"Huh, marunong ba siyang matakot? Mukhang hindi naman..." Patuloy siyang lumapit sa amin hanggang sa mabunggo namin ang hood ng aking Black Mustang. Pareho kaming napahinto ni Jazzy. Inilabas ni Kuya Lee ang susi sa kanyang bulsa at pinakalansing ito sa ere.


"Give me my keys..." Sinunggaban ko kaagad ang susi ngunit mas mabilis si Kuya Lee.


"Ooooppppssss, not so fast lady. Remember , you did something wrong to me. Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo." Napakunot ng noo si Jazzy. Kapag hindi itinikom ni Kuya Lee ang bibig niya, mabubuking ako. Nakakainis talaga! "Siguro naman, alam mo kung ano ang dapat gawin kung may nagawa kang kasalanan" Bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Napatitig ako sa labi niya, sa mata niya...Putik! Susme, bakit dumadagundong ang puso ko?


"Mag-sorry ka na, Dan..." Napayuko lang ako.


"Eeh, akina ang susi ko..."


"Nah!.... " Nang-aasar pa talaga...Hinawakan na ni Jazzy ang bag ko. Alam niya ang ugali ko kaya niyaya na niya ako sa loob ng mansion. "Halika na nga kung ayaw mo talaga! " .Walang mangyayari sa amin sa garahe. Tumagaktak lang ang pawis ko. Hopeless, hindi ko makukuha ang susi ko.



Ginagamitan niya ako ng kanyang dirty tactics. Mukhang mahihirapan akong makipagsabayan sa kanya. Mautak siya kaysa sa akin. Nakita ko kung paano siya magbanta.


Ang tingin na iyon ay may kasamang pagbabanta na hindi niya ako tatantanan.


Sa loob ng kuwarto ni Jazzy...



"Jazzy, tulungan mo akong kunin ang susi ko..."


"Mag-sorry ka na lang kay Kuya."


"Alam mo namang hindi ko ugaling mag-sorry di ba?"


"Yeah, I know you. Ikaw nga 'yong tipo ng tao na hindi nagsosorry. Seldom mong gawin 'yan pero dapat matutunan mo na rin 'yan"


"Ano?" Makahulugan ang tingin ko kay Jazzy.


"Anong ano?"


"Kunin natin mamayang gabi... Di ba sa tapat lang ang kuwarto niya?" Biglang nagulat si Jazzy. Hay, nadulas ako.


"Wait, how did you know na..." Napapikit ako. Secret dapat iyon. "OMG! Danica, don't tell me..." Inilapit niyang mabuti ang kanyang mukha sa akin. Sinisiyasat kung may makikitang impormasyon upang mabisto ako. "Where were you the night of my birthday?" Halos ingudngod niya ang kanyang mukha sa mukha ko...


"Jazzy, ano ba ito? Interrogation? Detective ka ba or something?"


"Did you accidentally break into my brother's room ?" Nag-peace sign ako sa kanya.


"Jazzy, peace tayo... Hindi ko sinasadya..."


"Iyan pa ang isa sa pinuproblema ko..."


"Bakit?"


"Baka i-black mail ako ng kuya mo. Tapos sinabi mo pa nag dati ko siyang crush... Di ba secret lang natin iyon?"


"Hindi ko na tanda na , secret lang pala iyon? E di mas okay nga iyon eh. Dalaga ka, binata si Kuya."


"Ay ano kaya 'yon? "


"Di ba sabi mo naman, pogi si Kuya. Pogi si Mr. Security Guard..."


"Noon 'yon noong hindi ko pa alam na Kuya mo siya.Not this time..."


"Hay, bahala ka sa susi mo. Tutulog na ako."



Sabay kaming humiga ni Jazzy. Tinitigan niya ako habang nakahiga. Pakiramdam ko talaga, pinagkakatuwaan nilang kami ng kanyang kuya. Lalo naman akong problemado


POLICE STORYWhere stories live. Discover now