Chapter 1

137K 2.5K 193
                                    


Chapter 1
I'm Ready

"Do I look beautiful?" tanong sa akin ni Penny pagkalabas nya mula sa fitting room.

Nagsusukat at namimili sya ngayon ng kanyang wedding gown para sa magiging kasal nilang dalawa ni Ian.

"Of course." sagot ko. "Pero mas maganda yung sinukat mo kanina. Mas bagay sayo."

"Sure ka ba? Parang gusto ko kasi ng cut nito eh." sabi nya sabay tingin sa laylayan ng gown.

"Well.. mas nagagandahan kasi ako sa pa-balloon style na wedding gown kaysa sa ganyan. Parang nag long white dress ka lang." sabi ko.

Ngumuso sya't mukhang naisip ang puntong gusto kong iparating sa kanya.

"Saka parang traditional wedding gown na yung kanina kaysa diyan. That's more of a modern wedding gown." dagdag ko pa.

"Okay. But can you please take a picture of me wearing this gown?" pakiusap nya sa akin. "My phone's inside my purse."

Tumango naman ako't kinuha na ang kanyang cellphone at kinuhaan sya ng litrato bago sya bumalik sa loob ng fitting room.

"I'm gonne get the first gown I fitted." sabi ng pinsan ko sa designer ng gown.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko't napangiti ako ng bumungad ang pangalan ng asawa ko.

"And her husband calls.." bulong ng pinsan ko.

Napatawa nalang ako sa kanyang reaksyon at sumenyas na lalabas muna ako ng boutique para hindi ko maistorbo ang pag-uusap nila ng designer.

"Go ahead, couz." sabi ng pinsan ko't patakbo akong lumabas ng boutique upang masagot na ang tawag.

Hindi ko alam pero simula ng maging mag-asawa kaming dalawa ni Vini'y mas lalo akong nakaramdam ng kilig. Parang mas lalo akong bumata't bawat gawin ni Vini'y hinahangaan ko. Simpleng pagtawag nya nga lang sa akin ay nangingisay na ako sa kilig, mas lalo na kapag narinig ko ang kanyang boses.

"Hello?" nakangiti kong pagsagot sa tawag.

"Babe, are you two done with picking the wedding gown?" tanong nya sa akin.

Simula din ng maging mag-asawa kaming dalawa'y mas napapadalas na ang pagtawag nya sa akin gamit ng endearment naming dalawa pero ako'y nahihiya pa rin.

"Yup." sagot ko't hindi ko mapigilan ang pag ngiti kong abot sa aking tenga. "Fina-finalize nalang ni Penny sa designer yung gusto nya. Why'd you ask?"

"It's Lauren's celebration remember?" paalala nya sa akin.

Napasapo naman ako sa aking noo't muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon sa sobrang kilig ko.

May celebration nga pala dahil pinalabas na ang unang teleserye na kinabibilingan ni Lauren. Sya ang magiging anak ng bida doon at sa sobrang saya ni Daddy Sean ay naghanda sya ng malaking kainan para sa pamilya.

"I almost forgot. Will you pick me up?" tanong ko sa kanya.

"Let's just meet at home since I'm already driving on my way. Magpapalit din ako ng casual clothes. I feel so stuffy kapag naka-suit." sabi nya.

"Okay then. Uuwi din ako agad pagkatapos kong bumili ng regalo kay Lauren." sabi ko.

"I'll wait for you then.." sabi nya. "Take care, babe. I love you." malambing nyang sabi.

Napangiti naman ako. "I love you too."

"Sweet, babe." komento nya't bahagya akong napatawa. "I-end mo na yung call."

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon