chapter 32

6.1K 99 4
                                    

Chapter 32

"Ocean, honey don't cry baby. Don't cry." Paulit-ulit na sabi ni Zara sa anak na babae na umiyak dahil sa pagkakadagan sa kanya ng kuya niya. May pagka-iyakin kasi ang bata habang ang kuya naman nito na si River ay masiyahin at pilyo.

"Oh, bakit umiiyak si Baby Ocean? Bakit, baby?" Selina asked them at tumulong sa pagpapatahan kay Ocean. Pagkalabas na pagkalabas nila ng ospital ay kinuha na agad sila ni Van. Wala naman iyong problema dahil may bahay si Van, at may condo. Iyon nga lang ay ayaw pa silang pagsolohin kaya pinatira muna sila sa mga magulang ni Van para nga naman may katu-katulong si Zara sa pag-alaga sa mga anak.

Zara's parents are back in Georgia. Hindi naman doon ang buhay nila pero may business pa silang kailangang ayusin at pagkatapos nga noon ay uuwi na din ang mga ito at dito na mananatili si Pinas. Van went to the company early in the morning. Ang sabi nito sa kanya ay tatapusin na nito ang kailangan tapusin dahil nagbabalak siyang mag-absent ng kahit tatlong araw lamang para makasama ang mag-iina. Wala namang problema si Zara doon. Araw-araw ang pagbisita sa kanila ng barkada, nakilala na din niya ang mga asawa ng mga ito and all of them became friends.

Natigil siya sa pag-iisip ng marinig muli ang pag-iyak ni Ocean.

"Ocean, princess stop crying anymore..." Laking pasalamat na lang talaga niya at hindi ito sinasabayan ni River umiyak dahil kapag nagkataon, malilintikan na. Minutes later, napagod na din si Ocean umiyak at nakatulog na sa bisig ni Zara.

"Motherhood suits you very well, anak..." Napangiti siya sa sinabi ng biyenan. "I really hope Van won't focus on his work too much. Napapaisip tuloy ako kung tama ba ang pag-iwan namin sa kompanya sa kanya."

Ibinaba niya ang anak sa tabi ni River. Tulog ang mga anak kaya napagdesisyunan nilang lumabas muna ni Selina at mag-kwentuhan sa may pool area sa labas.

"Bata pa lang siya, he already showed too much passion in business. Kaya hindi kam nagdalawang isip ni Roberto na ibigay sa kanya ang kompanya." Zara saw the regrets in Selina's eyes habang nakatingin ito sa kawalan. "It was so big, it is our legacy. That's why even then, hinubog namin siya para pamahalaan ang kompanya. We've raised our expectations to him, siya naman ay sumusunod na lang. Tingin ko ay iyon ang dahilan kaya siya naging ganito."

Huminga ng malalim si Selina.

"He became heartless. Ang tingin niya sa buhay ay isang malaking business world, nothing more nothing less. Inisip niyang kaya niyang kontrolin ang lahat." Napangiti ulit si Zara at tumingin sa langit.

"I was one of his cards before. Kinokontrol, minamanipula..." tahimik niyang sabi sa ina ng asawa. Hindi naman niya pinagsisihan iyon - sa lahat naman ng pinagdaanan nila ay wala siyang pinagsisihan. She thinks that things really happen for them to reach their places right now.

"You know, anak I know Van. He's my son. Alam ko kapag naiinis siya, kapag hindi nasusunod ang gusto niya, kapag hindi naaayon ang lahat sa pinlano niya. Alam ko lahat iyon at madalas kong makita sa mukha niya iyon simula noong dumating ka sa buhay niya. That's when I knew that my son's so fucked up because of love! Because love bit him!" Hindi malamano ni Zara ang pinupunto ng biyenan. Napansin naman ito ni Selina at tinitigan siya sa mata.

"Please love my son, Zara. Paniwalain mo siya sa mga bagay na hindi niya pinaniniwalaan noon. I know my son loves you, but I can also see that he still have doubts. Natatakot siya. Matagal na siyang hulog pero hanggang ngayon ay natatakot pa din siya." Naisip ni Zara na marahil nga'y tama ang ina nito. When Van knew that he loves her, hindi naman sila magkasama ni Zara noon. Kaya baka nga naninibago pa ito dahil ngayon, andito na siya. Maybe, that's the reason why he isn't asking her to marry him too.

Pure SeductionΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα