Chapter 15

84K 1.9K 349
                                    


Chapter 15
Pangalan

"Liza, kumuha ka na ng pagkain mo doon sa buffet table tapos balik ka doon sa table na 'yon. I'll save a seat for you." nakangiti kong sabi sa kaniya habang tinuturo ang table kung saan nakaupo ang ibang El Dorado.

"Uhm... Sige po." nag-aalangan niyang sabi bago tumungo sa buffet table upang kumuha ng pagkain niya.

Pumuwesto kami ni Vini sa round table kung saan nandoon din ang El Dorado except for Kai dahil nandoon sila ni Valeen sa table na para sa kanilang dalawa lang.

"Dude, she's just a teenage girl." mariing sabi ni Peter kay Teph.

Nakuha naman nila ang atensyon ko dahil mukhang alam ko kung sino ang pinag-uusapan nila.

Pinaghila ako ni Vini ng upuan nang mailagay na niya sa lamesa ang pagkain naming dalawa. Nginitian ko naman siya bilang pasasalamat bago umupo. He sat beside me at inilapit pa ang kaniyang upuan sa akin bago inasikaso ang kakainin ko.

Pinunasan niya ang mga kubyertos gamit ang table napkin bago niya ito nilapag sa aking plato.

"I don't care, Peter." rinig kong sabi ni Teph.

"You've got it bad, Teph. Bakit sa bata ka pa magkakagusto?" umiling-iling si Cliff at saka nagsimulang kumain.

"I'm pretty sure na mas mature pa siyang mag-isip sa'yo, Cliff." inis na sabi ni Teph kay Cliff.

"That's offensive!" ani Cliff habang ngumunguya pa.

Napailing nalang si Teph at inakbayan naman siya ni L na nakangiti ngayon sa akin.

"Ilang taon na ba si Liza, Bella?" biglang tanong sa akin ni L.

Napatigil naman sa pagkain sila Cliff at Peter. Ang lahat ng atensyon nila'y napunta sa akin lalong-lalo na si Teph na hinihintay ang aking isasagot.

"What's with that kind of look to my wife, guys? Tigilan niyo nga 'yan." pagsita ni Vini sa kanila.

"Possessive shit." komento lang ni L kay Vini bago muling tinutok ang atensyon sa akin. "So, Bella?"

Tumikhim naman ako't pinunasan ang aking bibig ng table napkin.

"She's nineteen years old." simpleng sagot ko.

Mabilis namang umiling si Peter. "She's seven years younger than you, Teph. Stop it! That's already phedophile."

Sa buong El Dorado'y si Teph ang pinakabata sa kanilang lahat, mas bata pa siya sa akin ng dalawang buwan.

"Age doesn't matter." ani L at saka bumalik sa kaniyang upuan upang makapag-umpisa nang kumain.

"Sinusuportahan mo pa, L." naiinis na sabi ni Peter.

"What?" inosenteng tanong ni L. "Minsan lang ma-fall si Teph sa isang babae. Siya nalang ang walang girlfriend sa atin. It's time for him to finally get a girlfriend."

"Excuse me, wala rin akong girlfriend." pagsingit ni Cliff.

"Shut up, Cliff. We all know na nagpapakipot lang sa'yo yung nililigawan mo. Magiging kayo rin." sabi naman ni L.

"L's right." pagsang-ayon ni Vini. "Maybe Liza's the really one for Teph. Yung kaya siya walang mahanap-hanap dati at hanggang ngayon na nasa tamang edad na siya ay baka dahil si Liza talaga ang hinihintay niyang dumating sa buhay niya."

Pumalakpak naman si L sa sinabi ni Vini.

"Kinunsinti mo pa, Vini." iling ni Peter.

"Wala naman kasi akong makitang mali." nagkibit-balikat si Vini't inakbayan ako habang umiinom siya ng juice.

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon