TKSAI 48 - Badly

645 31 4
                                    


**

Masaya akong nakabalik sa Pilipinas. Hindi sa akin sumama si Luhan dahil lilipad siya patungo sa Korea. Nakakalungkot kasi namimiss ko kaagad siya. Marami ang nangyari sa China sa loob ng isang linggo. I was so happy.

"Ma!" Sigaw ko nang makapasok ako sa bahay.

Imbes na si mama ang makita ko. Nakita ko si Lacy na pababa ng hagdan. Sinugod niya ako ng yakap. "Annika! I missed you!"

"Buhay ka pa pala?" Sabi ko nang humiwalay siya sa akin.

"Mabait ba ang parents ni Luhan? Grabe! Ang layo na talaga ng narating mo!" Ani Lacy at niyakap ako ng mabilis.

Inilagay ko muna yung maleta ko sa isang tabi at naupo sa sofa. I'm tired.

"Oo." Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa China. Except dun sa pananakit sa akin ng chinese fans.

"What? Really?" Gulat na sabi niya.

Tumango ako. "Yes."

"Grabe! Ang lucky mo talaga!"

Ngumuso ako. "Lucky fan." Sabi ko.

Lumabas si mama mula sa kusina. May dala siyang cake at juice. Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap.

"Happy?" Nakangiting tumango ako. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Maiwan ko muna kayo dito ni Lacy ha? Mag-grocery lang ako."

"Opo. Ingat po kayo."

Nag-kuwentuhan kami ni Lacy ng mga nangyari sa kanya habang wala siya. Nag-selfie kami dahil na-miss namin ang isa't-isa.

"Nagkaroon ako ng boyfriend doon pero nakipag-break din ako kaagad." Sabi niya.

"Bakit?"

"Hindi pa ako ready. Gusto ko muna mag-trabaho."

Humagalpak ako ng tawa. "Pumasok pa pala yan sa utak mo?"

Umirap siya. "Oo naman!"

Kinabukasan, maaga akong nagising. Niyaya ako ni Lacy sa mall dahil may bibilhin daw siya. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring yun. Pinatay ko yung tv.

Napangiti ako nang pangalan ni Luhan ang nakita ko.

"Hello?"

"Hi, baby..." malambing na sabi niya.

Mariin akong napapikit. Kinikilig ako! "H-hi."

"I miss you. I miss your voice. I miss your face. I badly want to kiss you right now, Annika."

Nakagat ko ang labi ko. Nababaliw na yata ako. Ako din, Luhan! Gustong-gusto ko na kung alam mo lang!

"I miss you too."

"Don't you want to kiss me?"

Bakit ang manyak ng boyfriend ko?

"Of course, I do!"

Tumawa siya. "Damn, I miss you so much. Can't wait to see you."

"When will you get back?"

"Secret..."

"Seriously?" Nag-taas ako ng kilay.

"Soon, baby. I don't want to miss you like this. It's making me crazy. I hope you feel the same way too."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Luhan. I feel the same way. I miss you so much. If I could fly, I would go wherever in the world you are right now."

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now