sabi nung kasama nya na tawa ng tawa.. natawa tuloy ako!
bwahahaha lintek
"oh?! pano?! asan?! pabasa nga?!" tuwang tuwa rin ako..xD
"wala" sabi naman ni Harold
"nandun sa locker nya! tignan mo!" sagot nung barkada nya tas
binuksan ko agad yung locker ni Harold pero bigla nyang hinila
yung dalawa kong kamay >.<
nagkatinginan kami, seryoso ang mukha nya
"pagsinabe kong hwag, hwag" sabi nya.. napangiti tuloy ako..xD
"ano ka ba! gumaganyan ka pa e para namang wala akong alam sa
buhay mo, bubuksan ko na!" sagot ko at inilayo ko sa kanya ang
kamay ko at bubuksan na dapat yung locker pero sinara bigla yon
ng malakas ni Harold at kinuha nanaman ang kamay ko saka ako
inakbayan para ilayo sa locker at tuluyan na ngang lumayo dahil
hinila na nya ko -___-
"tol hatid ko lang to sa room" sigaw ni Harold habang naglalakad
kami papalayo >.<
"ano bang kinakatakot kong mabasa sa letter na yon?!" inis na
inis kong tanong sa kanya.. di parin bumibitaw ang loko -_-
"basta! ayoko" sagot nya sakin -__-
"sira ka ba?! e alam na alam ko naman mga love letter na ganyan
e,, syempre di mawawala yun I LOVE YOU nyenyenye, tapos meron
pang HWAG ka sana magagalit ha? ganyan ganyan ganyan kase..."
sagot ko sa kanya na ngumunguso pa..xD
"tigilan mo nga ako... bakit ba nagpunta ka pa dun?" tanong nya
sakin
"di naman talaga ako pupunta sayo e, daanan nga sabi ako dun
dahil yung room ko dito daan" sagot ko sa kanya
"basta" sagot nya naman
"anong basta?" natatawa kong sabi pero napansin ko sa mukha nya
na parang natungenge sya.. napatingin tuloy ako sa daraanan namin
at nakita ko si.... O____O
"Oh my..."
si Tiara... naglalalakad ng may kaholding hands O___O napabitaw
tuloy si Harol sa pagkakaakbay sakin... talagang hindi nya maalis
yung tingin dun sa dalawa..
GRABE!! nakakainit ng ulo!!! ang kapal ng mukha nya?! yung
lalakeng pinapangarap ko ginagago lang nya?!!!
naglakad ako ng mabilis at paglapit ko kay Tiara ay nakuha pa nya
manlaki ng mata sa gulat pero nasampal ko agad sya ng malakas
*PLAK!*
halos mapihit ang ulo nya sa sampal ko... tumakbo naman agad si
Harold palapit tapos hinawakan ako sa dalawang braso at hinila
papalayo.. tumayo sya sa harapan ko...
"Ano bang problema nyo?!" sigaw nung lalakeng kasama ni Tiara...
paglingon ni Tiara ay isa pang panlalaki ng mata ng nakita nya si
Harold
"H-Harold" tanging nasabi nalang ni Tiara sa sobrang pagkabigla pero nag'smirk lang si Harold at hinawakan ako sa kamay
"Tara Lydia" aya nya sakin sa normal na tono lang ng boses pero bumitaw ako >.< napatingin naman sya sakin
"yun lang yon? wala ka ng ibang sasabihin sa kanya?!" tanong ko pa sa kanya.. bakas pa sa boses ko yung galit.. pero si Harold nag'smirk nanaman >.<
"sus... ano naman gagawin ko e kung sadyang wala naman akong pakialam jan.. tara may klase ka pa kung ano ano inaatupag mo" muling hinawakan ni Harold yung kamay ko at humakbang na kami
"ano?!" sigaw ni Tiara tapos hinabol bigla kami at hinawakan si Harold sa kabilang braso para pigilan
"anong ibig mong sabihin don sa sinabi mo?! na pinagtripan mo lang ako?!" galit na tanong ni Tiara, pero hindi sumagot si Harold, nihindi nga nagbago ang facial expression nya O__O
bumitaw na si Tiara sa braso ni Harold at tumingin ng masama
"Ok lang! mas walang kwenta ka naman" pamukha pa ni Tiara kay Harold >.< hinawi ko nga si Harold at humarap kay Tiara
"shut up old fag! wala ngang pakialam sayo tao hinaharang mo pa!" pang-iinis ko sa kanya tapos hinila nanaman ako ni Harold papalayo
"Taraaa naaaa" aya naman ni Harold at iniwan na namin dun yung bitch na Tiara na yun!
Kinagabihan tambay nanaman kaming dalawa sa play ground.. kaming dalawa lang nandito, nakaupo ulit kami sa swing at umiinom ng coke in can..xD
"Harold OK ka lang?" tanong ko sa kanya.. tahimik kase sya e
"ok lang... bakit?" tanong din nya
"wala ka ba talagang pakialam kay Tiara?" tanong ko, nagsmirk lang sya
"deee... di naman sa ganun...meron naman kaso... kanina talagang nawala" sagot nya sakin habang nakatingin sa can na hawak nya
"talaga? dahil ba sa niloko ka nya?" tanong ko pa
"siguro.. ewan ko rin... di naman kase sya ganun kahalaga sakin e..." sagot pa nya
tumingin sya sakin kaya napatingin din ako
"kaya ikaw.. hwag ka basta basta magboboyfriend... kita mong kahit babae mangloloko na" nangaral nanaman..xD
"oo namaaan..." sagot ko nalang..xD nanahimik nanaman kami tas uminom ako pero habang umiinom ako bigla nyang sinabing
"pero nasaktan talaga ako"
"PPUSSSSH!!!" >.< nabuga ko yung coke!! lintek!!! =______=
"seryoso ka?!" di ako makapaniwala -____- natawa naman sya nung nabuga ako.. gag* talaga -_-
"ahahahaha sira joke lang.. naapakan lang ego ko pero ayos lang.. anjan ka naman" sagot nya sakin.. kinilig tuloy ako..xD napatingin sa kabila sabay ngiti e..xD
"anjan rin naman yung nagpadala sayo ng letter ah!" sabi ko pa..xD napatingin tuloy sya sakin
"umaasa ka dun?" tanong nya
"bakit?! ano ka ba! yun nalang girlfriendin mo (tawa) mabaet naman siguro yun, maganda, tapos talagang bagay na bagay sayo" feeling ko kumikinang pa mata ko habang sinasabi ko yun
"parang kilala mo ah? di mo nga nakikita pa e nagsasalita k na agad jan" biro nya sakin
"per Harold seryoso.. kung makikilala mo ba yung nagsulat sayo? gegirlfriendin mo?" sumeryoso ang mukha ko..xD
napatingin lang sya
"di ko alam"
-_________-
----------------------------
To Be Continue...
Chapter 18:
Start from the beginning
