Chapter 26

83.1K 1.8K 86
                                    


Chapter 26
Attack

I was smiling the whole time while watching Mommy Sandra cuddling with Daddy Sean. She's so happy thinking that Daddy can already go home since he's already admitted into a common private room than in the ICU.

Si Vini naman ay tulog sa aking tabi. Nakasandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. I know that he's tired kaya kahit nangangawit na ako sa posisyon ko ay hinayaan ko lang siyang matulog nang ganoon.

"Bella."

Napaangat naman ako ng tingin kay Ate Lyrae who's smiling at me.

"Ayain mo munang umuwi si Vini. Pabalik na si Lauren galing sa mabilis na shooting niya. And your Kuya Josh's here, may kasama kami ni Mommy." she said. "Hindi natulog si Vini. He stayed awake the whole night dahil pinatulog niya rin ako."

Lumapit si Ate Lyrae at bahagyang ginulo ang buhok ng kapatid.

"My brother looks so tired." sabi niya. "Please let him get some rest. Kapag ayaw sumunod sa'yo ay sabihin mo sa akin. Babatukan natin."

Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Ate Lyrae. She encouraged me again to wake Vini up bago siya lumapit kay Kuya Josh na ngayon ay nagbabalat ng prutas na makakain ni Daddy Sean.

Inalog-alog ko ang balikat ko kung saan nakaulo si Vini upang magising ko ang diwa niyang tulog.

Vini's not that hard to wake up kaya agad naman siyang nagising dahil sa simpleng paggalaw ko na 'yon.

"Hmm?" inaantok niyang pagbaling sa akin.

Napangiti ako habang tinitignan siyang papikit-pikit pa ang mga mata. He's too cute for an early adult.

"Ate Lyrae told us to go home. Doon ka na daw magpahinga since your very tired." sabi ko sa kaniya.

Mabilis naman siyang umiling at muling humilig sa aking balikat.

"I'm fine sleeping in your shoulders. It's more comfortable." sabi niya't niyakap pa ako.

Hindi na ako nagreklamo kahit na mas gusto kong sa bahay siya magpahinga dahil gusto ko ring ganito ang puwesto naming dalawa.

Hindi rin nagtagal ay lumuwag na ang pagkakayakap sa akin Vini, which means he's already asleep again. Nakatulog na rin si Daddy Sean at tumabi pa sa kaniya si Mommy Sandra. They probably missed sleeping beside each other.

"Ayaw umuwi?" tukoy ni Ate Lyrae kay Vini na ngayon ay mahimbing na ulit ang tulog sa aking balikat.

I smiled and nodded. "Mamaya nalang siguro kami uuwi kapag gabi na." sabi ko.

"Tigas talaga ng ulo niyang lalaking 'yan." napangisi si Ate Lyrae at umiling.

Iniisip ko tuloy ngayon kung paano kaya si Vini noong bata pa siya. Base sa pagkakasabi ni Ate Lyrae ay mukhang makulit siya noong bata siya. I've seen his childhood pictured and a video of him dancing to a video game kaya napag-alaman kong bata palang siya ay mahilig na siyang sumayaw pero maliban doon ay wala na akong alam.

"Ate, pwede bang magtanong?" nag-aalangan kong sabi kay Ate Lyrae.

"Basta masasagot ko." nakangisi niyang sabi sa akin.

I slightly chuckled. "Paano si Vini noong bata pa siya?" I asked her.

Napatingin naman sa akin si Ate Lyrae at napataas ang kilay niya sa aking tanong ngunit may bahid pa rin ng ngisi sa kaniyang labi.

"Vini as a kid, huh?" she slightly chuckled at kumuha ng plastic chair na inilagay niya sa aking harapan upang upuan.

Suddenly, I felt excitement all over my body. Dapat pala ay matagal ko na itong tinanong kay Ate Lyrae. Is Vini somehow like Jace or Liana?

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon