Chapter 2

101K 2.3K 185
                                    

Ang chapter na ito ay Rated SPG. Ito ay maaaring may maseselang tema, lenguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa mga bata.

-----------------------------

Chapter 2
This Time

"You should go down now, Bella.. I'm already fine. I just need some rest." nakangiting sabi sa akin ni Mommy Sandra nang magpasya akong alagaan sya habang napapasarap sa kwento ang mga lalaki sa baba.

Si Ate Lyrae naman ay inasikaso ang kanyang mga anak na inaantok na doon sa may kabilang kwarto.

"Okay lang po, mommy." nakangiti kong sabi. "Busy pa naman po sila sa pagk-kwentuhan doon sa baba eh."

"Bella, you came here to have fun and celebrate your sister's career pero heto ka ngayon at inaalagaan ang may sakit na ako." nahihiyang sabi nito.

"Mommy ko na po kayo at natural lang po para sa isang anak ang alagaan at mag-alala sa kanyang nanay." paliwanag ko kay Mommy Sandra. "At gusto ko rin naman po itong ginagawa ko. I like helping people."

"Alam ko, Bella." sabi nya. "That's why napaka-swerte ng anak ko dahil ikaw ang napangasawa nya't maswerte din ang pamilya namin dahil bahagi ka na ng pamilya. You being a part of our family is more than enough, Bella. Yun lang."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy Sandra't kung alam nya lang na mas maswerte ang pakiramdam ko dahil naging parte ako ng pamilya nila.

Sasagot na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan at dahan-dahang bumukas.

Sumilip si Vini sa pintuan at mukhang hindi na maganda ang kanyang mood. Maybe he's tired and already feeling sleepy. Pagkagaling kasi sa trabaho'y naligo lang sya't dumiretso na kami agad dito. Sino ba naman ang hindi mapapagod?

"Oh, Bella. Sinusundo ka na ata ng asawa mo." natatawang sabi ni Mommy Sandra.

Tuluyan ng pumasok si Vini sa kwarto't dumiretso kay Mommy upang halikan ito sa kanyang pisngi't lumapat ang kanyang kamay sa noo nito.

"You're sick, mom." puna ni Vini.

"I know. Pero gagaling na rin ako. I've been sick for the whole day. Wala na 'to bukas." nakangiting sabi nya sa anak.

"If you're fever's still not gone tomorrow, magpacheck ka na po sa hospital." nag-aalalang sabi ni Vini.

"Relax, Vini. It's just a flu." aniya. "Matanda na ang mommy mo't normal na sa akin ang magkasakit."

"Kaya nga po mas lalo kayong dapat magpa-check up. Kayo ni daddy. Kakausapin ko po si Ate na ikuha rin kayo ng appointment sa doctor. Dapat every two weeks din po kayo nagpapacheck up like daddy." paliwanag ni Vini.

"Vini, wag na kayong mag-alala ng ate mo sa amin ng daddy mo." natatawang sabi ni mommy saka sinulyapan ako. "Ang dapat mong pagtuunan ngayon ng pansin ay ang asawa mo. Any time pwede magkakaroon na kayo ng sariling pamilya ni Bella. Dapat ay pangalagaan mo rin ang kalusugan nya."

"I'm taking care of Bella, mom." sagot ni Vini. "But you're also one of my priorities kaya hindi ko po maiiwasang isipin rin po ang kalusugan nyo ni daddy."

"Okay, okay. Magpapa-check up na ako kung 'yan ang ikakatahimik nyong magkakapatid." sumusukong sabi ni Mommy saka lumingon sa akin. "Bella, ayain mo na ngang umuwi itong asawa mo." biro nya.

Marahan naman akong napatawa. "Sige po, mommy." at saka kumapit ako sa braso ni Vini.

Nilingon nya naman ako saka muling nilingon si mommy. "Una na po kami, mommy. Pagaling po kayo." at hinalikan nya ang noo ni mommy.

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon