Chapter 13

78.3K 1.8K 32
                                    


Chapter 13
Support

"Liza, akin na muna si Belle. Pack your things." nakangiti kong sabi sa kaniya habang nakikipaglaro siya kay Belle.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang tumingin sa akin at punong-puno ng pangamba.

"P-Po?" she stuttered. "Bakit po? May nagawa po ba akong mali?"

Kumunot naman ang aking noo. "Ha? Anong sinasabi mo diyan, Liza?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Bakit niyo po pinapa-impake ang gamit ko? Papaalisin niyo na po ba ako? Sisisantehin niyo po ba ako?" takot na takot niyang tanong. "Huwag po muna, Ma'am. Nag-iipon pa ko ako ng pangpatuloy ko sa kolehiyo. Wala pa po akong gaanong naiipon kaya kailangan ko pa po ng trabaho. Sana po kahit kunting buwan pa po."

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko sa pagtawa nang makuha ko kung ano ang pinupunto niya.

"Ano ka ba, Liza!" tawa ko. "Hindi kita sisisantehin. Isasama ka lang namin sa Tagaytay dahil kasama rin si Belle."

"Ay! Salamat po, Ma'am Bella!" sabi niya't napabuntong hininga na para bang nabunutan siya ng tinik. "Akala ko po tatanggalin niyo na ako sa trabaho."

"Syempre hindi kita tatanggalin. Aalis ka lang dito kapag gusto mo na o kailangan mo na." sabi ko. "Belle's so fond of you now."

Inilipat ko ang aking tingin kay Belle na nilalaro ngayon ay paikot-ikot sa dalawang paa ni Liza.

"Ang cute naman po kasi ni Belle at saka madaling alagaan. May oras na hyper po siya't makulit pero nanlalambing lang pala." sabi niya't tinignan din si Belle nang nakangiti.

Siguro'y swerte kaming dalawa ni Vini dahil si Liza ang naibigay sa amin ng agency'ng kinuhaan niya ng mag-aalaga kay Belle.

Sayang nga lang si Liza. She's just 19 years old. Napag-alaman ko rin na tumigil siya sa pag-aaral noong magkokolehiyo na siya dahil wala siyang pangtustos sa pag-aaral niya kaya ngayon ay nagt-trabaho siya para makaipon ng pera upang mapagpatuloy niya ang pag-aaral niya.

I know how she feels. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Liza. Ganiyan din ako dati. I stopped studying college noong namatay si Nanay dahil alam kong hindi ko na kakayanin. I have no money to pay for our bills. Marami pa akong kailangang bayaran. That's why I decided to work.

But God gave me the Sarmientos. And I'll always be thankful to Him because He gave them to me.

"Liza..." I trailed off bago muling nagsalita nang tumingin siya sa akin. "Can I ask you about your parents?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya.

Nakita ko namang medyo nawala ang kaniyang ngiti bago nakuhang tumango at nagsumikap na ngumiti.

"Kailan namatay ang mga magulang mo?" maingat kong tanong sa kaniya't tinitimbang ang bawat salitang sinasabi ko.

"Matagal na pong patay ang nanay ko. Namatay po siya noong nasunog ang bahay namin noong bata pa ako kaya si tatay po ang nagtaguyod sa akin upang makapag-aral at nag-alaga sa akin." kwento niya. "Si tatay naman po, driver po siya ng truck. Malalayo po ang binabiyahe niya. Namatay siya dalawang linggo matapos ang graduation ko noong high school. May bagyo po noon at madulas ang kalsada... nahulog naman siya sa bangin."

Pakiramdam ko'y mas doble pa ang naramdaman niyang sakit kumpara sa akin.

Wala pa akong muwang ay wala na noon si tatay kaya hindi ko 'yon dinamdam magmula pa noong bata ako hanggang sa lumaki ako. Si nanay lang talaga ang nakalakihan ko kaya noong namatay siya'y sobrang sakit at pangungulila ang natamo ko.

Si Liza naman ay parehas niyang nakasama ang magulang niya kaya alam kong mas masakit 'yon.

Swerte nga ako dahil buhay pa si tatay pero siya... wala na talaga. Wala na ang mga magulang niya.

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon