CHAPTER 59 FRANCINE: ALL FOR ME

536 8 0
                                    

        Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Ang gusto ko lang ay puntahan siya at komprontahin. Talagang humanda sa'kin ang lalaking yun. Talagang--- napaiyak na naman ako. Agad kong pinunasan yun. Talagang sinaktan niya ako para lang maprotektahan ako. Nasa labas na ako ng bahay. Kinapa ko ang susi sa bulsa. Nakalimutan ko. Na kay Killian pala yun. Hindi ko alam kung bakit nila kinuha sa'kin. Nagmamadali uli akong pumasok at pinuntahan sila sa pool area.

        Hinihingal pa ako na bumungad sa kanila at nakatingin lahat sa'kin. Natigil ang kanilang mga ginagawa.

        "Killian(Tracker), ang susi." Sabi ko dito na inilahad pa ang kamay. Nakatayo ito sa umbrella table na may hawak na cocktail.

        "bakit Francine?"

        "pupuntahan ko siya."

        "sino? Si Kyla?" Tanong ni Shade(Grim).

        "si Andrew. Akin na bilis." Baling ko kay Killian.

        "mistress." Tawag sa'kin ni Air(Danger). Parang may sinesenyas itong tumingin ako sa likuran pero wala na akong pakialam don.

        "sa sunod na tayo mag-usap. Kailangan ko ng umalis." Bumaling uli ako kay Killian. Hindi pa rin ito kumikilos. Nagagalit na ako. "uy. Akin na!" Untag ko dito.

        "Francine..." Biglang namanhid ang katawan ko. Ang boses na yun. Parang nasa likod ko lang siya. Hindi. Umiling ako. Nag-iimagine lang ako. Miss ko na nga talaga siya.

        "Isi..." Sa ikalawang pagkakataon ay napatigil ako at tila naging tuod. Mukhang hindi ako nababaliw. Napalunok ako. Dahan-dahan akong umikot para harapin ang nasa likod ko. Kung totoo ngang nandito siya.

        Pagharap ko ay siya nga. Agad niya akong niyakap ng napakahigpit. Halos hindi na yata ako makahinga. Napaiyak na naman ako. Dahil sa tuwa. Nakita ko na uli siya at kayakap pa. Yumakap ako pabalik dito at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Namiss ko din ang amoy niya.

        Naisipan ko, may sasabihin pala ako dito. Buti at may balak pa siyang bumitaw sa'kin.

        "walangya ka Andrew! Nakakainis ka!" Pinagpapalo ko pa siya sa dibdib niya. Narinig kong nagtawanan ang nasa paligid namin. "ganyan ka ba talaga kabait?" Napapaiyak na ako.

        "si mistress, nagd-drama. Parang bata." Sambit ni Keenan(Knight).

        "hayaan mo na. Minsan lang eh." Sabad ni Blaze(Pain).

        Hindi ko na sila pinansin. "you're always hurting me Andrew but all of those are for my own sake!" Sabi ko pa sa kanya. "ano? Magpapakamatay ka para sa'kin? Sasaluhin mo lahat ng bala para sa'kin?!" Naiinis ako sa kanya.

        Hinuli niya ang dalawang kamay ko at mas lumapit. Tumitig siya sa'kin. "yes. Gagawin ko. For you. All for you." Mahinahon nitong sabi pero madiin.

        Binawi ko ang mga kamay ko. "at sa tingin mo papayag ako? Hindi! Wag kang ganyan Andrew." Pinunasan niya ang mga luhang tumulo sa mga pisngi ko. "wag kang ganyan dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing nagsasakripisyo ka para sa'kin. Naiisip ko tuloy kung deserving ba talaga ako sa pagmamahal mo. Tingin ko hindi."

        "wag mong sabihin yan!" Napapitlag ako sa pagsigaw ni Andrew. Nagagalit na siya sa'kin. "whether you deserve it or not, i don't care!" Hinawakan niya magkabilang pisngi ko at yumuko para mapantayan ang mga mata ko. Tumingin siya sa'kin ng diretso. "i love you because i love you. That's all." Mahinahon na niyang sabi.

        "ang bait mo talaga, kahit kailan. Ayoko sa mga taong masyadong mabait."

        "hindi ako mabait, Francine. Nagmamahal lang." Hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap. "kaya ko ring maging masama. Lalo na sa mga taong hahadlang sa'tin o magiging kaaway ko sa'yo." Ramdam ko ang kaseryusuhan sa mga sinabi niya.

        Rinig namin ang panunukso ng tropa.

        "uy, official na ba yang relation nyo?" Nakangising tanong ni Shander(Blood Lust).

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon