Chapter 12

77.4K 2K 68
                                    


Chapter 12
Sacrifice

"Where are you going?"

Ang mga mapangutyang mata ni Vini'y nakatingin sa akin ng diretso pagkapasok na pagkapasok niya ng aming kwarto.

His wearing a black training shorts with a touch of neon green on its side na mayroon ding maliit na check sa lower left side ng shorts. Ang white compression tank top na kaniyang suot ay mas lalong pinapadepina ang kaniyang muscles. May nakasabit ding itim na bimpo at earphones sa kaniyang leeg.

His sweat is dripping at lumapit naman ako sa kaniya. I got his face towel at inayos ang earphones na nakasabit din.

"I'm going out with a friend." sagot ko sa kaniyang tanong habang pinupunasan siya na pawisan. "My friend's a girl, by the way. In case you're wondering about my friend's gender."

"And who's that friend of yours?" he asked me.

"She's a new friend of mine. You don't know her kaya wala din kung sasabihin ko sa'yo kung sino siya." sabi ko't ngumiti sa kaniya.

Kinuha ko ang kaniyang kamay upang ilagay doon ang bimpo niyang pinampunas ko sa kaniyang pawis bago siya talikuran.

I immediately changed my expression once turned my back. Napapikit ako ng mariin.

Ano nanaman ang palusot kong sasabihin? Dapat pala'y sinabi ko nalang na si Penny ang kasama ko't sasabihin ko nalang kay Penny. Bakit ba kasi sinabi ko pang bago kong kaibigan?

Inayos ko nalang ang aking shoulder bag na nakapatong sa aming kama habang nag-iisip ng magandang pangalan ng bagong kaibigan. I'm going to make an imaginary friend.

"Even if I don't know her, I believe that you should still tell me who she is." sabi niya.

Halos mapatalon naman ako nang bigla siyang umupo sa kama't dinungaw ako.

Nakahalukipkip siya't naghihintay na sabihin ko sa kaniya kung sino ang makakasama ko ngayong araw.

"Her name's Celine." sabi ko nalang at mabilis na sinukbit ang aking bag.

I was about to open our room's door nang biglang humarang si Vini. Pinipigilan ng kaniyang kamay ang pagbukas ko sa pintuan at pirming nakatitig lang siya sa akin.

"Can I meet that Celine before you leave?" he requested.

"Uhm, kung pwede lang sana kaso doon na kami magkikita sa pagkikitaan namin kaya ayon. Hindi mo siya makikita." sabi ko.

"Then dalin mo siya dito sa bahay pag-uwi mo?" sabi niya and it felt like he's already ordering me.

"I'll ask her to come with me don't worry." sabi ko nalang to assure him.

Bubuksan ko na sana muli ang pintuan ng diniinan niya muli ito't napasara lang ulit.

"How 'bout our dinner today?" sunod niyang tanong. "Kala ko ba'y magce-celebrate tayo ngayon? I'm going to cook the nine dishes you typed down in my notes. Tapos aalis ka naman pala ngayon."

Bahagya naman akong napangiti sa nagtatampo kong asawa.

"I won't eat dinner outside." sabi ko. "Dito ako kakain sa bahay. I'll be home before dinner. Kaya do your best to cook the dishes that I like okay?"

Napabuntong hininga naman siya't tumango saka ibinaba na ang kaniyang kamay.

"Take care, okay? Always text or call me." bilin niya sa akin.

"I will. You don't have to remind me." ngumiti ako't inabot ang kaniyang labi upang mahalikan ko ito bago ako umalis ng tuluyan.

Para akong nabunutan ng malaking tinik nang makawala na ako sa asawa ko. Mabuti nalang at hindi niya ako pinagbawalang lumabas. Mag-iisip nalang ako ulit ng palusot mamaya pag-uwi ko dahil hindi ko pwedeng maisama si Valeen dito at lalo nang wala naman akong bagong kaibigan na Celine ang pangalan.

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon