Chapter 24

75.9K 1.7K 58
                                    


Chapter 24
Quit

I was staring at the ceiling of our room when I woke up from a deep sleep.

Naging malalim ang pagkakatulog ko kahapon because I cried myself to sleep.

Nilingon ko ang parte ni Vini sa aming kama at nasiguradong hindi nga siya umuwi dahil hindi ko naaamoy ang kaniyang bango mula doon.

Bumangon ako't bahagyang sinampal-sampal ang pisngi ko upang tuluyang magising.

I can feel that my eyes were still heavy dahil sa sobrang tagal ng pagtulog at dahil na rin sa pag-iyak ko. It's fine with me dahil mawawala naman 'to kapag naligo ako mamaya or kapag hindi natanggal ay matatakpan naman ito ng concealer. I can just wear eye glasses too para mas lalong hindi mahalata.

"Ma'am, nakauwi na po pala kayo!" gulat na sabi ni Liza nang makita niya akong pumasok sa kitchen.

She's preparing Belle's food while I heard Belle's cute barks and saw her running towards me.

I smiled and sat down the floor. I opened my arms to welcome her with a tight hug.

"I missed you." nakangiti kong sabi habang paulit-ulit na hinahalikan si Belle.

Belle smelled like strawberry with a mixed of vanilla. I think the shampoo she's using now suits her more rather than the lemon flavored one she used before.

Nag-angat naman ako ng tingin kay Liza na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa ni Belle.

"Namiss niya po talaga kayo, Ma'am." Liza told me.

"I'm sorry kung hindi ko nasabi sa'yong umuwi na kami kahapon." sabi ko. "Hindi ka ba nabored dito habang wala kami? Si Belle lang ang kasama mo."

Maagap naman siyang umiling. "Masaya pong alagaan si Belle kaya hindi boring at saka bumibisita po palagi si--" napatigil siya't nanlaki ang kaniyang mga mata saka tinakpan ang kaniyang bibig.

I raises my eyebrows at her. "Sinong bumibista?"

"Nako, Ma'am! Pasensya na po kung nagpapapasok po ako ng bisita habang wala kayo. Si Sir Teph po kasi ay bumibisita dito't nagdadala ng pagkain kaya ayon po... Kaibigan po siya ni Sir Vini kaya di na rin po ako nag-alangang papasukin siya. Huwag po sana kayong magalit." halos nagpapanic niyang paghingi ng paumanhin sa akin.

I chuckled at her. "Don't worry. It's fine with me at saka si Teph naman pala." sabi ko. "There's no problem with that. Kahit naman nandito kami ay pwede ka niyang bisitahin."

I saw that Liza started to blush. "Hindi niya naman po ako binibisita... Si Belle po ang binibisita niya."

Mas lalong napataas ang kilay ko.

So that's what Teph's been telling her? Na si Belle ang binibisita niya kaya siya palaging bumibisita dito sa bahay habang wala kami ni Vini.

"Okay. Kung 'yan ang sabi niya." sabi ko nalang.

Binitawan ko naman si Belle at tumayo na upang mapakain na niya si Belle.

Nilagpasan ako ni Liza upang lumapit kay Belle habang ako'y tinitignan ang mga pwedeng lutuin na mabilis lang. It's a good thing that we still have stock processed frozen foods at iyon nalang ang niluto ko while I asked Liza to cook rice for the both of us.

I was already preparing our foods at ang kanin nalang ang tanging hinihintay naming maluto upang makapagsimula nang kumain.

"Nasaan nga po pala si Sir Vini?" she suddenly asked at napatigil naman ako sa aking ginagawa. "Tulog pa po ba siya?"

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon