CHAPTER 52 KEVIN: THAT'S WHY!

584 6 0
                                    

        Talagang nagulat ako sa pagpunta ni Xyren dito at sa mga ikinikilos nito. Akala ko susugurin niya ako dahil sa ginawa ko sa pinsan niya. But instead, parang kalmado lang ito. Baka hindi pa nito alam ang tungkol sa'min ni Francine? Sana nga dahil ayokong sugurin ako ng buong grupo nito. Napakabigat talaga ng kalooban ko dahil sa pananakit ko uli kay Francine. Sumasakit pa rin ang puso ko hanggang ngayon.

        Natapos na ang first period namin at hindi ko pa rin nakikita si Francine. Baka absent ito. Nag-aalala ako sa kanya, kahapon pa. Lalo na ngayon. Baka ano na ang nangyari don. Kahit hindi ko siya malapitan at kinamuhian na niya ako, okay lang. Basta alam kong nasa paligid lang siya at nakikita kong okay lang ang kalagayan nito. Walang nagaganap na masama dito o hindi ito sinugod ng kahit na sino. Okay nga siya sa panlabas pero sa loob alam kong nasaksak ko ang puso niya at gusto kong gamutin yun, lunasan at pagalingin uli. Pero paano kung sa muling paggamot ko sa kanya ay mas marami namang mananakit dito? Mabuti ng sa loob ito nasasaktan ng dahil sa'kin kaysa physical itong saktan ng iba na ako ang may kasalanan dahil sa makasarili kong pagmamahal. Uunahin ko nalang ang kaligtasan niya kaysa ang makasama siya na palaging nasa pinto ni kamatayan ang buhay niya.

        Sana nasa paligid lang siya para masubaybayan ko siya. Pero natapos nalang ang ikalawang subject, wala pa rin siya. Absent nga talaga si Francine. Thirty minutes break na namin ngayon and as usual, si Kyla nakadikit na naman.

        Nasa cafeteria kami ngayon. Hinatak niya lang ako. Wala akong gana kumain dahil sa mood ko. Parang binagsakn ako ng buong mundo.

        "bakit ka matamlay?" Tanong sa'kin ni Kyla na kumakain ng burger. May gana pa itong magtanong ng ganon na alam naman nito ang nangyayari.

        Hindi ko siya pinansin. Nakapulupot lang ang mga kamay ko at sumandal sa upuan na madilim ang mukha.

        "huy, tinatanong kita." Pansin uli nito sa'kin. Inirapan ko lang siya at bumaling sa ibang direksyon. "sige, kung ayaw mo akong kausapin, ang lahat nalang ng estudyante na nandito ang kakausapin ko tungol sa sekreto ni Francine."

        Agad akong napatingin sa kanya. Nakasmirk pa talaga ang halimaw na 'to. Lumapit na ako sa mesa at inilapag ang siko ko doon. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

        Nanlilisik ang mga mata ko. Puno ng galit ko siyang tinitigan. "wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang pagbantaan ako ng pagbantaan para lang mapasunod mo?" Madiin kong sabi sa kanya na kaming dalawa lang ang nakakarinig. "nakakaawa ka. Ginagawa mo ang best mo para mapasunod mo ang isang tao. Si Francine, kahit wala siyang gawin ay sinusunod siya ng lahat. Alam mo kung bakit? Because she's not even trying. She's giving them freedom in a way that she doesn't care about the people around her. She's not invading their privacy, she's not pretending to be nice and she never pretends to be like by someone. She's just minding her own business and doing things her own way. That's why i like her. That's why i love her!" Umayos na rin ako ng upo pagkatapos kong sabihin ang lahat ng yun.

        Inilapag ni Kyla ng marahas ang kinakain nito. "and that's why i don't like her." Mariin din nitong sabi sa'kin. "she got all the attention without even trying and she even got you. She's just all wasting what she got. She never use it and take advantage of it. She got everything but she doesn't care about it all."

        "she's not wasting it. She's just not using it because she doesn't want it to end. She wants it to remain as it is. And she never takes advantage of it because she's not an oppurtunist."

        "and you think of me like that? An oppurtunist?" She asked.

        "yeah." I answered firmly.

        "wag mo kong galitin Andrew. Dahil kahit ano pa ang sabihin at tingin mo sa'kin, hawak ko pa rin ang kaligtasan ni Francine. Hawak pa rin kita."

        Nawalan na ako ng imik don. Nanghina na ako. Hindi ko dapat siya gagalitin dahil baka masabi nito sa lahat ang sekreto ni Francine o kaya ikalat niya ito sa likod ko. Ayokong mangyari yun dahil lang sa nawalan na ako ng pasensya. Ayokong malagay sa panganib ang buhay ni Francine dahil lang sa galit ko sa babaeng to. Dapat ko siyang pakisamahan ng maayos kahit nasusuka na ako sa pagmumukha niya, kahit gaano ko pa siya kinamumuhian.

        "you're right. Pero kahit kailan, hinding-hindi mo makukuha ang loob ko. Hinding-hindi mo mababago na si Francine lang ang mahal ko. Kahit sadista pa siya, kahit kilos lalaki pa siya at kahit kinamumuhian niya ako dahil sa'yo. Siya at siya lang ang mamahalin ko."

        Nakita kong may namumuong luha sa mga mata ni Kyla. Nasaktan siya sa mga nasabi ko. Pinipigilan nito ang pagtulo niyon.

        "okay lang. Kasama naman kita. Masaya na ako don."

        May babae pa palang nagpapakamartyr dahil sa pag-ibig. Pag-ibig nga naman. Ginagawa ang lahat, mapasama man o mapabuti.

        Tapos nagbell na din kaya agad kumilos lahat ng estudyante papunta sa kani-kanilang mga klase. Tumayo na din kami ni Kyla.

        "ihatid mo ko." Utos nito.

        Pumayag na ako dahil baka pagbabantaan na naman ako nito.

        Pagkatapos ko siyang ihatid ay dumiretso na ako sa klase ko.

     * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

        Ang bilis nga naman ng oras. Lunch break na.

        Nakasalubong ko si Alexis. Mukhang wala pa din itong alam sa mga nangyayari dahil hindi niya ako binanatan. Normal lang ang pag trato niya sa'kin. Pinansin niya ako.

        "Andrew, bakit parati mong kasama ang bitch na yun?"

        "Sino? Si Kyla?" Kinakabahang tanong ko. Ayokong malaman nito na nasaktan ko na naman ang kapatid niya.

        She rolled her eyes. "who else?"

        "ah... Nagpapatulong lang siya sa mga subjects niya." Pagsisinungaling ko. Wala akong ibang maisip na palusot eh.

        "nagpapatulong? O lumalandi? Naku, mag-ingat ka sa babaeng yan Andrew dahil nangangagat yan."

        Tama ka. May rabies pa nga.

        "sige, mauna na ako sa cafeteria. See you around." Paalam nito at iniwan na ako.

        Nakakaguilty harapin ang taong malapit sa mahal mo. Matapos mong sabihin na hindi mo na sasaktan ang kapatid nito ay nagawa mo pa rin. Ulit. Medyo nahihirapan akong huminga dahil sa bigat ng loob ko kaya huminga ako ng malalim. Para makarelax ang dibdib ko at para matanggal ang guilt. Tapos bigla na lang din akong tinawag ni Kyla at kumalabit sa'kin.

        "mag-usap tayo." Para atang badmood ito at hinila na niya ako.

        Saan pa nga ba? Eh di doon sa isolated place.

        Nang makarating na kami ay agad niya akong hinarap.

        "hindi mo totoong pinsan si Xyren di ba?!" Galit na sigaw niya sa'kin.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon