Chapter 14

6.3K 125 3
                                    

Analyze. Read between the lines. Comment niyo po mga hula niyo. Thanks!

* *

Chapter 14

It has been a month. Yes, a month since Van proposed to me. Well, we proposed to each other. Mas okay sa aking gamitin iyon. His problem with Allison is now solved. Nakasama nila ako sa parteng iyon. I saw how Lance - Allison's fiancee now, fight for what has remained in their love. Same goes to Allison nang muntik ng umalis si Lance. Their love story was a very touching one for me. Hindi ko man iyon nasubaybayan noong una, nakita ko naman kung paano nila naibalik ang natitirang mga sana.


"Zara, are you listening to me?" Napatingin ako kay ate Pam. Masama ang loob niya sa pagkawala ng anak niya pero hindi naman niya isinisi sa akin iyon. "I told you that you should come home na. Mom's worried for you. Nakausap ko na din si Papa at pumayag na siyang pabalikin ka sa bahay at sa office. Ikaw na lang ang hinihintay!" Napangiti ako. Of course, papayagan na nila ako dahil nakiusap na si ate Pam.


"Ate, I can't." Huminga siya ng malalim. Kanina pa siya panaka-nakang tumitingin sa singsing ko. I haven't even told my family about my plans. Ngayon pa lang, sa kanya. "Ate, magpapakasal na po ako."


Halos mapabuga na siya nang iniinom niya sa akin sa sobrang pagkagulat. Nahigit ko ang hininga ko. I've been practicing my line since she asked me to meet her. Ngunit parang nakalimutan ko pa ata iyon ngayon!


"A-ano?! K-kanino?! T-teka lang, Zara! Hindi ka ba nabibigla sa desisyon mo?" Nanlalaki pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Umiling-iling ako sa kanya at napangiti. Ilang beses kong pinagisipan ang naging desisyon ko, at kahit anong pakikipagtalo ko sa sarili ko, hindi pa rin nababago ang gusto kong pakasalan siya.


"Gusto ko siya." Napakagat pa ako ng labi ko at pinakatitigan ang singsing na ibinigay niya lang pagkabalik namin ng Manila galing sa Cebu. "He's my fresh air, ate. Sa polluted kong mundo, sa kanya ako tumatakbo para makahinga ng maayos. Pagod na akong makihati ng atensyon! Siya, ate, siya ang nagbibigay sa akin ng buong pagmamahal at atensyong ipinagkait sa akin nila Mama. I love him, and I will marry him."


Ate Pamela seems to disagree with my decision. Pinilit pa niya itong baguhin lalo na nang malaman niyang si Van ang pakakasalan ko - kilala niya daw kasi ito. In the end, hindi niya nabago ang desisyon ko pero napapunta naman niya ako sa bahay. I texted Van first to tell him na pupunta kami sa bahay. Sumakay kami sa kotse ni ate.


"Sa kanya ka na din tumutuloy? I called Paulo, hindi ka daw pumayag sa offer niya." Tinanguan ko siya. Napansin ko naman ang wallet niyang may picture niya noong bata pa siya.


"Ate, ang cute mo nung bata ka!" She laughed at kinuha ang picture na iyon. Buhat siya ni Mama doon at nakatitig naman si Papa sa kanila. My heart melts at their picture. Kung sana ay mayroon lang din akong litrato noong bata ako. Ipinalig ko ang ulo ko. I shouldn't be thinking of bad thoughts now, kailangan kong maging handa sa pagkikita namin nila Papa.


Mabilis kaming nakarating sa bahay. Noong una ay akala ko wala pa sila, pero sino bang niloloko ko? Kasama ko ang paborito nilang anak at malamang sa malamang naghanda ang mga iyon - para kay ate.


"Ma'am, kanina pa po kayo hinihintay ng Papa at Mama ninyo," magalang na sabi ni Manang kay ate. Nginitian siya nito at hinawakan na ang kamay ko para makapasok kaagad kami. Gustuhin ko mang umalis, hindi ko naman magawa.


"Wag kang mag-alala. I'm sure miss ka na din non! Nahihiya lang mag-sabi." She chuckled. Binuksan niya ang two-door style namin at nang mamataan kami nila Papa, agad lumaki ang ngiti nila.


"Ma, Pa! Dinala ko na si Zara!" Papa hugged ate while Mama hugged me and vice versa. Umupo kami sa sala when my phone beeped na sinundan naman ng malisyosong tingin ni ate. Muntik na nga akong mapahalakhak. Hindi na ako high school, my god! Tahimik kong kinuha ang phone ko.


Van

I'm in a meeting, hon, sorry late reply. Anyway, will you be okay? Do you want me to come with you?


"Zara, babalik ka na ba dito? Okay na naman kanila Papa eh, diba, pa?" Binalingan ko sila ng tingin at mabilis na nagtype.


I'm okay. I'll text you later when I got home.


"Ah, Pa, Ma. May s-sasabihin po sana ako sa inyo." I quickly glanced at my ring then ate. Hindi pa din siya sang-ayon at ngayon ay sumisenyas siya na wag kong ituloy ang balak ko. Hindi ko siya pinansin at huminga ng malalim. "Mag... magpapakasal na po ako!" My parents eyes widen and their mouth has parted.


"N-naku, Zara Ysabel! Hahaha, ano ba kayo! G-ganyan talaga yan si Zara diba po? Nagbibiro lang iyan." Tinignan ako ni ate na parang nagmamakaawang umoo na lang ako at makisakay.


"H-hindi ate, seryoso ako." Nilingon ko sila Papa na ngayon ay gulat pa din. "M-magpapakasal na po ako sa isang De Vara. S-sorry po, ngayon ko lang--" Hindi ko na nagawang tapusin ang sinabi ko sa lakas ng pagpalo ni Papa sa mesang nasa harapan namin. Masamang-masama ang titig niya sa akin at parang biglang naparalisa ang buong katawan ko.


"P-papa, m-mahal ko po siya." Lumapit siya sa akin at hinigit ang braso ko patayo. Nanlabo ang mga mata ko sa takot at galit. A-ano bang problema! Nasa tamang edad na ako! Alam ko namang masyadong mabilis, ni wala nga silang kilalang boy friend ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito si Papa!


"Hindi ka magpapakasal sa De Vara'ng iyon! Ano bang pumasok sa kukote mo at umalis ka lang dito, naisip mo ng magpakasal?!" Tumayo sila Mama para pigilan si Papa pero hindi ito natinag. "Kilala ko ang pamilya nila, Zara! Tigilan mo ako at hiwalayan mo ang lalaking iyon!" Padabog niyang ibinagsak ang braso ko.


Kumawala ang mga hikbi ko habang tinitignan ang braso kong namumula dahil sa bakat ng kamay niya. Mama calmed Papa pero naitulak lang siya nito at padabog na umakyat sa taas. Tinulungan ni ate si Mama at mabilis nila akong pinuntahan.


"M-ma, a-anong nangyari kay Papa?" Mas lumakas ang hikbi ko. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ganoon na lang katindi ang pag layo ng loob niya sa akin? Bakit ayaw niyang magpakasal ako kay Van? Sa isang De Vara? Nalilito ako! Naguguluhan ako!


Umiwas ng tingin si Mama at tinignan ako na parang awang-awa. "H-hindi ko alam, hindi ko na alam." Nilapitan kami ng isa sa mga maids at binigyan ako ng yelo pero tinanggihan ko iyon. Para saan pa ang yelo kung ramdam ko pa din ang galit sa akin ni Papa? Bata pa lang ako, malayo na ang loob niya sa akin. Pareho sila ni Mama pero kahit papaano, ramdam ko naman ang katiting na pagmamahal ni Mama.


Lumayo si ate at kinuha ang phone ko para tawagan si Van. I told her that he's in a meeting pero pinanlakihan niya lang ako ng mata. Inaasikaso ako ng mga maids habang umakyat naman si Mama para kausapin si Papa. My mind's flowing. Pilit kong iniisip ang dahilan ni Papa at kung bakit noon pa man, ramdam ko na na sa amin ni ate Pamela, iba ang pakikitungo niya sa akin.


"Zara!" Patakbong lumapit sa akin si Van at hindi na pinansin si Ate. Hinaplos niya ang braso at mukha ko. "Shit! What happened? Guso mo bang tumawag tayo ng Doktor? Fuck! Tell something, hon!" I bit my lip to stop myself from sobbing but I failed. Muling bumuhos ang mga luha ko at walang nagawa si Van kungdi yakapin ako.


"Sinabi niya kasi na magpapakasal na kayo kanila Papa. Nagalit si Papa eh, kaya ayan." Mahinahong sabi ni ate. Hinaplos niya ang buhok ko at nginitian ako.


"Zara, aalis lang ako ha? Andiyan na si hubby sa labas. Nag-aalala na kasi siya. Tatawagan kita bukas, hmm?" She kissed me on my forehead at umalis na. Hindi pa din natitigil ang pag-hikbi ko pero tumigil na ang pagtulo ng luha ko. Van planted butterfly kisses in my face.


"If I knew that this will happen, hindi sana kita pinayagang mag-absent muna ngayon." Niyakag niya ako at lumabas na kami ng bahay. Before entering his car, I saw him took a glance in our house. "I promise you I'll look for answers, hon. I promise."


I bit my lip as I glance at Papa's mirror. Masamang-masama pa din ang titig niya ngunit hindi sa akin - kungdi kay Van.

Pure SeductionWhere stories live. Discover now