TKSAI 13 Day4Part2

Start from the beginning
                                    

"Yung body niya, parang kay Luhan 'no?" Sabi nung babae na ang bias ay si Luhan. "Tara dali. Lapitan natin!" 

Maya-maya, napalingon sila sa gawi ko. Tumigil sila habang nakatingin sa akin. Napatingin ako kay Luhan na nakatigil at nakaupo dahil napagod siguro kakatakbo. Naglakad palapit sa akin yung limang babae. 

"Hi. Ikaw yung nasa school diba? Fan ka din ng exo, right?" Sabi nung kaagaw ko kay Luhan. Sorry, Miss! Kasama ko siya! Bwahahahaha! 

Tumango ako. "Y-yea.." Kinakabahan kasi ako. Namumukhaan nila si Luhan! Baka mamaya, lapitan nila si Luhan at tanungin. 

Maya-maya, itinuro nila si Luhan. "Look at him. Para siyang si Luhan 'di ba?" Kinikilig pa na sabi nila. 

Umiling ako. "I-I don't think so..." 

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tumayo na si Luhan at naglakad na siya palapit sa akin. Kahit gusto ko siyang sigawan na wag lumapit, pero hindi ko magawa kasi lalo lamang nilang mahahalata na siya nga ay si Luhan. 

"OMG! Para talaga siyang si Luhan darling ko!" Sabi nung babaeng kaagaw ko. 

Kaagad na humiwalay ako sa kanila at tumakbo ako palapit kay Luhan. Hinawakan ko yung braso niya at hinigit ko na siya palayo sa mga babaeng yun. Dinala ko siya sa benches na wala masiyadong tao. 

"Why did you brought me here?" Tanong niya nang makaupo na kami. 


"Namumukhaan ka nila, e." Sabi ko sa kanya. Pinahid ko yung pawis ko sa noo. Kinabahan talaga ako.


"So? Its okay,"


Napatingin ako sa kanya. "Okay lang sayo na makilala ka nila?"


He nodded. "Yes. I think I need a friends here too." Ngumiti pa siya sa akin.


Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ba kaibigan ang tingin niya sa akin? Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Okay lang pala sa kanya kahit makilala siya ng taong mga kakilala ko din. He needed a friends here. Hindi ba ako kaibigan?


Tipid na ngumiti ako. Bakit ba ako nasasaktan? Karapatan naman niya yun e. Ang magkaroon ng kaibigan. Bakit ipagdadamot ko siya? He's not even mine. For him, I am one of those fans.


"Hey, you okay?" He patted my left shoulder.


Sinulyapan ko siya. "A-ahh, yes. I'm fine. So, gusto mong magkaron pa ng kaibigan?"


Umiling siya. "No."


Kumunot-noo ako. "H-huh? I t-thought ---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong akbayan at kabigin palapit sa kanya. Napatulala ako. Shit. Naramdaman ko na lang ang bilis ng tibok ng puso ko at ang kaligayahan na nararamdaman ko.


"I don't need more friends. I am contented being with you...." Bulong niya sa akin.


Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa may ulo ko. Ganito ba talaga siya? Bakit parang ako ang pinasasaya niya kaysa pasayahin ko siya?


The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now