Chapter 10.

395 12 0
                                    

Date Published: October 2, 2016
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 10.

RIDER'S POV

Pagka-alis ko mula sa sementeryo ay agad akong pumunta sa hotel na ginagawa dahil sa titignan ko ito. Nagpaalam na ko kanila Mr. Lee dahil sa marami pa kong gagawin na trabaho.

Naintindihan naman nila kaya binigyan nila ako ng tinapay para kainin ko 'pag nagutom ako. Mag-aalala sila dahil sa sobrang nangangangayat daw ako.

Pero feeling ko naman ay hindi pero dahil sa 'yon ang nakikita nila ay kailangan kong kumain para maging malusog.

"Ride, okay ka lang? Galing sa iyak ka ba?" Napatingin ako sa kumausap sa'kin at nakita ko si Alphone na may dalang blueprint.

"I'm fine, don't worry. Bumisita lang sa puntod ni Kiel." Bumuntong hininga ako. Hinawakan niya ko sa balikat at ngumiti.

"Don't worry, okay lang 'yan. Makaka-move on ka din." Napatingin na lang ako at pinakita na niya sa'kin 'yung hawak niyang blueprint.

"May gusto ka bang idagdag dito o okay na 'to?" Tinignan ko 'yung blueprint nang lumapit si Amaryllis sa'min.

"Okay na rin naman siya kaya wala na dapat idagdag o baguhin." Sagot ko naman. Tumango silang dalawa at yumakap si Amaryllis sa'kin.

"'Wag ka nang malungkot ah. Pagkatapos nito, may irereto ako sa'yo."

"Sira-ulo. Hindi mo na kailangang gawin 'yon, Amaryllis. Okay na 'to, konting oras lang at hindi ko na kailangang gumamit ng ibang babae para lang makalimot." Komento ko.

"Sige na nga. Sabi mo eh." Naglakad na sila paalis at napatawa na lang mahina. Kahit kailan talaga ay mga sira-ulo 'tong mga 'to.

~~~~

Pagka-alis ko mula sa hotel ay agad akong pumunta sa isang kainan dahil tanghali na. Puno ang mga tao dito ngayon at tumingin ako sa paligid.

Nang may nakita akong isang bakanteng pwesto ay doon ako umupo. Lumapit sa'kin ang waiter at kinuha ko ang menu.

Binasa ko na 'yung menu nang may lumapit na babae sa pwesto ko kaya napatingin ako sa kaniya. Mukhang nasa high school pa lang siya.

"Kuya, pwede po pa-share ng table?" Tumango ako. "Sure. Okay lang." Ngumiti siya at umupo sa upuan na nasa harap ko.

Inabutan na din siya ng menu at tumingin na ulit ako sa binabasa ko. Sinara ko na 'yung menu nang may napili ako.

"One Verde Chicken Enchilada Pizza, four seasons juice and Blueberry Muffin." Pag-order ko at binalik ang menu.

Inulit niya 'yung in-order ko at nang na-confirm ko na ay tumingin siya sa babaeng nasa harap ko.

"Isa pong Queso-Chorizo Taco po tapos Chocolate-Raspberry Smoothie at Banana Split." Sinulat na ng waiter ang in-oder niya.

Why is she so familiar to me? This is the first time that I met her though. So, why is she so familiar?

Umalis na 'yung waiter pagka-confirm ng order niya at kumunot ang noo ko nang may napansin akong pamilyar na kwintas sa kaniya.

"Where... did you get that necklace?" Tanong ko at napatingin siya sa tinutukoy. I've seen it somewhere but I don't remember where.

"G-ginawa po ni ate Kiel, bakit po?"

"Kiel?" Tumango siya. "Kiel Elizabeth Lee po." I see. Now I know why it's very familiar.

"I remember her giving that necklace to Anver and the others. Kaya naitanong ko." Komento ko dahil nahalata kong nagulat siya.

"'Wag mo pong sabihin na ikaw 'yung ex ni ate Kiel?"

"Yeah, I am." Simpleng sagot ko naman at inilahad ang kamay niya. "Danica Zhou po." Nginitian ko siya at kinuha ang kamay niya.

"Xanxus Rider Arcana." Pagpapakilala ko naman. Kaano-ano kaya siya ni Kiel? Alam ko, walang kapatid 'yon eh.

"Kuya, napaginipan ko si ate Kiel. Sabi niya ay ibigay ko 'to sa'yo. Sinulat niya 'yan bago siya mamatay." Kinuha ko ang inabot niyang sulat.

"Lagi ka po niyang kinukwento sa'kin no'ng buhay pa siya. Sinasabi niya po sa'kin kung gaano ka po niya ka-mahal kaya natatakot siya na maging dahilan ng mga sakit na nararamdaman mo."

"She'll always be the reason for everything but it's okay. But those feelings are proof that my feelings are real because I feel the feelings that I should feel."

"Lagi po siyang sinasaktan at ginagahasa. Alam ko po 'yon pero hindi ako nakapagsumbong dahil natakot po ako sa banta." Nginitian ko siya.

"Don't worry, it's fine. I understand that, ganiyan din naman si Kiel noon kaya naiintindihan ko." Ngumiti siya ng onti.

"Kamusta ka po, kuya? Sabi nila tita sa'kin ay sinisisi mo po ang sarili mo."

"Okay lang naman ako at sinusubukan mag-move on. Pero..." Umiling at natawa ako.

"Okay lang po 'yan, kuya. Pati rin naman po kami ay hindi pa nakaka-move on sa pagkamatay ni ate eh." Lumungkot ang mukha niya.

"Everything will be okay. My cousins are always saying that. That's why I trust them." Komento ko at tumango siya.

"Alam ko po, 'yon kuya. Kailangan ko pong maging okay kasi hindi naman ako pwedeng manatili sa nakaraan kundi masisira lang ang buhay ko tulad ng kay daddy."

"Ayoko pong maging katulad ni daddy kaya kailangan ko pong ipagpatuloy ang buhay ko kasi alam kong 'yon din naman ang gusto ni ate Kiel."

That's why I should live my life in a way that I supposed to live. That's what Kiel wants, after avenging her death, I'll move on for her.

"That's... what she wants me to do too but not for now. There are some things that I should do first before letting her go." Komento ko.

I should find and kill them, as soon as possible. And I'll not be going to let someone escape me.

"Okay lang po 'yan, kuya. Maghihilom din po 'yan."

"I know. Time will come, this wound will be healed. This pain will be gone. I just have to wait for that time to come." Sagot ko.

Dumating na ang mga order namin at nagsimula na kaming kumain habang nagku-kwentuhan.

~~~~

Gabi na at nasa opisina ako ngayon habang nagbabasa ng mga papeles nang naalala ko 'yung sulat na binigay ni Danica sa'kin kanina.

Kinuha ko 'yon mula sa bulsa at huminga muna ng malalim bago basahin.

Dear Xanxus,

Happy monthsary, thank you for everything that you have done for me and for my family. I love you so much and I'll do everything just for you to be happy.

I wish that walang magbabago sa'tin at magiging masaya hangga't magkasama tayo. Let's reach for our dreams nang magkasama at sinusuportahan ang isa't isa.

You're the best person that I've met in this life, Xanxus.

I love you and please, be safe wherever you go.

Nababasa na ng mga tumutulong luha ang papel at napahigpit ang pagkakahawak ko doon.

I forgot that it's our monthsary that time. I always forgetting our monthsary kasi lagi naman kaming magkasama.

Sa tuwing magkasama kami ay pakiramdam ko sine-celebrate na rin naman namin ang tungkol sa monthsary namin.

"You're crying again, Xanxus." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Nicholas. Kinuha niya 'yung hawak kong papel at binasa.

"I see. This is the reason why." Komento niya at tumabi sa'kin. Hinawakan niya ko sa balikat pero hindi siya nagsalita.

Tahimik lang siyang pinapanood akong umiyak dahil sa sulat na nabasa ko at tumahimik lang ako habang inaalala ng paulit-ulit ang nakasulat sa sulat.

•••• END OF CHAPTER 10. ••••

His Unforgettable Love (HOP Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon