TKSAI 13 Day4Part2

3.6K 56 4
                                    

 

"WHERE are we going?" Tanong sa akin ni Luhan. Pinag-suot ko siya ng jacket, cup at shades. Para hindi siya makilala ng mga tao. 

Sobrang sikat ng EXO dito sa lugar namin. Baka mamaya, may makakilala sa kanya at bigla na lang siyang dumugin ng babae katulad na lang nung nangyari sa mall at nung time na nakain kami ng balot. 

"Park." Sagot ko sa kanya nang nakangiti. 

"Where is that place?" Tanong pa din niya. Nag-iingay na naman siya! Kanina pa kasi niya gustong lumabas sa bahay, eh. Guess what?! Naubos niya yung cookies na ginawa ko. Kumakain siya habang nanunuod siya ng sponge bob. Kanina nga, nagulat pa siya nang pagkalipat niya, myx channel ang lumabas at saktong Growl pa ang naka-play. 

"Basta!" 

Nang makadating kami sa park. Napatingin ako kay Luhan. Nililibot niya kasi ang mga mata niya sa paligid. Oo, madami pa ang tao dito kapag 6-7pm. 6:30pm pa lang naman kasi, eh. 

"Wow, this place is great." Sabi ni Luhan. Pinigilan ko siya nang balak niyang maglakad. "Why?" 

"Doon tayo," sabi ko at itinuro ko sa kanya yung swing. 

"A swing?" Hinawakan ko ang braso niya saka ako tumango. Hinigit ko siya at tumakbo kami patungo sa swing. 

Naupo si Luhan dun. Ako naman, nakatayo lang ako. Tinulak-tulak ko si Luhan para lumakas yung pag-uga ng swing niya. 

"H-hey, Ann!" Sigaw niya. Sobrang lakas na kasi ng pagtulak ko sa kanya. Itinigil ko ang pagtulak ko sa kanya at tumawa na lang ako ng tumawa. Ang cute niya kasi! Para siyang bata na nagwawala kasi nga daw malakas yung pagtulak ko sa kanya. 

Nagulat ako nang biglang may pumisil na lang sa pisngi ko. Eh? Bakit hindi ko namalayan na kanina pa pala tumigil yung swing? Tumawa na lang uli ako. 

"Lulu, you should've seen your face. You're so cute!" 

"Stop laughing, Ann. Or else, hahabulin kita." Banta niya sa akin.

Eh ano naman? Masaya pa nga yun. Kaya, tumawa pa din ako ng tumawa. Tumakbo na ako para habulin ako ni Luhan. Hindi naman ako nagkamali dahil nang lumingon ako, nakita kong natakbo din si Luhan sa likod ko. 

"Ann!" Sigaw niya sa likod ko. 

Tawang-tawa lang ako. Hindi ako lumingon sa kanya. 

"Who is that guy? I think I know him. His face is so familiar," 

Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ko yun. Shit. Napatingin ako sa limang babaeng nag-uusap. Nanlaki ang mata ko nang makita ko sila. Talagang makikilala nila si Luhan. Sila yung limang babae nag-uusap nun sa may building namin! Tapos, nandito pa yung babae na ang bias din ay si Luhan ko. 

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now