Day One - II

7.7K 216 2
                                    


"Whahahaha makakaganti na din" Sabi pa ni Gerald na tumataas taas yung dalawang kilay at nakangiti ng pang asar sa akin.

"Arrrrrrrrgggg kagugulang nyo! Nilasing ako ng mga loko na ito kagabi!"

Turo ko kila Isaac.

Agad na tinaas naman nito ang dalawang kamay niya.

"Woah woah woah.. easy.. oo, inaya kita pero hindi kita pinilit. Diba gusto mong mag 'boys' hunting?" Nakangising tanong nito. Ine- emphasize yung boys. Tsk

"Pasalamat ka nga eh.. nakapag release ka." Nakangising dagdag pa nito.

"Woaaahh someone got laid pala" Sabi naman ni Violet.

"Ahhhh eh hindi dapat ganun ang pag te-thank you.." Pang aasar pa ni Paolo.

"Arrrrrrrrggggg stop it guys" Sabi ko na sa mga ito. Alam ko naman na nag bibiro lang sila. Kahit na ganito kami, nakakadiri mang aminin pero mahal namin ang isa't- isa. Hindi namin ipapahamak ng sadya.. hehe minsan kasi 'di namin sinasadyang maipahamak ang isa't- isa. Whahaha pero minsan sadya din. For fun haha.

"Group hug?" Tanong ni Rizza..

"Group hug!!"

Oo, I admit na naiinis ako na late ako ngayon at gagawing birthday gift ng tropa kay Gerald.

Pangalawang late ko na ito. Yung una noong birthday ni Tanya. Ang gusto lang naman nito ay i-date ko sya for one month. Yun ang dahilan kung bakit confuse ako ngayon.

Parang I like her.. parang lang.

Well, but I still want to be with a guy someday.

Nang nakaupo na kami ay ngising asong tumingin si Gerald sakin.

"Pinag pray ko na ikaw yung ma late" Simula nito. Bored na bored na tumingin ako dito.

"Oh come on! That was 4 years ago!"

Noong birthday ko kasi ay ito ang na late. Pinapunta ko lang naman ito sa gitna ng basketball court ng mag time out noong intrams namin. Madaming tao pero pinagsigawan nitong "Hindi pa ako tuli". Pfffttt yun lang naman.

"Hahahahahahahaha" Tawa ng tropa.

"Naka move on na ako.." Sabi nito.

"Yun naman pala eh" Sabi ko. Nakahinga ng maluwag. Hindi naman big deal iyon dahil kilala ang tropa namin na madaming kalokohang pinag gagagawa. Isang linggo lang iyong pinag usapan at nakalimutan na din ng mabalitaang nawawala yung statue na logo ng school. (Na kami ang may gawa.) Para ma divert doon yung attention ng mga studyante. I can say na effective naman. Sinauli din naman namin yun after 2 days.

"Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na ako gaganti" Nakangising dagdag nito.

"Hahahahahahahahaha" Tawa ulit ng tropa.

Arggggggg

"Matagal ko itong pinag isipan" Sabi pa nito.

"Just get to the point already para matapos na.. Speech speech ka pa dyan" Nakangising sabi ko dito.

"Whahahahahahaha" Tawa ng mga abnoy kong tropa.

So 12 nga kami.

Alexander- Tripper na pikon
Charles- Nerd na pang asar
Elliot- Sporty na mama's boy
Gerald- Criminology na cry baby
Isaac- Gunggong na tambay
Karlo- Lawyer namin
Menard- Tigasing under
Paolo- Closet gay na may gusto kay Elliot
Rizza- Gf ni Menard na laging hyper
Tanya- buhay pero patay na patay sakin
Violet- Ingleserang bisaya
At Ako- Dyosang astig

Seven DaysWhere stories live. Discover now