TKSAI 12 Day 4

3.9K 59 3
                                    

 

*

"JUST EAT IT! Promise! Its delicious!" Pagpilit ko kay Luhan na kainin yung isda na ni-prito ko. Ayaw niya kasing kainin, e. Kanina ko pa siya pinipilit na isubo pero ayaw pa din. Nakain kami dito sa kubo. 

"No. I won't eat that." Panay pa din ang iling niya. 

"Why? Masarap naman kasi to." 

Umiling pa din siya. Napairap na lang ako at padabog na inilapag ko yung tinidor sa pinggan. Ngalay na kasi ako pero ayaw pa din naman niya isubo. Eh di 'wag na lang. Ako na lang ang kumain ng kumain. 

"Look!" 

Napatigil ako sa pagkain nang biglang iharap sa akin ni Luhan yung camera niya. Napa-angat ang kilay ko nang makita ko yung sarili ko habang namamapak ako ng Tilapia. Napangiti na lang ako nang makita ko yun. 

"Just try this!" Itinapat ko sa bibig niya yung tinidor na may tilapia. "Please?" Nag-puppy eyes ako sa kanya. Medyo nailang ako nang tumitig siya sa mukha ko bago dun sa tinidor. Ngumanga siya kaya sinubo ko na sa kanya yung Tilapia. "Masarap 'di ba?" Ngumiti ako sa kanya. 

Habang nanguya siya, napatango siya. "Yes, what's that again?" He pointed at the fish. 

"Tilapia." 

Nang matapos kaming kumain. Lumabas kami sa kubo at pumunta kami sa beach. Balak kong magswimming talaga. Naka-short ako ng sobra iksi at naka-sando lang ako. Naglaro muna ako sa tubig.

"Lamig!" 

"Ann! Look! You're so pretty here!" 

Tumakbo ako palapit kay Luhan. Nag-tiptoe ako at sinilip ko yung picture ko. Napangiti ako nang makita ko yun. Tumatakbo ako palapit sa dagat. Yung buhok ko parang nagkalat sa ere. 

"Bakit lagi mo akong kinukuhaan ng picture?" Tanong ko sa kanya. 

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Kinikilig ako enebeyen! Puro pictures ko na yata ang laman ng camera niya, e. Nagkibit-balikat na lang ako nang hindi niya sagutin ang tanong ko. 

Naglakad na lang uli ako palapit sa beach. Naupo lang ako dun sa pinaka-mababaw habang nilalaro ko yung paa ko sa tubig. Basa na yung short ko. Napangiti ako. Ang ganda-ganda kasi nung tubig. Asul na asul tapos ang puti-puti pa nung buhangin. I just love the place! Its so perfect! 

Nang lumakas yung alon, napatayo ako. Ngunit bigla akong natumba nang makatapak ako nang matilos na bagay sa tubig. 

"Ouch!" Mariing sabi ko. Tiningnan ko yung paa ko. Napangiwi ako nang makita kong may dugo doon. "Aray ko," 

"Shit. What happened?!" 

Gulat na napatingin ako kay Luhan nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. For the very first time, narinig ko siyang mag-cuss. Ang guwapo niya lalo dun.

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now