Chapter 6

10.3K 167 2
                                    

Chapter 6

"I can't think straight, dude. I'm fucked up." Naiinis na wika ni Van. Kausap niya ang kaibigang si Tyrone. Kailangan niyang malinawagan sa balak niyang gawin kay Zara at sa sitwasyon nila ngayon. Idagdag mo pa ang biglaang pag tambak ng mga paper works niya. Kulang pa ata ang salitang stressed para sakanya.


"Come to think of it, you're being fucked up because of a certain girl!" Humalakhak ang kaibigan niya sa kabilang linya. Napatingin naman siya kay Zara na nakaupo sa tapat ng pintuan ng suit na ibinagay ng daddy niya. "Tanga mo, dude! If you're sure about fucking her feelings dapat wala kang nararamdaman na ganyan!" Tatawa-tawang sabi nito sa kanya. Napaisip naman siya.


When Zara said that he doesn't own her, nainis siya. Kaya naman ganoon na lang ang pagfofocus niya sa meeting kinabukasan na nakalimutan na niya halos ang dalaga. Idagdag mo pa na halos makapatay siya nang makita itong may kalampungan na iba sa bar. At dahil sa tabas ng dila niya, hindi na niya alam ang mga sinabi niya dito.


"I don't like her." He just simply said na sinundan muli ng malutong na pag-tawa ni Tyrone. Umiling na lang siya at ipinag-walang bahala ang mga iniisip niya. Zara is just a normal girl - ang kawawang babae na magiging isa sa mga maninipulahin niya. "I have plans and while I need her, I want no one to own her. Or go near her. I'll surely kill the guy." Mariin niyang sabi na sinundan ng pag buntong hininga ng kaibigan.


"Still the same fucker." Muli nanamang nahagip ng paningin niya ang dalagang tahimik na pinaglalaruan ang kamay niya. "Not everything will go as what your plans are, dude, I'm talking from my experience." Huminga na lang siya ng malalim at minura ang kaibigan hudyat na ibababa na niya ang tawag. Lumingon siya kay Zara.


"Tapos na ba? Doon ba talaga tayo matutulog?" The girl pouted. Ngumisi siya at inakbayan ito. He lazily picked their bags and opened the door once again. Napakagat naman ng labi si Zara sa nakita niya. Kalat-kalat ang mga lalaki.


"Hey." Bati ng isa sa kanila. Ngumiti lang ng tipid si Zara dito. Halos lahat sila ay nakapalibot na nakahiga sa pinagdikit dikit nilang kama. Naglalaro sila ng mga braha at umiinom pa ang iba.


"Gusto ko na maligo." Nakalabi niyang sabi kay Van. Meron kasi siya ngayon - hindi siya komportable. Tumango si Van sa kanya at lumapit sa kamang nasa pinakadulo. Kumuha siya ng towel at ibinigay iyon sa dalaga. Agad naman siyang pumasok sa CR. Hindi talaga siya komportable! Kung bakit ba naman kasi sumakto sa bakasyon nila ang monthly period niya!


Pagkatapos niyang maligo ay saka niya lang naisip na hindi pala siya nakapagdala ng damit! Hindi naman siya pwedeng lumabas ng naka-towel lang! Binuksan niya ang pintuan at sumilip. Agad naman siyang nakita ni Van kung kaya't nilapitan siya nito.


"Diyan ka na mag bihis." Tumango siya at nang matapos ay lumabas na din.


"Aba! Bagong paligo ata itong chikababes natin, ah?" Tumaas ang kilay niya at tinignan sila mula ulo hanggang paa. Balak niya sanang pintasan kaya lang wala naman siyang mahanap. Napairap siya at lumapit kay Van na nakatingin nanaman ulit sa cellphone nito.


"Come with me. I have my pictorial today." Agad kumalabog ang dibdib ni Zara. She has copies of every magazines na ang cover ay si Van o kung may article na tungkol sa binata. At ngayon, with her own eyes makikita na niya ito ng harap-harapan!

* *

"Sir, sorry po talaga! We tried calling her pero ang sabi kagigising pa lang daw po niya dahil inumaga sila sa photoshoot kahapon." I shook my head in disbelief when I heard what the staff said. Sino ba iyong model na iyon? Masyado naman siyang pabida! That's what I hate the most. Nakaready na si Van at ang mga equipments, siya na lang ang kulang! Napatingin ako kay Van na parang inis na inis na sa nangyayari.


Pure SeductionWhere stories live. Discover now