CHAPTER 48 KEVIN: CURSED DAY!

611 7 0
                                    

        Ito na ang araw na magsisimulang umikot ang lahat. Nakita ko si Francine na naglalakad sa hallway. Papunta na ito sa first period namin. Gusto kong sumabay sa kanya. Gustong-gusto ko siyang lapitan pero hindi pwede. Malalagay ko lang siya sa panganib.

        "hi Andrew." Nakangiting bati sa'kin ni Kyla.

        Iniwasan ko lang siya at mauuna na sanang maglakad pero pinigilan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kanya.

        "act nicely or else..." She said seriouly.

        Binawi ko ang braso ko. "don't expect so much from me." I said. "we have the same schedules so don't get it wrong. I'm going." Tinalikuran ko na siya.

        Pagpasok ko sa classroom ay pumunta na agad ako sa upuan ko. Nakita ko si Francine na sumubsob sa mesa nito. Napangiti ako don. Natutulog na naman ito.

        "Fra---" gigisingin ko sana siya at hahawakan sa braso pero napatigil ako dahil naalala ko ang kasunduan namin ni Kyla. Muling lumungkot ang mukha ko. Gusto kong yakapin ang katabi ko.

        Kahit wala si Kyla sa paligid ay kailangan ko pa ring layuan si Francine. Baka may mga inutusan si Kyla na subaybayan ang bawat kilos ko. Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala naman siyang tauhan dito pero kailangan ko pa ring mag-ingat.

        "Francine..." Bulong ko na lang sa'king sarili. Sumubsob na lang din ako sa mesa.

        "Andrew." Tawag ni Francine sa'kin. Hindi ko yun pinansin. "Andrew." Niyuyugyog niya ang balikat ko.

        "ano?" Tanong ko na hindi siya binabalingan. Kahit ngayon lang. Gusto ko siyang makausap.

        "nanggagaya ka ba?"

 

        "anong nanggagaya?" Balik tanong ko. Hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakasubsob.

        "na matulog sa mesa."

 

        "bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng matulog sa klase?"

 

        "Andrew kilala kita. Kung hindi ka matutulog may problema ka." Hinahawakan pa rin nito ang braso ko.

        Napangiti ako don. Kilala nga talaga ako ng kababata ko. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang dinadala ko. Ang sitwasyon ko. Ang sitwasyon namin. Basta ang alam ko, masasaktan ko talaga si Francine. Ulit.

        "wala akong problema. Matutulog lang talaga ako." Sabi ko.

        "okay." Sabi nito at hindi na niya ako inisturbo.

        Napapikit ako. Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon