CHAPTER 60 FRANCINE: OFFICIALLY ON

650 8 0
                                    

        Agad akong lumayo kay Andrew. "hindi no." Sabi ko.

        Ang lahat naman ay nadismaya. Si Andrew ay napaatras. Pero may nakita akong pilyong ngiti sa mga labi niya.

        "kung ganoon..." Umaatras pa ito. Bigla nitong inakbayan si Shea sabay sabing... "wala kang karapatang magselos ha, kaya wag kang magselos." Nakangisi nitong wika. Ang lahat ay napangisi na rin. Nginitian pa nito si Shea at inilapit ang mukha dito.

        Si Shea naman ay ngumiti din dito. Nag-pupula ang paningin ko, parang sasabog na ang kalooban ko dahil sa halong galit at sakit na naman. Ou. Nagseselos nga ako kahit wala akong karapatan. Kahit mahal ko si Andrew, parang gusto ko itong bugbugin dahil sa ginagawa at gusto ko namang sakalin si Shea kahit na kaibigan ko siya. Sa harap ko pa naman maglandian ang dalawa!

        Nilapitan ko sila at pinaghiwalay. "wag nga kayong maglandian sa harap ko!" Pumagitna ako sa kanila.

        "gawin mo na kasi akong boyfriend mo para may karapatan kang magselos." Nakangisi pa si Andrew.

        "ou na! Sige na! Para may karapatan na akong patayin ka pagnagselos ako." Sabi ko. "gagawin na kitang boyfriend ko para hindi mo na ako sumbatan pa."

        Nakita kong mas lalong nagliwanag ang mukha nito. "talaga? Wala ng bawian yan ha." Hinawakan niya pa magkabilang balikat ko. "Guys witness kayo. Officially on na kami!" Baling nito sa mga tao sa paligid na obvious na obvious ang tuwa. Hinatak na naman niya ako para yakapin. Ang mga kaibigan ko ay nagsipalakpakan na. Napangiti na rin ako. Sumiksik ako sa malapad niyang dibdib. Sobra ang kasiyahan ko. Umaapaw na. Kinilig na rin ako.

        "parang may kulang ata." - Yale(Flash)

        "KISS!" Sigaw ni Shea.

        "kiss, kiss, kiss!" Sigaw ng lahat.

        Pilit akong nilalayo ni Andrew sa katawan niya pero mas kumapit ako. Alam ko kasing talagang hahalikan ako nito pag humarap ako sa kanya. Hindi ako bumitaw sa pagkapit. Mas sumiksik ako sa dibdib niya. Talagang ayokong humarap. Hahalikan niya ako eh. Sa harap pa mismo ng mga kaibigan ko. Nakakahiya kaya yun.

        "Francine, bumitaw ka na." Reklamo ni Andrew.

        "ayoko." Tanggi ko.

        Hinawakan niya siko ko. Ano pa nga ba ang laban ko? Mas malakas nga siya sa'kin. Napaharap na nga ako sa kanya pero yumuko ako. Ayoko siyang tignan. Tuloy pa rin ang panunukso ng mga kaibigan ko. Tatalikod na sana ako para makaiwas na sa gulo. Masunurin kasi yang si Andrew eh, pagdating sa kanila. Pero sa'kin, lampas lang sa kabilang tenga. Pero hinawakan ni Andrew ang pulso ko at hinila ako paharap sa kanya. Ang hindi ko inaasahan ay ang bigla niyang paghalik sa'kin nang napaharap ako sa kanya. Agad niya kasing hinila ang batok ko kaya nasiil niya ako ng halik. Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla. Pero pumikit na rin ako at tinanggap ang labi nito. Namiss ko ata ito ah. Talagang ang tamis at lambot. Humalik na nga ako pabalik dito at ipinulupot ang mga kamay sa batok nito. Mas lumakas ang hiyawan, palakpakan at panunukso ng mga kaibigan ko.

        Kapwa kami naubusan ng hininga kaya kumawala na din kami sa isa't-isa.

        Hindi ko alam na magkakaganito pala ako. Namumula ako dahil sa hiya at kilig ata. Ay, ewan. Basta. Napapangiti ako na hindi ko mapigilan. Niyakap uli ako ni Andrew at niyakap ko na rin siya.

        Hindi ako makapaniwala. Matapos ang pananakit niya sa'kin ay ito ang katumbas. Pakiramdam ko isa atang movie o teleserye ang buhay ko. Pero hindi, totoo ito. Totoong kasama ko ang taong mahal ko at kami na din.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon