CHAPTER 73 FRANCINE: BATTLE GROUND (B-GROUND)

600 8 0
                                    

        Paglapit namin sa entrance ay may mukhang gangster guard na nakabantay. Pumasok na nga kami at maraming nakatingin sa'min. May naririnig din kaming bulongan. Habang papalapit kami sa pwesto namin.

        "uy, ayan ang S.O.P. oh."

        "yan ang S.O.P. Rank 1 sa Frell."

        "nandito na ang Sounds Of Pain."

        "ang sexy nung ibang girls nila. Kinis ng legs at puti."

        "ang hot tignan ng boys nila. Parang mahahalata mong gwapo sila kapag walang maskara."

        Malamang sexy at hot ang members ko. Grupo ko ito eh.

        Pagmamayabang ko sa'king isipan. At napangiti ako don.

        Narating na din namin ang aming pwesto. Nasa pwesto kami ng mga Rank 1 gangsters ng bawat lugar. Ibig sabihin, special spot to o kaya VIP seat. Mas klarong-klaro mo ang laban mula dito. Ang mga lower ranks naman ay sa mga bleachers.

        Mabuti at hindi pa nagsisimula ang laban. May ilang minuto pa. Ten minutes before eight.

        Hindi kami close sa ibang Rank 1 gangs. Kaya kagrupo lang namin ang kausap namin. Lahat naman ng ibang gang ay hindi namin close. May kanya-kanyang pwesto o bleachers ang bawat lugar dito. Nasa VIP seat kami ng Frell territory ngayon. Teritoryo ang tawag namin sa aming assigned place dahil pag may away ay mas madaling matukoy kung ano at saang gang at lugar galing.

        Ang VIP seat namin ay sa pinakababa na bleacher kung saan mas klaro mo yung bawat labanan.

        Sa baba ng bleachers namin ay may banner na nakadikit. Ang pangalan ng lugar namin. Ganon din sa iba.

        Ang katabi namin sa kaliwa ay taga Vrona at sa kanan naman ay Bracken. Malapit ng magsimula ang laban. Maingay na rin ang buong stadium. Paikot ang bleachers namin at sa baba ay may semi stage na paikot din. Fireplace ang tawag namin don dahil doon naglalaban. My host naman eh. Sa stage lang may ilaw na nakasentro. Sa mga bleachers ay dim light lang.

        Ang m.c. ay papunta na sa gitna. Sa fireplace ito magsasalita.

        "okay, tingin ko nandito na lahat. By the way, fire evening, everyone." Pambungad nito na ang pagbati ay parang pang boxing. Sobrang ingay ng buong paligid dahil sa excitement at ganting pagbati.

        Nagsign ang m.c. na humupa na ang ingay. "nandito ang star group a.k.a. THE BLOOD DEMENTORS sa VIP place nila. So this is a vey great honour to have them here and witness the fightings of the lower ranks." magiting na sabi ng m.c.

        Totoo yun. Isa talagang napakalaking honour ang pagpunta ng star group. The Blood Dementors or T.B.D. nalang for short. Dahil sila ang grupong malalakas pa sa mga rank 1 ng bawat lugar. Thirteen ang members nila. Walang nakakaalam kung saang lugar sila nanggaling.Pero ang iniisip ng karamihan ay random ang pinanggalingan nila. May taga Frell daw, Vrona, Bracken, Histin at iba pang lugar. Pero hindi kami sigurado. Hindi na din namin inalam dahil bawal imbestigahan ang kapwa gangster namin.

        "we'll start these directly." Naka mic nga pala ang m.c. Saglit nitong tinignan ang hawak na papel at bumaling uli sa mga audience. "the first fight will be the groups from Zakre, Akuma Clan VS The Rivals!" At umalis na ang m.c. Sa gitna. Pumalit ang dalawang grupong maglalaban. Isa lang ang rule sa labanan. BAWAL PUMATAY. Yun lang.

        Nakapwesto na ang mga grupo sa fireplace. Nasa m.c. Sa ibabang gilid ng fire stage ang spotlight.

        "okay, in three, two, the battle, begins!" Pagkasabi non ang spot light ay nalipat na sa fireplace at nakastunt na ang mga grupo.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon