CHAPTER 23 FRANCINE: DISCOVERED!

687 14 0
                                    

        Lumapit na ako sa kanila. "tama na yan. Naiinip na kami."

        "sandali nalang." Sabi ng leader. Hindi pa rin tumitigil ang mga 'to.

        "ano ba?!" Sigaw ko. Napahinto ang mga ito at bumaling sa'kin lahat pati ang lalaki. "kung gusto nyo ng away, simulan na natin! Wala ng patumpik-tumpik pa! Rank one kami kaya wag niyo kaming paghintayin dahil rank three lang kayo!" Galit kong sabi sa mga ito. "Pain, itabi mo ang lalaki." Utos ko.

        "yes, Devil Hell." Sagot pa nito at kumilos kaagad. Inilayo nito ang lalaki. Dinala niya kung saan naroon ang mga motor namin.

        Nagkatitigan lang kaming lahat hanggang sa makabalik na si Pain. "simulan na natin." Sabi ko at lahat ay naghanda na. Tatlo ang kalaban ni Flash dahil mabilis lang itong nakapagpatumba. Tumagal lang ng anim na minuto ang laban at natapos na. Taob lahat ng kalaban. Napasalampak sa semento. Namimilipit sa sakit. Ang ilan ay dumudugo ang ilong at bibig.

        "magaling kayo, pero mas magaling nga lang kami." Sabi ko sa mga ito at tumalikod na. Sumunod na din ang grupo ko. Nandon pa rin ang lalaki. Nakatayo. Lumapit na kaming lahat sa'ming mga motor. Panay lang ang titig sa'kin ng lalaki.

        Nabuko na niya ako. Shit! Bahala na.

 

        "bakit nandito ka pa?" Tanong ko. Sumakay na kaming lahat sa'ming mga motor pero hindi pa kami nakahelmet.

        "naligaw kasi ako kaya hindi ko alam kung saan dadaan." Sagot nito.

        Bagong salta nga pala ito dito. Hindi ko naman siya kayang pabayaan. Di ko rin siya pwedeng ihatid. Dalhin ko nalang kaya ito sa resthouse? Mapagkakatiwalaan naman ito. Ilalayo ko nalang rin sa mga peste. Alam kong nakilala na niya ako kanina pa.

 

        Napabuntong hininga ako. "marunong ka magmotor?" Tanong ko dito.

        "ou."

        Bumaling ako kay Black Rose. "Black Rose, umangkas ka kay Blood Lust. Kakambal mo naman yan eh." Utos ko dito. Ayokong paangkasin ito sa motor ko dahil may patakaran kami na kung sino mang opposite sex ang makakaangkas sa gang motors namin ay siya ang magiging slave namin.

        "ayoko Devil Hell. Si Blood Lust nalang ang paangkasin nyo sa'kin." Tanggi nito.

        Bumaling ako kay Blood Lust at sinenyasan ito na sumunod.

        "gamitin mo yun." Utos ko kay Andrew. Naglakad na ito patungo kay Blood Lust. Ibinigay nito ang helmet kay Andrew.

        "Devil Hell, dadalhin nyo siya sa bahay?" Tanong ni Pain.

        "ou." Nagulat ang lahat. Wala pa kasing ibang tao ang nakakapasok sa resthouse kundi kami lang. "Flash, mauna ka na at ihanda mo ang garahe." Kumilos na ito kaagad. At mabilis ng pinatakbo ang motor.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon