CHAPTER 40 XYREN(NIGHTMARE): BETWEEN THEM

694 12 0
                                    

        Napailing na lang ako nang hindi ko na nahabol ang pinsan ko. Pumasok uli ako sa loob.

        Nakita kong nakahandusay pa rin sa damuhan si Andrew.

        "anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ni Scratch.

        "ano pa ba? Gamutin mo siya Danger. Patay kayo kay mistress kapag namatay yan." Sabi ko.

        Agad namang tinulungan ng mga kalalakihan si Andrew papunta sa clinic. Ang iba ay sumunod lang. Kaming lahat ang nasa clinic at nakamasid lang sa pag gamot ni Danger sa mga sugat nito. Tapos na itong gamutin si Andrew sa mukha. Nakaupo lang naman si Andrew sa kama.

        "hubarin mo shirt mo Andrew. Ididikit ko ang icebag sa mga pasa mo at lalagyan ng ointment." Sabi ni Danger.

        "ah... Ano kasi..." Napakamot ng ulo si Andrew. Nagdadalawang isip pa ata ito. Baka nahihiya kasi walang abs.

        "huy, hubarin mo na para magamot ka na." Singit ko. Nakatayo lang naman ako malapit sa pintuan na nakasandal sa pader at nakapulupot pa ang mga kamay. Ang dami pang arte ng lalaking to.

        "s-sige na nga." Dahan-dahan na nitong itinaas ang suot. Tinulungan ito ni Danger dahil napansin nitong medyo nahihirapan gumalaw si Andrew dahil sa sakit ng katawan.

        Laglag ang panga ng lahat ng kababaihan sa kwartong ito. Maliban sa'kin. I mean, ako ang hindi halata dahil mabilis akong nakabawi.

        Ang mga lalaki ay nagtitinginan lang sa isa't isa at halatang pigil ang mapatawa nang makita nila ang reaksyon ng mga babaeng kagrupo namin. Napatigil nga din si Danger at napatitig sa abs nito. Si Flash na nagbabasa ay napatingin pero umiwas na din, si Black Rose na busy sa cellphone ay napalingon at si Ranger na nagmumuni-muni sa isang tabi ay napalingon din. Lahat sila titig na titig sa topless body ni Andrew.

        "hoy! Wag nyo siyang pagnasaan. Pagmamay-ari yan ni mistress." Saway ko sa kanila at mukhang nagising naman ang kanilang mga diwa.

        Ang mga lalaki ay pumalatak na ng tawa.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon