CHAPTER 13 KEVIN: UNDERESTIMATED!

806 14 0
                                    

Nagulat ako sa pagkatitig sa'kin ni Francine kanina. Kaya napatitig din ako sa kanya. Wala siyang kahit na anong make-up. Napakababae ng hitsura nito kahit panglalaki ang damit. Mapupula ang labi nito kahit walang lipstick at ang cute ng chinky eyes niya. Maputi ang mukha nito at makinis. Simple lang siya pero maganda naman talaga siya. Napansin kong medyo nakatitig siya sa labi ko kanina. Ganon din ako sa kanya. Natukso akong halikan siya, mabuti at napigilan ko ang aking sarili. May pagkababae pa ring natitira dito kahit gaano pa ito umaktong lalaki. Mas gusto ko pa yatang asarin ito. Pumasok na kami sa classroom at wala pang guro. Pumunta na kami sa aming upuan at umupo na.

        "Francine, am i handsome?" Biglang tanong ko dito.

        "yeah." Sagot niya na hindi tumitingin sa'kin.

        "do you have a crush on me?" Nakangisi kong tanong dito.

        Hinarap na niya ako. "suntok, gusto mo?" Seryuso nitong sabi.

        "no. Just kiss." Matalim niya akong tiningnan. "i'm just kidding." Napangisi ako.

 

        "it's not a good one." Malamig nitong wika.

        "okey lang ba sa'yo na asarin kita?"

 

        "siyempre hindi!"

 

        "bakit naman?" Casual kong tanong dito.

        "tinatanong pa ba yan?!"

 

        Tumango lang ako.

        "dahil nababadtrip ako!"

 

        "okey lang. Nakakaenjoy naman."

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETED= under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon