Chapter 15.

588 12 1
                                    

Date Published: February 20, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 15.

RIDER'S POV

Nandito na kami sa opisina ni Blade at nasa labas si Ensley habang nakikipaglaro kanila Sheanne na nakasalubong namin kanina.

"So, that kid is a daughter of Don Gomez who's protecting Angelo and also one who wants to kill Ms. Lee? I can't believe that there's really a senator involved." Komento niya.

"You already killed the people who're responsible for Ms. Lee's death. What are you going to do now?"

"Si Angelo. I'm not going to stop until Angelo isn't in a fucking jail." Mariing sagot ko.

"You need evidence, Ride. You can't put him in jail even though the senator isn't here anymore to protect him."

"We have evidence. Renziel has evidence." Sagot ko at tumango siya. "I see. When's the trial?"

"Sasabihan kami ni Renziel. Hinihintay namin 'yon. Bakit? Pupunta ka?" Tumango siya.

"That bastard will pay for what he has done to my friend. Ms. Lee needs justice, I also want to give that to her." Sagot niya.

"I see. Sige. Sabihan kita kung kailan ang trial para makapunta ka. Maraming pagbabayaran ang gagong 'yon." Komento ko.

"Does Mr. Forrester and Ms. Valdez know something about this?"

"Sasabihan ko pa lang sila mamaya. Alam na din nila Mr. Lee ang tungkol dito dahil pinakita ko 'yung ebidensya sa kanila ni Renziel kanina."

"I see. I got that. Call me if you need help and if there's a trial. For now, I should finish everything that I have." Tumango ako.

"Sige. Iwan na kita, marami ka pang ginagawa eh." Paalam ko at naglakad na palabas mula sa opisina. Naabutan kong nakikipaglaro sila Mikael kay Ensley.

"Para kayong mag-asawa na nakikipaglaro sa anak nila." Komento ko at namula si Sheanne. Sinuntok naman ako ni Mikael ng mahina sa braso.

"I have to tell you something." Seryosong saad ko sa kanilang dalawa. They need to know about this para maging handa din sila.

"Ipapare-open ni Renziel ang kaso ni Kiel dahil may evidensya na laban kay Angelo. Kaya maghanda kayo dahil baka sa susunod na araw ay papapuntahin kayo sa trial." Paliwanag ko.

"Talaga?! Pwede nang ire-open ang kaso ni Eliza?!" Tumango ako kay Sheanne at agad siyang pinakalma ni Mikael.

"Oras na para pagbayaran niya ang ginawa niya kay Eliza. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Eliza." Hinawakan ko siya magkabilang balikat niya.

"Calm down, okay? You need to calm down at hindi talaga natin siya hahayaan na mamuhay ng normal pagkatapos niyang gawin 'yon kay Kiel." Paniniguro ko.

"Babe, calm down." Niyakap siya ni Mikael. "Call us kung magsisimula na 'yung trial." Tumango ako.

"Sasabihan ko talaga kayo kaya pakihintay na lang." Ngumiti sila at kinuha ko na ulit ang bag ni Ensley at kinarga siya.

"Alam na ba nila Mr. Lee?"

"Oo. Alam na ni Mr. Lee dahil siya ang una kong sinabihan kanina tungkol sa ebidensya." Sagot ko at tumango silang dalawa.

"Una na kami at iikot na muna siya sa bagong hotel namin." Paalam ko at kumaway si Ensley sa kanila. Naglakad na ko paalis para pumunta sa sasakyan.

~~~~

"Daddy, am I bad too because my real daddy is bad?" Napatingin ako sa kaniya saglit at binalik din agad ang tingin ko sa kalsada.

"No. You're not bad like your daddy, baby. You didn't do anything wrong. 'Wag kang makinig sa mga kaklase mo, okay?"

"Opo, daddy. I'll be a good girl po." Napangiti ako at pumunta sa drive thru para mag-order ng makakain. I have to treat her.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko. Tumingin siya sa menu na nasa tabi ko at hinimas ang buhok niya.

"I want that po, daddy. Chicken and Spaghetti. Tapos mango pie! Burger and fries." Natawa ako.

"Bilin na lang kaya natin lahat ng nasa menu?" Tumawa siya at umayos na ng upo. Yeah, why choose if we can have all?

Nag-order na ko ng kakainin namin at nagulat pa ang kausap ko nang sinabi kong bibilhin namin lahat ng nasa menu nila.

No'ng una ay naniniguro pa siya kung seryoso ako kaya naman nang nasiguro na niya ay sinabihan na niya ang mga kasamahan niya ang order ko.

"Thank you." Nakangiting saad ko sa nag-abot ng pagkain at nilagay namin 'yon ng maayos sa likod. 'Yung mga drinks ay hawak ni Ensley.

"Thank you, sir. Come again." Inabot ko na ang bayad ko at pumunta na kami sa hotel para doon kumain.

~~~~

Nandito na kami sa hotel at kasalukuyang nakain sa ayos nang restaurant. Break time ng mga manggagawa ngayon dahil binigyan din namin sila ng mga binili naming pagkain kanina.

"Daddy, sa'yo po ba 'tong hotel and restaurant?" Tumango ako. "Yes, my family owns this." Sagot ko.

"Nasaan po mommy and daddy niyo?"

"In Canada. Marami pa silang ginagawa doon kaya matatagalan pa sila bago umuwi."

"Okay po." Kumain na siya ulit at napatingin ako kay ninong Beryl na naglalakad palapit sa pwesto namin.

"So, she's that kid." Komento niya habang nakatingin kay Ensley. "She's Ensley Issabella Gomez, ninong." Pagpapakilala ko.

"Hello po, Mr. Monster." Pinigilan kong matawa dahil sa tinawag niya kay ninong. Lumapit naman sa'min si ninang Scarlett.

"Beryl, natatakot sa'yo 'yong bata. Ano ba?" Hinampas ni ninang si ninong sa braso nito kaya naman nag-iba ng ekspresyon ng mukha si ninong.

"Sorry about that, Ensley. 'Wag ka nang matakot." Hahawakan na sana ni ninong si Ensley nang lumayo ito at lumipat sa tabi ko.

"Ayan tuloy, tinakot mo kasi." Galit na komento ni ninang at nakapamewang na siya. Napabuntong hininga si ninong.

"Ensely, 'wag kang matakot, okay? Po-protektahan kita mula kay Mr. Monster."

"Xanxus, pati rin ba ikaw ganiyan din?" Napabuntong hininga si ninong at natawa ako ng mahina.

Umupo silang dalawa sa bakanteng upuan at pinanood si Ensley na tahimik nakain sa tabi ko ng chicken at kanin.

"Hello, I'm Scarlett. Pwede mo kong tawaging tita, Ensley." Nakangiting saad ni ninang at nginitian siya ni Ensley.

"Okay po, tita." Mahiyain talaga ang batang 'to. Hinalikan ko siya sa ulo at hinimas ng mahina 'yon. Kinuha ko 'yung cellphone ko nang nag-vibrate 'yon.

"Hello?"

"The trial will begin tomorrow. Be ready and tell others. Nasabihan ko na ang mag-asawang Lee so, no need to tell them."

"Sige. Thank you, Renziel." Sagot ko at tinext sila Blade para makapaghanda sila bukas. Binuksan ko ang FB ko para makita ang mga news.

Nandoon na nga ang tungkol kay Angelo at nahuli na siya agad dahil sa maraming nagsusumbong tungkol sa mga krimen nito pero hindi pinapansin dahil sa may proteksyon.

Kaya pati ang mga pulis na taga-protekta nito ay nadamay din at ang mga taong nasa gobyerno para pagbayaran ang mga krimen nila.

•••• END OF CHAPTER 15. ••••

His Unforgettable Love (HOP Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon