Day Seven - II

4.6K 137 0
                                    


4 pa lang ng makarating ako sa school. Nakangiting hinintay ko ito.

"Oh bat andito ka?" Tanong ni Kuya Gary.

"Hahaha Wala .. Tumatambay lang". Masaya ako ngayon kaya ok lang na kung ano ano ang sabihin nya.

"Tsk! Doon ka tumambay" Pantataboy pa nito.

Hmmmp Sunget..

Hehe nasan na kaya si Sunget ko?.

Yung masungit na girlfriend ko.

Tagal naman nilang mag uwian.

"Kuya Gary naman. Hindi naman kita inaano ah. Balik ka na dun, hindi naman ako papasok. Dito lang ako".

Medyo nawala ang salubong na kilay nito bago tumingin sakin ng seryoso.

"Umayos ka ha!" Banta pa nito. Nakangiting tumango naman ako at sumaludo pa dito.

"Aye Aye Captain!".. Bumalik naman ang inis sa mga mukha nito.

"Walker!!" Sigaw na nito.

Hindi ako zombie. Avatar ako. Avatar Ashley, the straight bender! Whahaha

Nag peace sign ako. Umiiling na bumalik naman ito sa loob ng guard house. Bumalik ako sa pose ko kanina.

Nakasandal sa bakod ng school. Pumipito pito pa ako. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil ni- replay ko sa utak ko yung mga nangyari ng mga nakaraang araw. Kaya medyo nagulat pa ako ng may bumunggo sa akin na studyante pala. Sa halip na magalit ay hindi ko na lang ito pinansin.

Mabait ako ngayon. Hahaha.

Tumayo na ako ng deretso. Tulad ng dati, huli na naman itong lumabas. At kita mo nga naman, nakasunod yung ex nito. Binabawi ko na , na mabait ako ngayon. Agad nawala ang mga ngiti sa mukha ko.

Inis na lumapit ako dito. Sunod kasi ito ng sunod sa girlfriend ko.

GIRLFRIEND KO!!

Putek na yan!!

Mata nya lang walang latay.

"Ano ba.. ayoko sabi!!" Narinig ko pang sabi ni Maxine.

"Hoy!!" Tawag pansin ko sa lalaki na hinihila na naman yung bag ni Maxine.

Bakit ba kahilig nitong kunin yung bag ni Maxine?? Bakla yata yan eh!!.

"Anong nangyayari dito? Hoy Walker!, bakit ka pumasok? Bawal ka dito" Si Kuya gary yan.

"Eh eto eh!! Hinaharass yung gir-yung girl!!"

Not sure if I should call her my girlfriend. Ibang usapan na pag school nya. I know na pwede syang I bully.. saksi ako dun, dahil ganun yung grupo namin dati. Trip trip lang naman. Ayokong mapag tripan si Maxine.. baka hindi nya kayanin. Baka magalit sya sakin.. baka iwan nya ako..

Umaksyon naman agad si Kuya Gary. Umalis din agad yung ex nya.. Rick? Ricky? Rico? Basta yung tukmol na ex nya. Sus! Bakla! Takot kay Kuya Gary?

"Yan. May silbi ka din naman pala" Sabi ko kay Kuya Gary na tinapik tapik pa ito sa balikat nya. Inis na tumingin naman ito sakin at hinampas yung kamay ko.

"Sus! Kaarte! Malinis yan oh" Tukoy ko sa kamay ko. Salubong ang kilay na umalis naman ito.

"Bakit ka andito?" Taray ni Miss Sunget sakin.

"Sinusundo Girlfriend ko" Bulong ko sa tenga nito. Inis na tinulak naman ako nito.

"Meron ka ba ngayon? Ang sunget" Inirapan lang ako nito , bago nag tuloy- tuloy sa kotse ko.

Nakangiting sumakay ako doon. Kinuha ko yung flowers na binili ko.

"Oh" Bigay ko nito sa kanya. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha nito. Tama nga si Manang Urzula! Haha!

Medyo hindi ko maintindihan kung ano ang mayroon sa bulaklak at gustong gusto ito ng mga babae. Inamoy nya ito bago ngumiti sakin. Ngumiti din ako. Nevermind, as long as ngumingiti sya di ko na yun kwe-kwestyunin pa. Ilang sandali pa at nakaupo lang kami dito sa loob ng kotse.

"How's school?" Tanong ko.

"... ".

Humarap pa ako dito. Tinignan ko pa itong mabuti. Hindi ba nya ako nadinig? Ilang segundo na pero tulala lang ito. Nasa lap nito yung mga bulaklak at nakatingin lang ito sa harap ng kotse. Wala naman interesting doon dahil nagsiuwian na ang mga studyante. Walang katao tao.

A-anong tinitignan nya?

"May problema ba?"

" ... " What?? Bingi na ba ako o sadyang hindi lang ito nagsasalita?.

"May problema ba tayo?" Tanong ko ulit dito.

"Wala!!" Sigaw nito.

Syempre nagulat ako doon.

Nakangiti lang sya kanina eh! Peste!

"Sorry" Sabi ko na lang. Baka bad mood.

Tahimik lang kami sa loob. Walang nag sasalita.

"Ano ba?!! Paandarin mo na!! Gusto ko ng umuwi". Napatalon pa ako nyan. Nang tignan ko ito ay halo halong emosyon ang nakita ko. Inis, Galit, Lungkot.

Hinawakan ko ang kamay nya. Ngumiti ako. Sumeryoso naman ito ng mukha. Well, at least hindi mataray o inis na mukha diba?

Nag drive na ako. Nakasandal lang naman sya sa bintana ng kotse at nakatulala.

Drive lang ako ng drive ng bigla itong magsalita.

"Hindi ito papuntang bahay namin" Tarantang sabi nito.

"Relax.. May pupuntahan lang tayo" Kumalma naman ito bago nag buntong hininga.

Nakarating din kami sa Resort ni Papa dito sa Gapan. Almost 30 mins lang ang byahe. Agad akong bumaba para pagbuksan ito ng pinto. Kinuha ko ang kamay nito at dinampian ko ng halik.

Ngumiti naman ito ng.. malungkot?

Bakit malungkot ito?.

Ok lang, papasayahin ko ito ngayong gabi.

At sa mga susunod pang gabi.

Araw araw..

Naglakad kami papasok.

"Good Evening po Miss Walker.. This way po, ma'am" Aalalayan sana nito si Maxine pero pinaalis ko na ito. Gusto ko ako mag aasikaso sa prinsesa ko.

"Bakit parang walang tao?" Tanong nitong katabi ko. Ngumiti ako.

"Privacy"

"Ha?. Binayaran mo itong buong ano nga ba ito?"

"Resort. And 'No' .. Resort to ni Papa. Kinausap ko sya kanina kaya naayos ito. Dito lang naman walang tao, doon sa kabilang side meron. Pero don't worry, hanggang doon lang sila." Nakangiting tumango naman ito. Inalalayan ko ito papasok sa loob.

"Ash? Bakit ang dilim?" Tanong nanaman nito.

------------------------------

Seven DaysWhere stories live. Discover now