TKSAI 43 - God Gave Me You

621 37 3
                                    

~*~

Napalunok ako habang nakatitig kay Luhan. Bakit parang lalo siyang guma-gwapo? Ang simple ng suot niya pero ang lakas ng dating. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maglakad siya palapit sa akin. Parang nag-slow motion lahat, sumabay pa yung tugtog ng violin. Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa. I am so happy na nagpakita na uli siya sa akin, despite of his busy schedules.

Nang makalapit siya sa akin, bigla na lang niya akong niyakap ng sobrang higpit. He never fails to surprise me. Sumusulpot na lang siya palagi.

"Hi." Nakangiting bati niya nang maghiwalay kami. Inayos niya yung ilang strands ng buhok ko na nasa mukha ko. "Messy hair, don't care?"

Tumikhim ako saka bumuntong-hininga. "I-I thought I was being kidnapped."

Natawa siya. "Of course not. I told them to bring you here."

Napakunot-noo ako. Nang maalala ko kung paano ako bitbitin ng mga bodyguards niya ay hinampas ko siya. "Are you out of your mind?! Do you know how scared I am?!"

Naging seryoso ang mukha niya. "Did they scare you?"

Napanguso ako. "Yes. I thought they were kidnappers." Inirapan ko siya. "How could you do that?"

"I just wanted to surprise you..." Napatungo siya.

Nataranta naman ako nang makita ko ang lungkot sa mukha niya. "U-uhmm, yes. I'm surprised." Iniangat ko ang mukha niya. I smiled. Grabe! Ang cute ni Luhan!! Sobrang na-miss ko siya kahit isang lingo ko lang siyang hindi nakita. Yung tatlong taon nga, sobrang nahirapan ako. Yung isang lingo pa kaya? Ang pinagkaiba lang, hindi ko pa siya boyfriend nung naghintay ako ng tatlong taon sa kanya. Pero, he's really worth the wait. Kahit na ako ang patay na patay sa kanya.

"But you're mad..." Parang nahihiyang sabi niya.

I shook my head. "No. I was just scared." I smiled. "I missed you." Sabi ko kahit medyo nahihiya pa ako sa kanya.

Napangiti na din siya. Niyakap na naman niya ako. "God knows how much I missed you, Annika..." I hugged him back. "Do you like it?"

Humiwalay ako sa kanya. "What?"

"Do you like this?" Ang tinutukoy niya ay yung itsura ng reception hall. "I made this..."

Napatingin ako sa kanya. "Really?!"

"Yes. I've been here since yesterday. This is really my plan, to surprise you."

"You were at the mall?" He shook his head, smiling. "How did you know I was there?"

"Lacy and your mom." Ngumiti siya.

Mga traydor!! Ngumiti na lang din ako. "You're really good at surprises, Luhan.." Nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi. Nag-init ang buong mukha mo. "Luhan!!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "You're blushing!"

"Because you kissed me!"

"Because I missed you!" Nakangiting sabi niya sa akin. "Let's go."

"Wait. Where? How about the gifts?" Tinutukoy ko yung teddy bear at yung bulaklak.

"Don't worry about it. I will tell them to bring it to your house, okay?" She pinched my cheek. "I missed your cuteness, princess."

Napatungo ako kasi pakiramdam ko, sasabog yung mukha ko sa kapulahan. He never fails to give me chills. He's always like this. Sobrang nasasanay na ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nasa resort kami kung saan kami pumunta noon. Nakahawak siya sa kamay ko habang naglalakad kami. Napatingin ako sa kanya. I really missed him. Naiintindihan ko naman ang trabaho niya kasi fan pa din ako. Yun ang hindi magbabago kahit girlfriend na niya ako. No matter how hard the situation is, iintindihin ko siya kasi ito yung pinasok ko at ginusto ko ito. Isang k-pop star ang boyfriend ko. Hindi mawawalan ng issues at bashers. Isa lang ang kaya kong gawin, ang maging matatag at ang pagtitiwala ko kay Luhan. Imposibleng hindi ako masasaktan. Kakayanin ko yun para sa kanya.

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now