Day Five - II

5.6K 153 3
                                    


Bukas ang pinto nito kaya pumasok na ako. Isang unan ang sumalubong sa mukha ko. Dahil sa gulat at dahil sa medyo masakit pa ang katawan ko ay natumba ako.

"Ahhhray Nyemas naman oh!" Sabi ko.

"Bwisit ka!! Bakit andito ka pa?!! Doon ka!! Doon ka sa labas at magpasagasa kang bwisit ka!!". Nakahiga pa din ako sa lapag nila. Ang sakit talaga, amputsha oh!!. May lagnat kaya ako!! Pektusan kita dyan eh!!.

Nang mapansin nitong hindi pa din ako bumabangon ay nag sisigaw na naman ito.

"Bumangon ka dyan!! Huwag mo akong artehan at patitikimin kita ng tunay na sakit na ikakahiga mo ng tunay!!". Inis na sabi nya.

Biglaang nag flash sa isip ko ang mga eksenang imagination ko lang naman pero malaki ang posibilidad na mangyari.

Ang pagiging under ko sa hinaharap.

Worth it ba?

I won't think twice and I'll say yes. I don't even need to think once and without a doubt I'll say yes, she's worth it.

Arrrrrrgghhh dahan dahang bumangon ako. Nakaupo ako sa sahig ng sabihin nito na lumapit daw ako sa kanya. Nakatulala lang ako. Ang totoo nyan ay narinig ko naman yung sinabi nya. Tinatanggap ko na din ang pagiging under ko. Ayoko lang lumapit dahil baka patikimin nya ako ng tunay na sakit na ikakahiga ko ng tunay.

Yeah.. tama po kayo. Si Ashley Walker ay natatakot sa mga oras na ito.

"Lapit sabi!!"

Naman oh! Langya na yan!

"Ang sakit ng katawan ko. Hindi ako makalad" Palusot ko.
Peste!

"Edi gumapang ka!! Sundin mo ako dahil galit ako!! Kapag hindi ka pa lumapit, lulumpuhin ko yang mga binti mo ng hindi ka na makalakad habang buhay!!"

Naman eh!

Nagmamadali akong lumapit papunta sa kanya. Gumapang is the term.

Nakaupo ito sa kama nya at nasa may paanan nya ako nakaupo.

Sa sahig.

Tss Kung nakikita lang ako ng mga tropa ko tatawanan ako ng mga iyon at pi-picturan! Ipo-post sa Facebook, Instagram , Twitter at pati sa YouTube na may malaking malaking Ashley Walker: The legend of the Under na title. Oo ganun sila kapeste. Buti na lang wala sila dito.

"Anong binubusangot mo dyan?!!" Sigaw nito.

"Wala.. Sorry na please" Nakangusong sabi ko. Inis na tumingin naman ito sakin.

"Umalis ka na"

What??????

Pinalapit lapit mo ako tapos pa- aalisin mo lang?. Yung totoo?, maayos pa ba yang takbo ng utak mo?.

"Ayoko". Sabay iling ko pa.

"Alis na sabi!!"

"Please.. let's talk fir-"

"Umuwi ka na!!"

"I can explain. Nabigla lang ako kahapon. Please pag usapan natin ito."

"Alis na sa-"

"Ito. Itong kung ano man ang meron sa atin.. masaya ako at alam kong ganun ka din. Mahalaga ka sa akin Maxine, ayokong magkaganito tayo."

"Sinunga-"

"You're not just nothing, you mean a lot to me. We're not just nothing. Us to be something is all I want. You. You're all that I want." Nakatingin lang ito sakin. Hinawakan ko ang kamay nito at nilagay sa tapat ng puso ko.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon